Home » Educational » Noli Me Tangere Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa

Noli Me Tangere Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa

Sa pahinang ito ay ating kikilalanin ang mga tauhan sa sikat na nobelang Noli Me Tangere ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Dito ay makikilala natin ang mga pangunahing tauhan pati na rin ang mga tauhan na kaunti lamang ang ginampanan sa nobela.

SEE ALSO: Noli Me Tangere Buod ng Bawat Kabanata 1-64 with Talasalitaan

Share or Tweet to Unlock the PDFimage/svg+xml
Download the PDF version of this post and read it offline – on any device, at any time.

Noli Me Tangere Tauhan at Kanilang mga Katangian

1. Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin

Anak ni Don Rafael; kasintahan ni Maria Clara; pangunahing tauhan sa nobela

2. Maria Clara

Kasintahan ni Crisostomo Ibarra; anak-anakan ni Kapitan Tiago; anak ni Pia Alba at ng paring si Padre Damaso

3. Kapitan Tiago o Don Santiago de los Santos

Ama-amahan ni Maria Clara; asawa ni Pia Alba

4. Pia Alba

Asawa ni Kapitan Tiago; hinalay ni Padre Damaso; ina ni Maria Clara

5. Tiya Isabel

Tiya ni Maria Clara at tumulong sa pagpapalaki dito; pinsan ni Kapitan Tiago

6. Don Rafael Ibarra

Ama ni Crisostomo Ibarra; mayaman kung kaya’t labis na kinainggitan ni Padre Damaso

7. Don Saturnino

Lolo ni Crisostomo Ibarra

8. Kapitan Heneral

Pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas

9. Don Pedro Eibarrimendia

Ninuno ni Crisostomo Ibarra na naging dahilan ng matinding kasawian ng nuno ni Elias

10. Padre Damaso Verdolagas

Ninong ni Maria Clara; humalay kay Pia Alba; nagpahukay sa bangkay ni Don Rafael

11. Padre Bernardo Salvi

Kurang pumalit kay Padre Damaso; nagkaroon ng lihim na pagtingin kay Maria Clara

12. Padre Hernando De La Sibyla

Kura ng Tanawan; palihim na sumusubaybay kay Crisostomo Ibarra

13. Pilosopo Tasyo o Don Anastacio

Matalino ngunit tingin ng karamihan ay baliw

14. Donya Victorina de los Reyes de Espadaña

Nagpapanggap na Kastila; asawa ni Don Tiburcio

15. Don Tiburcio de Espadaña

Isang pilay na Kastilang napadpad sa Pilipinas; asawa ni Donya Victorina; nagpanggap na doktor

16. Donya Consolacion

Asawa ng alperes; malupit at masama ang ugali

17. Alperes

Asawa ni Donya Consolacion; lider ng mga gwardiya sibil; kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

18. Kapitan Pablo

Kapitan ng mga tulisan; tinuturing na ama ni Elias

19. Don Filipo Lino

Ama ni Sinang; Bise-Alkalde

20. Elias

Nagligtas kay Crisostomo Ibarra; anak ng angkang kaaway ng mga ninuno ni Ibarra

21. Sisa

Inang nabaliw sa paghahanap sa dalawang anak; asawa ni Pedro

22. Pedro

Iresponsableng asawa ni Sisa; mahilig sa sugal at lasenggo

23. Crispin

Bunsong anak ni Sisa; napagbintangang nagnakaw; tagapag-patunog ng kampana sa simbahan

24. Basilio

Panganay na anak ni Sisa; napagbintangang nagnakaw; tagapag-patunog ng kampana sa simbahan

25. Linares

Umiibig kay Maria Clara at napiling mapangasawa nito; pinsan ng inaanak ni Padre Damaso

26. Tinyente Guevarra

Tinyente ng gwardiya sibil; kaibigan ni Don Rafael; nagkwento kay Crisosotomo Ibarra tungkol sa sinapit ng kanyang ama

27. Nol Juan

Namahala sa pagpapagawa ng paaralan

28. Lucas

Taong madilaw; nagtangkang pumatay kay Crisostomo Ibarra

29. Albino

Dating seminarista; kasintahan ni Victoria

30. Andong

Napagkamalang pilibustero

31. Balat

Tiyuhin ni Elias na naging tulisan

32. Tarsilo at Bruno Alasigan

Mga anak ng lalaking pinatay ng mga Kastila

33. Andeng

Kinakapatid ni Maria Clara; mahusay sa pagluluto

34. Iday

Magandang kaibigan ni Maria Clara; tumutugtog ng alpa

35. Sinang

Masayahing kaibigan ni Maria Clara; anak ni Kapitan Basilio

36. Neneng

Mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara

37. Victoria

Tahimik na kaibigan ni Maria Clara; kasintahan ni Albino

38. Leon

Kasintahan ni Iday

39. Kapitana Maria

Pumanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama; babaeng makabayan

40. Hermana Rufa

Kampi kay Padre Damaso

41. Don Primitivo

Marunong mangatwiran at mahilig magsalita ng Latin; pinsan ni Tinchang; tagapayo ni Kapitan Tinong

42. Kapitana Tinchang

Matatakuting asawa ni Kapitan Tinong

43. Kapitan Tinong

Naparusahan dahil sa pakikipagkaibigan kay Crisostomo Ibarra

44. Kapitan Basilio

Kapitan sa bayan ng San Diego

45. Kapitan Valentin

Kapitan sa bayan ng San Diego

46. Carlicos

Bayaw ni Padre Damaso; piniling manirahan sa Espanya

SEE ALSO: Noli Me Tangere Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod)

  • Save
398 Shares
398 Shares
Share via
Copy link