Ibong Adarna Kabanata 32 – Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.

Tatalakayin natin sa post na ito ang maikling buod ng Ibong Adarna Kabanata 32: Ang Ikalawang Pagsubok ng Hari. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang aral at mahahalagang kaisipan na mapupulot mo rito.

Buod ng Ibong Adarna Kabanata 32: Ang Ikalawang Pagsubok ng Hari

Ipinatawag muli ni Haring Salermo si Don Juan upang paakyatin sa palasyo. Ngunit muling tumanggi ang binata kaya nagkita na lamang muli ang dalawa sa hardin at doon sinabi ng hari ang ikalawang hamon.

Nagpakita ng prasko si Haring Salermo na may laman na labindalawang negrito at ito’y pinakawalan sa malawak na karagatan. Ang misyon ni Don Juan ay ang muling mahuli ang mga ito at isilid ulit sa prasko. Sa kinaumagahan ay dapat maiharap ito ng prinsipe sa hari upang maiwasan ang parusang kamatayan.

Malungkot na nakipagkita si Don Juan kay Prinsesa Maria Blanca. Sa kanyang pangamba na hindi niya magagampanan ang napakahirap na hamon, nagpayo si Maria Blanca kay Don Juan. Sa ikaapat ng madaling araw, kailangan niyang magdala ng ilawan at dalhin ang prinsesa sa tabing dagat at dito’y gagamitin ni Maria Blanca ang kaniyang mahika upang utusan ang mga negrito na bumalik sa prasko, at kung hindi’y magdaranas sila ng kaniyang galit.

Naging matagumpay ang kanilang plano at kinaumagahan, naipakita ni Don Juan sa hari ang prasko na may laman na labindalawang negrito. Sa kabila ng tagumpay na ito, nagalit ang hari dahil hindi pa rin niya magawang kitilin ang buhay ni Don Juan, kaya’t nag-isip ito ng mas mabigat na hamon.

See also: Ibong Adarna Buod ng Bawat Kabanata 1-46 with Talasalitaan

Mga Mahahalagang Pangyayari

  1. Ipinatawag ni Haring Salermo si Don Juan upang paakyatin sa palasyo, ngunit tumanggi si Don Juan at nagkita na lamang sila sa hardin.
  2. Ibinigay ni Haring Salermo ang ikalawang hamon kay Don Juan: muling hulihin ang labindalawang negrito na pinalaya sa karagatan at isilid ang mga ito sa prasko.
  3. Nakipagkita si Don Juan kay Prinsesa Maria Blanca, at ipinahayag niya ang kanyang pangamba sa hindi magagampanang hamon.
  4. Sa tulong ni Maria Blanca at gamit ang kanyang mahika, nahuli ni Don Juan ang labindalawang negrito at naibalik ang mga ito sa prasko.
  5. Naipakita ni Don Juan sa hari ang prasko na may laman na labindalawang negrito, ngunit nagalit si Haring Salermo at naghanda ng mas mabigat na hamon.

Mga Tauhan sa Ibong Adarna Kabanata 32

  • Don Juan – Ang pangunahing bida na binigyan ng hamon ni Haring Salermo upang muling hulihin ang labindalawang negrito.
  • Haring Salermo – Ang hari na nagbibigay ng mahihirap na hamon kay Don Juan upang subukin ang kanyang kakayahan.
  • Prinsesa Maria Blanca – Ang prinsesang may mahika na tumulong kay Don Juan upang maisakatuparan ang ikalawang hamon.

See also: Ibong Adarna Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa

Tagpuan

Ang kabanata ay naganap sa hardin ng hari kung saan ibinigay ang ikalawang pagsubok at sa tabing dagat kung saan pinaahon ni Maria Blanca ang mga negrito upang muling isilid sa prasko.

Talasalitaan

  • Nakaukmot – Nakayuko o nakabaluktot.
  • Nagulumihan – Nalito o naguluhan.
  • Nanaog – Bumaba.
  • Pain – Patibong o panlilinlang.
  • Pinaglimi – Pinag-isipan ng malalim.
  • Prasko – Isang sisidlan o bote na ginagamit upang magsilid ng likido o bagay.
  • Pumupusag – Nagpupumiglas o kumikilos upang makawala.
  • Humiyaw – Sumigaw nang malakas.

Mga Aral at Mensahe sa Ibong Adarna Kabanata 32

  1. Kapag may matinding hamon sa buhay, mahalagang magkaroon ng tamang kasamahan at gabay upang makamit ang tagumpay.
  2. Ang paggamit ng kapangyarihan o talino para sa kabutihan ay magdadala ng tagumpay, ngunit maaari rin itong magdulot ng galit mula sa mga taong inggit o may ibang hangarin.
  3. Ang pagtanggap ng mga hamon, kahit na ito’y mahirap o tila imposible, ay nagpapakita ng lakas ng loob at pagtitiwala sa sariling kakayahan.

See also: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

At dito nagtatapos ang Ibong Adarna Kabanata 32 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa kabanatang ito ng korido.

Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.

Share this: 

Leave a Comment