Ang Pilipinas ay isang bansa na mayaman sa mga awiting bayan. Ang mga ito ay malalim na nakaukit sa puso ng bawat Pilipino at nagsisilbing salamin ng ating kultura, kasaysayan, at mga paniniwala. Isa rin itong makasaysayang bahagi ng ating pagka-Pilipino na nagpapakita ng ating natatanging pag-uugali at pananaw sa buhay sa pamamagitan ng awit o musika. Sa artikulong ito, ating tatalakayin kung ano ang awiting bayan, mga katangian, uri, kahalagahan, at mga halimbawa ng awiting bayan sa Pilipinas.
Mga Nilalaman
- Ano ang Awiting Bayan?
- Mga Katangian ng Awiting Bayan
- Mga Uri ng Awiting Bayan
- Mga Halimbawa ng Awiting Bayan sa Pilipinas
- Kahalagahan ng Awiting Bayan
- Mga kaugnay na aralin
Ano ang Awiting Bayan?
Ang awiting bayan ay tradisyonal na awit na nagpapahayag ng opinyon, damdamin, at karanasan ng mga Pilipino. Ito ay naglalarawan ng pang-araw-araw na buhay, kaugalian, at kasaysayan, at tumutulong sa pagpapaunlad ng pagkakakilanlan. Likha ng karaniwang mamamayan, ito’y madalas na tinatanghal sa mga okasyon tulad ng pista, kasal, at iba pa. Sa awiting bayan, makikita ang mga kuwento at aral na nagmumula sa kulturang Filipino. Ito’y hindi lamang isang sining, kundi salamin rin ng buhay ng mga Pilipino.
Sa porma ng musika na may tugma at sukat, ang awiting bayan ay nagpapahayag ng mga paniniwala at tradisyon ng mga tao. Mahalaga ito sa pangangalaga at pagpapatuloy ng mga natatanging kaugalian ng mga Pilipino.
Mga Katangian ng Awiting Bayan
1. Pagsasalaysay ng karanasan at tradisyon
Ang mga awiting bayan ay naglalarawan sa mga karanasan ng mga tao sa isang partikular na lugar o panahon.
2. Kasimplehan ng mga salita
Ang mga awiting bayan ay gumagamit ng mga simple at madaling maunawaang salita na madaling maalala at maaaring kantahin ng lahat.
3. May sukat at tugma
Ang mga awiting bayan ay binubuo ng mga saknong na may sukat at tugma.
4. May melodiya
Ang mga awiting bayan ay pinapalutang sa melodiya na sumasalamin sa damdamin ng awit.
Mga Uri ng Awiting Bayan
Ang mga awiting bayan sa Pilipinas ay may iba’t-ibang uri, kabilang na ang:
Kundiman
Isang uri ng awit ng pag-ibig na nagpapahayag ng pagmamahal, pagpapakasakit, at pagsasakripisyo. Inaawit ito kapag dumadalaw o nanghaharana sa nililigawan.
Balitaw
Ito ay isang tradisyonal na romantikong awit mula sa Visayas na ginagamit din sa panliligaw.
Kumintang
Ito ay isang uri ng awit na nagtatampok ng mga kwento ng pakikipaglaban, pakikidigma, at kabayanihan.
Pananapatan
Ito ang pangharana sa Tagalog na may layunin na maipahayag ang pag-ibig sa isang tao.
Oyayi
Ginagamit para sa pagpapatulog ng bata.
Diona
Isang awit na ginagamit sa pamamanhikan o kasal.
Soliranin
Isang uri ng awit sa paglalayag o pamamangka.
Talindaw
Isang pang uri ng awit sa pamamangka.
Dalit o Imno (Himno)
Isang uri ng awit panrelihiyon para sa pagpupuri, pagluwalhati, at pasasalamat sa Diyos.
Dung-aw
Ito ay awit sa patay o pagdadalamhati ng mga Ilocano.
Sambotani
Isang uri ng awit ng pagtatagumpay.
Pangangaluluwa
Awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog.
Maluway
Isang uri ng awit para sa sama-samang paggawa.
Kutang-kutang
Ito’y isang uri ng awiting ginagamit panlansangan.
Rawitdawit
Isang uri ng awit ng mga lasing.
Mga Halimbawa ng Awiting Bayan sa Pilipinas
Narito ang ilan sa mga kilalang halimbawa ng awiting bayan sa Luzon, Visayas, at Mindanao:
Awiting Bayan sa Luzon
Maraming awiting bayan sa Luzon. Mayroong nagmula sa Ilocos, Bicol, Pampanga, Pangasinan, sa Katagalugan, at marami pang iba. Narito ang ilan sa mga halimbawa:
Awiting Bayan ng Ilocano
Manang Biday
Isang awit na mula sa Ilocos Sur na tungkol sa pagmamahal sa isang dalaga na nagngangalang Biday.
Manang Biday, ilukat mo man
‘Ta bintana ikalumbabam
Ta kitaem ‘toy kinayawan
Ay, matayakon no dinak kaasian
Siasinnoka nga aglabaslabas
Ditoy hardinko pagay-ayamak
Ammom ngarud a balasangak
Sabong ni lirio, di pay nagukrad
Denggem, ading, ta bilinenka
Ta inkanto ‘diay sadi daya
Agalakanto’t bunga’t mangga
Ken lansones pay, adu a kita
No nangato, dika sukdalen
No nababa, imo gaw-aten
No naregreg, dika piduten
Ngem labaslabasamto met laeng
Daytoy paniok no maregregko
Ti makapidut isublinanto
Ta nagmarka iti naganko
Nabordaan pay ti sinanpuso
Alaem dayta kutsilio
Ta abriem ‘toy barukongko
Tapno maipapasmo ti guram
Kaniak ken sentimiento
English Translation:
Dear Biday, please open
Open your window
So you can see the one who adores you
Oh, I will die if you will not care
Who are you who keeps passing by?
In my garden where I play
You know I’m a lady
My flowers has not bloomed
Listen my dear so I can tell you
Just go south
Get a mango fruit
Even lanzones and other kinds.
If it’s low, do not grab it
If it’s high, don’t reach for it
If it fell, don’t pick it
But pass by it
My handkerchief if I drop it
Whoever finds it will return it
My name is written in it
Also embroidered is a heart
Get that knife
To open my chest
To pass your anger
to me and sadness
Translation from wikipedia.org
Pamulinawen
Ito’y isang awit na mula sa Ilocos Norte tungkol sa pag-ibig sa isang babae na ang pangalan ay Pamulinawen.
Pamulinawen, pusok indengam man
Toy umas-asug agrayod’ta sadiam.
Panunotem man inka pagintutulngan
Toy agayat, agukkoy dita sadiam.
Essem nga diak malipatan ta nasudi unay a nagan,
Uray sadin ti ayan, lugar sadino man,
Aw-awagan di agsarday, ta naganmo kasam-itan.
No malagipka, pusok ti mabang-aran.
Adu a sabsabong, narway a rosrosas
Ti adda’t ditoy a di nga mabuybuya,
Ngem awan man laeng ti pakaliwliwaan
No di dayta sudim ken kapintas.
Aywen, biagko, indengam man.
Iyasasokko nga inaldaw
Ta diak to a kayat ti sabali nga imnas
Sika laeng, o, biagko, ita ken uray tanemman
No malagipka, pusok ti mabang-aran.
Dakay nga ububbing, didakam’ tultuladen
Ta dakkel kamin nga agiinnarem
Ta ituloyyo ta panagadalyo
Tapno inkay magun-od kakaligumanyo
Essem nga diak malipatan, ta nasudi unay a nagan,
Uray sadin ti ayan, lugar sadino man,
Aw-awagan di agsarday ta naganmo kasam-itan.
No malagipka, pusok ti mabang-aran.
English Translation of the first 2 stanzas:
Pamulinawen, please hear my heart
This grieving man is truly in love with you
Please think it well, don’t try to pretend
This lover really cares a lot!
Your smile I can’t forget with your so wonderful name
Wherever you are, whatever place you may be
I call out your name often, so sweet to pronounce
This lover really cares a lot!
Translation from constantineagustinblog
Awiting Bayan ng Pangasinan
Magtanim Ay Di Biro
Isang awit na nagmula sa Pangasinan tungkol sa pagtatanim at pagsasaka.
Magtanim ay ‘di biro
Maghapong nakayuko
‘Di man lang makaupo
‘Di man lang makatayo
Braso ko’y namamanhid
Baywang ko’y nangangawit
Binti ko’y namimitig
Sa pagkababad sa tubig
Sa umagang paggising
Ang lahat iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain
Braso ko’y namamanhid
Baywang ko’y nangangawit
Binti ko’y namimitig
Sa pagkababad sa tubig
Halina, halina, mga kaliyag
Tayo’y magsipag-unat-unat
Magpanibago tayo ng landas
Para sa araw ng bukas
Awiting Bayan ng Pampanga
Leron Leron Sinta
Ito ay isang awit ng pag-ibig na nagmula sa Pampanga. Tungkol ito sa isang lalaking nagtaksil sa kanyang minamahal.
Leron, Leron, sinta
Buko ng papaya
Dala dala’y buslo
Sisidlan ng bunga
Pagdating sa dulo’y
Nabali ang sanga,
Kapos kapalaran
Humanap ng iba.
Gumisang ka Neneng, tayo’y manampalok
Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo’y uunda-undayog
Kumapit ka Neneng, baka ka mahulog.
Halika na Neneng at tayo’y magsimba
At iyong isuot ang baro mo’t saya
Ang baro mo’t sayang pagkaganda-ganda
Kay ganda ng kulay — berde, puti, pula.
Ako’y ibigin mo, lalaking matapang
Ang baril ko’y pito, ang sundang ko’y siyam
Ang lalakarin ko’y parte ng dinulang
Isang pinggang pansit ang aking kalaban.
Awiting Bayan ng mga Tagalog
Bahay Kubo
Ito’y awit tungkol sa bahay kubo at mga uri ng gulay sa paligid nito. Mula sa ito sa rehiyon ng Katagalugan.
Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka mayroon pang labanos, mustasa,
sibuyas, kamatis, bawang at luya
sa paligid-ligid ay puro linga.
English Translation:
My humble hut may look tiny,
but the veggies around it, sure are many.
Yam beans and eggplants, wing’d beans and peanuts,
string, hyacinth and lima beans.
Winter melon and loofah, bottl’ gourd, squash, et cetera.
There is more, amiga, radish, mustard, yeah!
Onions, tomatoes garlic and ginger.
If you look all around, sesame seeds abound!
Translation by Roberto Verzola
Paru-parong Bukid
Ang awit na ito ay mula sa rehiyong tagalog kung saan inihahambing ang isang babae sa paru-paro.
Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papaga-pagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
May payneta pa siya — uy!
May suklay pa man din — uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng
English Translation:
Butterfly from the field flitting and floating by
In the middle of the road, waving its wings
Sari wrapped around her
Sleeves as wide as my palm
Skirt’s a trifle oversized
Ends dragging on the ground
Her hair held with a pin Uy!
Her hand twirling a comb Uy!
She displays her embroidered half-slip
She faces the altar then looks in the mirror
Then she walks swaying her hips like a duck
Translation by robie317
Awiting Bayan ng Bicol
Sarung Banggi
Ito’ y isang popular na kundiman ng mga Bicolano na nagpapahayag ng malalim na pag-ibig ng isang binata sa dalagang kanyang iniibig.
Sarung banggi sa higdaan
Nakadangog ako hinuni nin sarung gamgam
Sa luba ko katorogan
Bako kundi simong boses iyo palan
Dagos ako bangon si sakuyang mata binuklat,
Kadtong kadikloman ako nangalagkalag
Si sakong pagheling pasiring sa itaas
Naheling ko simong lawog maliwanag
English Translation:
One evening as I lay in bed
I heard the sad song of a bird
At first I thought it was a dream
But soon I recognized your voice
I opened my eyes and arose
And strained in the darkness to see
I looked about and up
Then saw your radiant face.
Translation from tagaloglang.com
Awiting Bayan sa Visayas
Mayaman sa awiting bayan ang Visayas. Narito ang ilan sa mga halimbawa:
Dandansoy
Isang awiting-bayan tungkol sa isang lalaking nagpapaalam sa kanyang minamahal. Ito ay mula sa Visayas partikular sa lalawigan ng Panay na sikat din sa ilang bahagi ng Luzon.
Dandansoy, bayaan ta icao
Pauli aco sa Payao
Ugaling con icao hidlauon
Ang Payaw imo lang lantauon
Dandansoy, con imo apason
Bisan tubig di magbalon
Ugaling con icao uhauon
Sa dalan magbobonbobon.
Convento, diin ang cura?
Municipio, diin justicia?
Yari si dansoy maqueja.
Maqueja sa paghigugma
Ang panyo mo cag panyo co
Dala diri cay tambijon co
Ugaling con magcasilo
Bana ta icao, asawa mo aco.
English Translation:
Dandansoy, I’d like to leave you,
I’m going back home to Payao.
Though if you yearn for me,
Just look towards Payao.
Dandansoy, if you follow me,
Don’t bring even water.
Though if you get thirsty,
Dig a well along the way.
Nunnery, where’s the priest?
City Hall, where’s justice?
Here is Dansoy, charged
Charged with falling in love.
Your handkerchief and my handkerchief
Bring them here, as I’ll tie them together
For if they interweave
May you be my husband, I your wife.
Translation from mamalisa.com
Ug Binhi
Ito ay awitin ng mga Sugbuwanon o Cebuano na sa Tagalog ay pinamagatang “Ang Binhi”.
Tra, la, la, la.
Aco’y gatanum ug binhi,
Nanalingsing, nabuhi.
Sanabuhi, namunga,
Sa namunga ng naminhi.
Tra, la, la, la.
Ako’y nagtanim ng binhi,
Sumibol, nabuhay.
Di naglao’t namunga,
Ang bungay naging binhi.
An Balud
Ito ay awit ng mga Waray.
Daw nasusunog sidsid han langit
Pati han dagat nagdadalit
Bangin ha unhan, may nagcaingin,
May madlos huyog hinin hangin
Inin mganga balud, mulayan han dagat
Nga dalit na calawdan, nagbahalatbagat.
An gabi nga dulom, an tubig nga maranggat
Nga nacacaliaw manga dumaragat.
English Translation:
Heaven ang sea seem to be on fire.
Perhaps there’s a kaingin somewhere
There’s a strong wind blowing the waves.
These waves are toys of the sea
Coming from the ocean
Where night encounters the dark.
Bright waters give hope to seamen.
Translation by Sr. Lilia Tolentino
Awit Ng Magtutuba
Ang Awit ng Magtutuba ay mula pa sa lalawigan ng Leyte.
Pumupukpok ako sa mga kahuyan
Rat-a-tat – tat-tat Rat-a-tat-tat
Pinakikintab ko’y tukil ng kawayan,
Ang pinupukpok ko’y tuktok ng niyugan,
Rat-a-tat-tat.
Si Pilemon, Si Pilemon
Ito ay isang awiting bayan ng Hiligaynon.
Si Pilemon, Si Pilemon
Namasol sa karagatan
Nakakuha, nakakuha
Sang isdang tambasakan
Guibaligya, guibaligya
Sa merkado nga guba
Ang binta niya’y wala
Ang binta niya’y wala
Guibakal sang tuba
Ili Ili, Tulog Anay
Ito ay pampatulog sa bata at isa sa mga kilalang awiting Hiligaynon.
Ili, ili, tulog anay
Wala diri imong Nanay
Kadto tienda, bakal papay
Ili, ili, tulog anay
Mata ka na tabangan mo.
Ikarga ang nakompra ko.
Kay bug-at man sing putos ko.
Tabangan mo ako anay.
English Translation:
Sleep a while, little one
Your mother is not here.
She went to the store to buy bread.
Sleep a while, little one
You are awake, come and help.
Carry the things that I bought,
Because it is very heavy
Help me for a while, little one.
Translation from hannahcomia.com
Awiting Bayan ng Mindanao
Ang Mindanao ay mayaman din sa mga awiting bayan. Narito ang ilan sa mga halimbawa:
Ayaw Kaw Magtangis
Sa awiting ito ng mga Tausug, hinihiling ng lalaki na tumigil na sa pag-iyak ang babae dahil dinudurog din nito ang kanyang puso.
Ayaw kaw magtangis
Kaugun in luha mo
Pahiri sin panyu’
Supaya makawa
Misan kaw mangasubu
Bukun da dusa ko
Dusa sin baran mo
Binin mo ako.
Timpu nakauna
Pialangga’ mo ako
Buling ha bayhu’ ko
Taptap piahiran mo
Misan ako natug
Yahabulan mo ako
Mabuga’ kaw dalling
Matay ako.
Dundang ba Utu
Ito ay isang awitin sa Mindanao na pampatulog sa bata.
Dundang ba Utu
tug na ba kaw
Liyalangan ta sa kaw
Bang bukun sabab ikaw
In maglangan mahukaw.
English Translation:
Go to sleep
Now my son
I am singing to you
If not because of you
I would not even like to sing.
Translation from filipinosongsatbp
Kahalagahan ng Awiting Bayan
Ang mga awiting bayan o folk songs ay mahalaga sa kulturang Pilipino dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Pagsasalin ng Kultura at Kasaysayan
Ang mga awiting bayan ay nagbibigay ng malalim na silip sa kultura at kasaysayan ng isang lugar o bansa. Ang mga ito ay nagsasalaysay ng mga kwento, karanasan, at tradisyon na inilipat mula sa henerasyon hanggang henerasyon.
2. Edukasyon
Ito ay maaaring gamitin bilang kasangkapan sa pagtuturo ng mga lokal na tradisyon, kultura, at kasaysayan sa mga bata at kabataan.
3. Pagpapahayag ng Damdamin at Kaisipan
Ito ay nagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng mga tao. Maaaring ipahayag ang mga saloobin ukol sa pag-ibig, pamilya, trabaho, digmaan, relihiyon, at iba pang mga paksa na sumasalamin sa buhay ng mga tao.
4. Pagkakaisa at Pagkakakilanlan
Ito ay nagsisilbing sangkap sa pagbubuo ng pagkakaisa at pagkakakilanlan. Ang pag-awit ng mga awiting bayan sa mga okasyon o pagtitipon ay nagpapalakas ng ugnayan ng mga tao at nagpapahayag ng kanilang kolektibong pagkakakilanlan.
5. Pagpapanatili ng Wika
Sa pamamagitan nito, ang mga salitang lokal at mga dayalekto na maaaring malimutan dahil sa modernisasyon at globalisasyon ay napapanatili at naipapasa sa susunod na henerasyon.
Bilang pagtatapos, ang mga awiting bayan ay hindi lamang simpleng awit na nagbibigay-aliw sa ating pandinig. Ito rin ay nagpapahayag ng kultura, mga paniniwala, at mga karanasan ng mga Pilipino. Ang bawat salita, bawat tugtog, at bawat melodiya ay nagpapahayag ng isang kwento—ang kwento ng ating lahi.
Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, inaanyayahan ka namin sa ibahagi din ito sa iyong mga kaibigan at kaklase upang sila rin ay matuto.
Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.
Mga kaugnay na aralin
MAIKLING KWENTO: Uri, Elemento, Bahagi at Mga Halimbawa
Ano ang Parabula? Kahulugan at Mga Halimbawa Nito
TULA: Kahulugan, Elemento, Uri, at mga Halimbawa ng Tula
SANAYSAY: Ano ang Sanaysay, Paano Gumawa, Mga Halimbawa, Uri, Atbp.
TALUMPATI: Mga Uri, Katangian, Paano Gumawa, Halimbawa, Atbp.