Ang wika ay mahalagang bahagi ng ating lipunan at kultura. Sa pamamagitan nito, naipapahayag natin ang ating damdamin, naiintindihan ang isa’t isa, at naipapasa ang kaalaman mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang antas batay sa pormalidad at gamit. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang iba’t ibang antas ng wika, mula sa pormal hanggang sa impormal.
See also: Mga Pahayag na Nagbibigay ng Patunay »
Table of Contents
Ano ang Antas ng Wika?
Ang antas ng wika ay tumutukoy sa iba’t ibang lebel ng pormalidad at gamit ng wika sa iba’t ibang konteksto at sitwasyon. Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay mahalaga dahil ito ay nagpapakita kung paano nagbabago ang wika batay sa kung sino ang nag-uusap, saang lugar, at anong uri ng komunikasyon ang nagaganap.
Dalawang Pangunahing Antas ng Wika
May dalawang pangunahing kategorya ang antas ng wika: ang Pormal at Impormal.
Pormal
Ang pormal na wika ay kinikilala at ginagamit sa mga sitwasyong nangangailangan ng mataas na antas ng paggalang at pormalidad. Nahahati ito sa dalawang kategorya: Pambansa at Pampanitikan.
Pambansa
Ang pambansang wika ay ginagamit sa mga opisyal na dokumento, pamahalaan, at edukasyon. Ito ang pamantayan na ginagamit sa buong bansa. Ang mga salitang ito ay madaling nauunawaan ng lahat dahil sa kanilang denotatibong kahulugan.
Mga Halimbawa:
- Ina
- Aklat
- Ama
- Dalaga
- Masaya
- Baliw
- Magnanakaw
- Kasintahan
- Edukasyon
- Pamahalaan
- Relihiyon
- Ekonomiya
- Paaralan
- Mag-aaral
- Simbahan
- Rebelde
- Magulang
- Bilangguan
- Bakla
- Pilipino
- Umiiyak
- Umalis
- Asawa
- Anak
- Kapatid
- Bandila
- Kulambo
- Kisame
- Larawan
- Lagari
- Manika
Pampanitikan
Ang pampanitikang wika ay ginagamit sa panitikan, tula, at iba pang anyo ng malikhaing pagsulat. Ito ay nagtataglay ng masining at malalim na kahulugan at kadalasang gumagamit ng mga matatalinghagang pahayag.
Mga Halimbawa:
- Mabulaklak ang dila (Madaldal)
- Di-maliparang uwak (Malawak)
- Kaututang-dila (Laging kausap, ka-tsismisan)
- Balat sibuyas (Madamdamin)
- Nagbukas ng dibdib (Nagtapat)
- Ilaw ng tahanan (Ina)
- Nasisiraan ng bait (Baliw)
- Malikot ang kamay (Magnanakaw)
- Kalaguyo (Kabit)
- Nagsusunog ng kilay (Nag-aaral ng mabuti)
- Di-mahulugang karayom (Siksikan)
- Mahaba ang pisi (Mahaba ang pasensya)
- Bastardo / bastarda (Anak sa labas)
- Piitan (Bilangguan)
- Alanganin, binabae (Bakla)
- Lahing kayumanggi (Pilipino)
- Lumuluha (Umiiyak)
- Lumisan (Umalis)
- Kahati sa buhay (Asawa)
- Bunga ng pag-ibig (Anak)
- Pusod ng pagmamahal (Sentro ng pagmamahal)
- Minarapat (Pinili)
- Pag-iisang dibdib (Kasal)
- Minamahal (Mahal)
- Bugtong (Nag-iisa)
- Makitil (Mapatay)
- Mag-irog (Magkasintahan)
- Liyag (Mahal)
- Maglililo (Magtataksil)
- Katoto (Kaibigan)
See also: Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa, Uri at mga Halimbawa »
Impormal
Ang impormal na wika ay ginagamit sa pang-araw-araw na usapan at hindi nangangailangan ng mataas na antas ng pormalidad. Nahahati ito sa tatlong kategorya: Lalawiganin, Kolokyal, at Balbal.
Lalawiganin
Ang lalawiganing wika ay ginagamit sa partikular na rehiyon o lalawigan. Ito ay may kakaibang tono at punto na natatangi sa lugar na pinagmulan nito.
Mga Halimbawa:
- Inang (Ina)
- Itang (Ama)
- Muret (Galit)
- Bal-la (Kamag-anak)
- Buang (Baliw)
- Karsel (Bilangguan)
- Preso (Bilangguan)
- Kwarta (Pera) – Bicol
- Magayon (Maganda) – Bicol
- Gwapa (Maganda) – Bicol
- Bayot (Bakla) – Bisaya
- Salamatonon (Salamat) – Bicol
- Wara (Wala) – Bicol
- Makanos (Pangit) – Bicol
- Dai (Hindi) – Bicol
- Iyo (Oo) – Bicol
- Balay (Bahay) – Bicol
- Sulod (Pasok) – Bicol
- Akong (Akin) – Bisaya/Cebuano
- Trak (Sasakyan) – Maranao
- Dayit (Dagat) – Pangasinan
- Napintas (Maganda) – Ilokano
Kolokyal
Ang kolokyal na wika ay pang-araw-araw na salita na ginagamit sa impormal na pakikipag-usap. Kadalasan, pinapaikli ang mga salita para mas mabilis na maipahayag ang mensahe.
Mga Halimbawa:
- Nasa’n (Nasaan)
- Pa’no (Paano)
- Sa’kin (Sa akin)
- Sa’yo (Sa iyo)
- Kelan (Kailan)
- Meron (Mayroon)
- Nanay
- Tatay
- Sira ulo
- Pulis
- Pera
- Maganda
- Kulungan
- Bading
- Pinoy
- Pre (Pare)
- Sing2 (Sing-sing)
- Pa (Papa)
- Ma (Mama)
Balbal
Ang balbal na wika ay karaniwang ginagamit ng mga pangkat-pangkat sa lipunan upang magkaroon ng sariling code o lihim na wika. Ito ang pinaka-impormal na antas ng wika at madalas ay hindi naiintindihan ng nakararami.
Mga Halimbawa:
- Ermat (Nanay)
- Erpat (Tatay)
- Praning (Nababaliw)
- Parak (Pulis)
- Buwaya (Kurakot)
- Arep (Pera)
- Anda (Pera)
- Erap (Pare)
- Adnagam (Maganda)
- Yorme (Mayor)
- Munti (Bilangguan)
- Baklush (Bakla)
- Noypi (Pinoy)
- Eklavush (Eksena)
- Chaka (Pangit)
- Borta (Malaki ang katawan)
- Shala (Sosyal)
- Nakakalurky (Nakakaloka)
- Jowa (Kasintahan)
- Jombag (Suntok)
- Japeks (Fake)
- Najuntis (Nabuntis)
- Jabee (Jollibee)
- PHOW (Po)
- Lispu (Pulis)
- Chikadora (Chismosa)
Konklusyon
Ang pag-unawa sa iba’t ibang antas ng wika ay mahalaga upang magamit natin ito nang wasto at naaayon sa tamang konteksto. Sa bawat sitwasyon, may angkop na antas ng wika na dapat gamitin upang maging epektibo at maayos ang komunikasyon. Ang kaalaman sa mga antas ng wika ay nagpapakita ng ating kahusayan sa paggamit ng ating wika at nagbibigay-daan upang mas maipahayag natin nang malinaw ang ating mga saloobin at ideya.