El Filibusterismo Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa

Ang El Filibusterismo ay karugtong ng nobelang Noli Me Tangere na parehong isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Marami sa mga tauhan ng Noli Me Tangere ang matatagpuan din sa El Filibusterismo.

Kabilang na d’yan sina Simoun (Crisostomo Ibarra), Basilio, Donya Consolacion, Kapitan Tiago, ang mga prayle, at marami pang iba. Marami ring nadagdag na tauhan sa nobelang El Filibusterismo na wala sa Noli Me Tangere.

Narito at iyong basahin ang aming ginawang El Filibusterismo tauhan at alamin ang kani-kanilang mga katangian.

Kung nais mo rin basahin ang buod ng buong kwento at buod ng bawat kabanata ng El Filibusterismo, bisitahin ang El Filibusterismo Buod ng Buong Kwento at El Filibusterismo Buod ng Bawat Kabanata 1-39 with Talasalitaan.

See also: Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo »

El Filibusterismo Tauhan at Kanilang mga Katangian

1. Simoun

Siya ang nagbabalik na si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere; mag-aalahas; pangunahing tauhan sa El Filibusterismo

2. Basilio

Kasintahan ni Huli; mag-aaral sa medisana; kalaunan ay napapayag ni Simoun na sumapi sa kanya

3. Kapitan Tiago

Kumupkop kay Basilio; ama-amahan ni Maria Clara; mayaman; namatay ngunit nagkaroon ng magarang burol at libing

4. Isagani

Pamangkin ni Padre Florentino; kasintahan ni Paulita Gomez

5. Kabesang Tales

Anak Tandang Selo; Ama ni Lucia, Huli at ni Tano; ginipit ng mga pari sa pamamagitan ng pagbabayad ng malaking buwis

6. Tandang Selo

Ama ni Kabesang Tales; lolo ni Huli

7. Huli

Anak ni Kabesang Tales; apo ni Tandang Selo; kasintahan ni Basilio; nagpakamatay dahil hinalay Padre Camorra

8. Kapitan Heneral

Kaibigan ni Simoun na may pinakamataas na posisyon sa pamahalaan

9. Mataas na Kawani

Kagalanggalang; tumutupad sa tungkulin; may paninindigan at may pananagutan.

10. Don Timoteo Pelaez

Ama ni Juanito Pelaez; naging kasanib ni Simoun sa negosyo

11. Juanito Pelaez

Pinakasalan ni Paulita Gomez bandang huli

12. Paulita Gomez

Naging kasintahan ni Isagani; napangasawa ni Juanito Pelaez; pamangkin ni Donya Victorina

13. Donya Victorina

Tiya ni Paulita Gomez; asawa ni Don Tiburcio

14. Don Tiburcio

Pinagtaguan ang asawang si Donya Victorina; nagtungo kay Padre Florentino upang doon magtago

15. Ben Zayb

Isang mamahayag na gumagawa ng sariling bersyon ng mga balita

16. Macaraig

Isa sa mga nakikiisa sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila

17. Pecson

Mag-aaral na nagbigay ng talumpati sa Panciteria; isa sa mga estudyanteng may hangaring magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas ngunit hindi umaasang matutupad ang hangaring ito

18. Sandoval

Kastila na sumasang-ayon sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

19. Placido Penitente

Estudyanteng nais nang tumigil sa pag-aaral; anak ni Kabesang Andang na taga-Batangas; nilait ni Padre Millon ng wala itong maisagot sa kanyang klase sa Pisika

20. Tadeo

Tamad na mag-aaral; mahilig magdahilan na may sakit upang hindi makapasok sa paaralan

21. Padre Salvi

Dating kura sa San Diego; pansamantalang nanungkulan sa Sta. Clara (ang kumbento kung saan naroon si Maria Clara); malapit na kaalyado ng Kapitan Heneral

22. Padre Camorra

Paring gumahasa kay Huli

23. Padre Fernandez

Paring natatangi; may paninindigan; hindi nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan at ng mga kapwa niya prayle.

24. Padre Florentino

Amain ni Isagani; Pilipinong pari na pinuntahan at nakausap ni Simoun bago ito mamatay

25. Padre Irene

Paring nakikiisa sa pagtatatag ng akademya ng wikang Kastila

26. Padre Millon

Paring guro sa pisika; lumait-lait sa estudyanteng si Placido Penitente ng wala itong maisagot sa kanyang klase

27. Ginoong Pasta

Tagapayo ng mga prayle

28. Don Custodio

Siya si Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo na tinaguriang “Buena Tinta”; ang magdedesiyon sa akademya ng wikang kastila

29. Quiroga

Intsik na mangangalakal; sa bodega nito ipinatago ni Simoun ang mga armas na gagamitin sa paghihimagsik

30. Kapitan Basilio

Mayaman na Kapitan sa San Diego; asawa ni Kapitana Tika; ama ni Sinang

31. Hermana Bali

Ang nagsabi kay Huli na lumapit kay Padre Camorra upang humingi ng tulong sa pagpapalaya kay Basilio

32. Hermana Penchang

Relihiyosang amo ni Huli

33. Kabesang Andang

Ina ni Placido Penitente; taga-Batangas

34. Kapitana Tika

Asawa ni Kapitan Basilio; ina ni Sinang

35. Ginoong Leeds

Amerikanong nagtanghal sa perya

36. Imuthis

Nagsasalitang ulo sa perya

37. Pepay

Isang mananayaw; hiningian ng tulong ng mga mag-aaral upang kausapin si Don Custodio tungkol sa akademya ng wikang Kastila

38. Sinong

Kutsero; ilang beses nabugbog dahil nakalimutan ang sedula at napundihan ng ilaw sa kasagsagan ng prusisyon

39. Mautang

Pilipinong gwardiya sibil na nagpapahirap sa kapwa Pilipinong bilanggo

40. Carolino

Nakapatay kay Tandang Selo na kaniyang lolo

41. Tiyo Kiko

Matalik na kaibigan ni Camaroncocido.

42. Paciano Gomez

Kapatid ni Paulita.

43. Camaroncocido

Isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.

44. Sinang

Kaibigan ni Maria Clara; anak ni Kapitan Basilio at Kapitana Tika

45. Momoy

Isa sa panauhin sa kasalan nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; kasali sa mga nag-usap-usap tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez;

46. Kapitan Loleng

Isa sa mga nag-usap-usap tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; nagpayo kay Isagani na magtago dahil baka mapagbintangan na siyang may kagagawan sa kaguluhan sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez

47. Kapitan Toringgoy

Isa sa mga nag-usap-usap tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; nagsabi na baka ang mga prayle, o si Quiroga o si Makaraeg ay may kagagawan ng kaguluhan

48. Chichoy

Isa sa mga nag-usap-usap tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; nagsabi na si Simoun ang naglagay ng bayong na puno ng pulbura

49. Maria Clara

Namatay sa kumbento ng Sta. Clara; sinasabing paulit-ulit na hinalay ni Padre Salvi

Download the PDF version of this post by clicking this link.

Share this: