Home » Literature » Noli Me Tangere Buod ng Bawat Kabanata 1-64 w/ Talasalitaan

Noli Me Tangere Buod ng Bawat Kabanata 1-64 w/ Talasalitaan

Sa pahinang ito ay mababasa mo ang aming bersyon ng Noli Me Tangere buod ng bawat kabanata mula sa kabanata 1 hanggang kabanata 64 kabilang ang mga talasalitaan na ginamit sa nobela.

Ang Noli Me Tangere ay isa sa mga naisulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Sinimulang isulat ang unang bahagi ng Noli Me Tangere noong 1884 sa Madrid nung kasalukuyang nag-aaral si Rizal ng medisina. Ang huling bahagi naman ay itinuloy sa Berlin matapos itong makapag-aral.

Ang Noli Me Tangere ay isang salitang Latin na ang ibig sabihin ay “Huwag mo ako salingin” o huwag mo akong tapikin.

SEE ALSO: Noli Me Tangere Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod)

Ang mga pangyayari sa nobelang ito ay hango sa mga pangyayaring naganap at nagaganap sa lipunan. Nais ibukas ni Gat. Jose Rizal ang pag-iisip ng mga mambabasa sa kabaluktutang nangyayari sa pamahalaan maging sa simbahan.

Upang mas lalong maintindihan ang mga kaganapan sa nobelang ito, narito’t basahin ang aming bersyon ng Noli Me Tangere buod ng bawat kabanata pati na rin ang mga talasalitaan na ginamit dito.

Kung nais mo namang kilalanin ang mga tauhan sa Noli Me Tangere, bisitahing ang post na ito: Noli Me Tangere Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa.

Share or Tweet to Unlock the PDFimage/svg+xml
Download the PDF version of this post and read it offline – on any device, at any time.

Noli Me Tangere Buod ng Bawat Kabanata at mga Talasalitaan


Noli Me Tangere Buod Kabanata 1: Ang Pagtitipon

Isang malaking pagtitipon ang gaganapin sa bahay ni Don Santiago de los Santos o mas kilala sa tawag na Kapitan Tiago sa Kalye Anluwage upang salubungin ang isang binata na galing Europa.

Sikat at malaki ang kanyang impluwensya dahil siya ang dating alkade ng kanilang lugar. Kilala din ito dahil sa pagiging matulungin sa mga mahihirap.

Mabilis na kumalat ang balita ng pagtitipon sa maraming distrito ng Maynila hanggang sa loob ng Intramuros.

Pagpasok palang sa bahay ay may sasalubong nang malaking hagdanan na nababalutan ng karpeta. Sa ikalawang palapag ay may makikitang mga porselanang Intsik na may iba’t-ibang kulay at disenyo na mas nakatawag ng pansin sa mga bisitang dumalo.

Mapapakinggan ang magagandang tunog na gawa ng orkestra at mga kalansing ng mga pinggan at kubyertos. Sa gitna ng bulwagan ay may mahabang lamesa na kainan na puno ng adorno.

Ang dingding ay mga mga relihiyosong likhang sining na pinamagatang Purgatoryo, Impyerno, Huling Paghuhukom, Ang Kamatayan ng Makatarungan at Kamatayan ng Makasalanan.

Ang sala ay puno ng mga panauhin, hiwalay ang mga babae sa lalaki na parang nasa simbahan. Si Tiya Isabel, ang pinsan ni Kapitan Tiyago ang siyang naging tagatanggap ng mga panauhin. Baluktok siya kung mangastila.

Nagdatingan pa ang mga panauhin kabilang na ang mag-asawang sina Don Tiburcio de Espadaña at Doña Victorina de Espadaña; Padre Hernando De La Sibyla na siyang kura ng Tanawan; Padre Damaso Vardolagas ang dating kura San Diego; ang dalawang paisano; at si Tinyente Guevarra ang tinyente ng gwardiya sibil.

Ikinagulat ni Padre Damaso ang dahilan ng pagpunta ng binata. Ang akala niya’y pumunta ang binata sa Pilipinas upang magtrabaho, yun pala ay interesado ang binata sa pag-uugali ng mga katutubong Pilipino.

Nagkaroon ng kanya kanyang pagpapahayag na nagresulta sa mainit na sagutan sa pagitan ng mga panauhin laban kay Padre Damaso. Hindi na napigilan ng pari na mailabas ang kanyang mapanlait na ugali laban sa mga Indio.

Sinabi din ni Padre Damaso na hindi dapat manghimasok ang hari sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe. Ngunit ito ay tinutulan ni Tinyente Guevarra, batid niya na may karapatan ang Kapitan Heneral sa pagpaparusa dahil ito ang kinatawan ng hari ng bansa.

Pinalipat si Padre Damaso sa ibang lugar dahil pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagkamalang isang erehe dahil sa hindi nito pagkumpisal.

Iniwan ni Tinyente Guevarra ang umpukan. Pinakalma naman ni Padre Sibyla ang galit na galit na si Padre Damaso. Kinalaunan ay nagpatuloy na muli ang pagtitipon.

Talasalitaan:

  • Alkalde – mayor
  • Porselana – magandang kutis
  • Kalansing – tunog
  • Kubyertos – gamit sa pagkain
  • Bulwagan – gusaling pinagtatanghalan
  • Adorno – palamuti
  • Kura – pari
  • Paisano – katulong
  • Erehe – taong di sumasangayon
  • Batid – alam

Noli Me Tangere Buod Kabanata 2: Crisostomo Ibarra

Nagulat sina Padre Sibyla at Padre Damaso ng makita nila ang kasamang panauhin ni Kapitan Tiyago. Siya ang anak ng yumaong kaibigan ni Kapitan Tiago, si Don Crisostomo Ibarra, na galing pang Europa.

Siya ay nakabihis ng luksang kasuotan. Makikita sa kaniyang galaw at anyo ang pagiging malusog sa isipan at pangangatawan. Makikita ang bahid ng pagiging banyaga dahil sa kanyang mapupulang pisngi.

Nagtangkang kamayan ni Ibarra si Padre Damaso sa pag-aakalang ito ay matalik na kaibigan ng yumaong ama. Ngunit ikinaila ni Padre Damaso na kaibigan nga niya ang ama ni Ibarra.

Sandaling tinalikuran ni Ibarra ang pari upang kausapin si Tinyente Guevarra. Masaya ang tinyente dahil sa ligtas na pagdating ni Ibarra.

Ikinuwento rin ng tinyente ang patungkol sa kabutihang asal ng yumaong ama ni Ibarra. Nabawasan ang pag-aalinlangan ni Ibarra sa tunay na kinahatnan ng ama dahil hanggang ngayon ay wala parin siyang nalalaman tungkol sa pagkamatay ng ama.

Nilisan ng tinyente ang bulwagan at naiwang mag-isa si Ibarra. Nilapitan niya ang mga kababaihan. Batid niyang hindi niya mapipigilang hindi batiin ang mga hiyas ng Pilipinas.

Kasunod namang nilapitan ni Ibarra ang grupo ng mga kalalakihan. Isang kaugalian sa Alemanya na ipakilala ang sarili sa grupo ng mga panauhin kung ito ay walang kasama at makausap sa isang pagtitipon.

Humingi ito ng pasensya dahil sa nasabing kaugalian. Ginawa niya ang kaugaliang ito hindi para ipaalam na siya’y galing sa ibang lugar kundi dahil ito ang nararapat niyang gawin. Nagpakilala siya bilang si Crisostomo Ibarra Y Magsalin.

Isang ginoo ang lumapit kay Ibarra na may magandang suot na makikitaan ng mga makikinang na dyamanteng butones. Siya si Kapitan Tinong, matalik na kaibigan ni Kapitan Tiago.

Kilalang-kilala niya rin ang ama ni Ibarra. Inanyayahan niya si Ibarra na pumunta sa kanyang bahay upang maghapunan kinabukasan ngunit hindi makakarating si Ibarra dahil siya ay pupunta sa San Diego.

Handa na ang lahat para sa hapunan.

Talasalitaan:

  • Yumao – pumanaw
  • Luksa – pagdadamdam
  • Banyaga – dayuhan
  • Tinyente – sundalo
  • Kinahatnan – kinalabasan
  • Nilisan – umalis
  • Bulwagan – gusaling pinagtatanghalan
  • Hiyas – mamahaling kayamanan

Noli Me Tangere Buod Kabanata 3: Ang Hapunan

Galit na galit parin si Padre Damaso dahil sa mainit na talakayan na nangyari. Sinisipa niya lahat ng mga silyang nakaharang sa dadaanan niya.

Magkausap naman sina Don Tiburcio at Padre Sibyla habang papalapit sa hapagkainan. Dahil sa paggigitgitan, natapakan ng tinyente ang laylayan ng damit ni Donya Victorina dahilan kung bakit nagalit ito.

Umupo sa kabisera si Ibarra samantalang pinagtatalunan naman ng dalawang pari kung sino ang dapat maupo sa sentrong upuan.

Para kay Padre Sibyla, si Padre Damaso dapat ang maupo doon dahil siya ang matagal nang kaibigan ni Kapitan Tiago at siya din ang kumpesor ng pamilya nito.

Hindi sumangayon si Padre Damaso. Sa halip, iginiit niya na si Padre Sibyla ang nararapat na umupo doon dahil siya ang kura sa lugar an iyon.

Uupo na sana si Padre Sibyla nang napansin niya ang tinyente at inalok ang upuan. Tumanggi ang tinyente sa kadahilanang ayaw niyang pumagitna sa dalawang pari.

Wala man lang nakaalala sa may pahanda kundi si Ibarra. Ngunit tumanggi si Kapitan Tiago, katulad ng nagyayari sa karaniwang handaan.

Mas lalo namang tumindi ang galit ni Padre Damaso ng inihanda sa kaniya ang tinola na puro upo, leeg, at pakpak. Habang ang inihanda naman kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola dahil niluto naman talaga ito para sa kanya.

Habang nasa hapagkainan, patuloy ang pakikipag-usap ni Ibarra sa iba pang panauhin. Batay sa sagot ni Ibarra sa tanong ni Laruja, siya ay mahigit pitong taong nawala sa Pilipinas pero kahit kailan hindi niya ito nakalimutan.

Sa halip, ang Pilipinas pa ang nakalimot sa kanya dahil wala man lang nagbalita sa kanya ng kinahantungan ng kanyang ama na si Don Rafael. Tinanong ni Donya Victorina kung bakit hindi ito tumelegrama. Ito ay dahil nasa ibang bayan siya ng dalawang taon.

Talasalitaan:

  • Talakayan – usapan
  • Tinyente – sundalo
  • Kabisera – punong lungsod
  • Sentro – gitna
  • Kumpesor – taga -gawa
  • Kura – pari
  • Kinahantungan – kinalabasan
  • Telegrama – sulat

Noli Me Tangere Buod Kabanata 4: Erehe at Pilibustero

Lumabas si Ibarra upang makalanghap ng sariwang hangin. Binaybay niya ang daan papuntang plasa ng Binondo.

Napansin niya na ganun parin ang itsura ng lugar. Pitong taon siya nawala pero parang nawala lang siya ng napakaikling gabi dahil wala man lang nagbago.

Nandoon parin ang ang mga tindera ng prutas at gulay bago siya umalis papuntang Europa. Sa paningin ni Ibarra ay wala man lang pag-unlad ang siyudad na iyon.

Habang pinagmamasdan ang paligid may naramdaman siyang tumapik sa kaniyang balikat. Naroon si Tinyente Guevarra. Nagtanong si Ibarra sa tinyente kung alam niya ba ang dahilan ng pagkabilanggo ng ama.

Isinalaysay ni Tinyente Guevarra ang dahilan habang sila ay pabalik sa kwartel. Ayon sa kwento ng tinyente, si Don Rafael ang pinakamayan sa kanyang lalawigan. Marami ang gumagalang at nagmamahal sa kaniya, meron din namang mga galit at naiinggit.

Ilang buwan matapos ang pag-alis ni Ibarra, naging mainit sa isa’t-isa sina Don Rafael at Padre Damaso. Inakusahan si Don Rafael na hindi nangungumpisal.

Nung mga panahon na iyon ay mayroong isang Kastilang artilyero na naging tampulan ng tukso dahil sa kamang-mangan. Isang araw ay binigyan ng isang dokumento ang artilyero, nagdunung-dunungan ito sa pagbasa.

Pinagtatawanan siya ng isang grupo ng mga bata. Sa galit ng kastila ay hinabol nito ang mga paslit. Nang hindi niya mahabol ang mga nang-aasar na bata ay binato niya ito ng baston.

Tumama naman ang baston sa ulo ng isang bata dahilan kung bakit ito natumba sa kalsada. Kinuha naman ng artilyero ang pagkakataon para pagsisipain ito. Nagkataong dumaan doon si Don Rafael.

Hinawakan agad niya ang artilyero sa bisig at inawat ito. Dahil sa malaking pangangatawang ni Don Rafael, inakala nilang sinasaktan nito ang artilyero.

Sa pag-alma ng artilyero, umitsa ito ilang talampakan mula sa kinatatayuan ni Don Rafael. Tumama ang ulo ng artilyero sa malaking bato dahilan kung bakit sumuka ito ng dugo at namatay makalipas ang ilang sandali.

Nag-imbestiga ang pulisya, nakulong si Don Rafael at naglabasan ang mga lihim na kaaway nito. Inakusahan si Don Rafael na erehe at pilibustero.

Humingi ng tulong ang tinyente upang mapawalang sala si Don Rafael nung mga panahong iyon. Subalit walang naglakas ng loob na tumulong sa pangangamba na baka magkakaso rin sila.

Nagsulputan ang mga kaaway ni Don Rafael at dumami ang huwad na testigo laban sa kanya. Namatay si Don Rafael sa likod ng mga rehas na bakal ng walang mahal sa buhay na nakiramay.

Nakakapanghinayang dahil kung kailan nalagutan ng hiniga si Don Rafael ay saka palang napatunayan na siya ay walang sala.

Talasalitaan:

  • Makalanghap – makaamoy
  • Tinyente – sundalo
  • Kwartel – tirahan
  • Inakusahan – pinagbintangan
  • Nangungumpisal – nagpatotoo
  • Artilyero – namamahala sa mga gamit sa gyera
  • Tampulan – tuksuhin
  • Kamangmangan – walang alam
  • Dunung-dunungan – nagpapanggap na marunong
  • Paslit – bata
  • Umitsa – bumato
  • Erehe – taong di sumasangayon
  • Pilibustero – suwail
  • Huwad – sinungaling
  • Rehas – kulungan

Noli Me Tangere Buod Kabanata 5: Ang Liwanag sa Gabing Madilim

Dumating si Ibarra sa kanyang tinutuluyan sa Fonda de Lala. Agad itong naupo sa kanyang silid.

Nagmasid-masid ito sa kapaligiran habang may gulong tumatakbo sa kanyang isip dahil sa sinapit ng ama.

Natanaw niya mula sa kanyang bintana ang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang tunog na gawa ng orkestra at ang kalansing ng mga piggan at kubyertos.

Natanaw din niya ang isang magandang babae na may balingkinitan na pangangatawan at may kasuotang diyamante at ginto.

Siya si Maria Clara. Giliw na giliw na nakatingin ang lahat sa ganda ng dalaga. Dahil sa pagod na isip at katawan ni Ibarra ay mabilis siyang nahimlay.

Talasalitaan:

  • Tinutuluyan – tinitirahan
  • Nagmasid-masid – tumingin tingin
  • Natanaw – nakita
  • Kalansing – tunog
  • Kubyertos – kutsara
  • Balingkinitan – payat
  • Nahimlay – nahiga

Noli Me Tangere Buod Kabanata 6: Kapitan Tiago

Si Kapitan Tiago ay maliit at may kutis na kayumanggi. Batid sa itsura niya ang pagiging masunurin at pagiging relihiyoso.

Meron siyang maitim na buhok, singkit na mga mata, at matangos na ilong. Kundi dahil sa madalas niyang pagtatabako at pagnganga na dahilan ng pagtambok ng kaniyang pisngi, masasabing gwapo si Kapitan Tiago.

Tinitingala si Kapitan Tiago dahil isa siya sa pinakamayamang mangangalakal sa Binondo. Marami siyang lupain at ari-arian sa iba’t-ibang lugar.

Naniniwala siya na ang pagiging malapit niya sa Diyos at sa simbahan ay base sa magandang gawa. Hindi ito nagdadasal kahit na may matinding pangangailangan. Sapagkat napakayaman, pera ang kaniyang pinagdarasal.

Sa tirahan ni Kapitan Tiago ay makikitang isang magandang kapilya na puno ng santo’t santa. Hindi siya nagpapahuli kung abuloy sa panrelihiyon ang pag-uusapan.

Sa taunang parangal sa Birhen ng Antipolo, si Kapitan Tiago ang karaniwang gumagasta ng malaki para balikatin ang halaga ng dalawang misa na kinapapalooban ng mga awitin, kwitis, at paputok. Handa siyang gumastos ng malaki dahil naniniwala naman siya na bultu-bultong biyaya naman ang matatanggap niya taun-taon.

Malapit din si Kapitan Tiago sa pamahalaan katulad ng pagiging malapit nito sa simbahan. Handa siyang sumunod kahit sa mga maliliit na opisyal.

Mapulitika si Kapitan Tiago. Lagi siyang may handang orkestra na bumabati at humaharana sa mga kaarawan ng Kapitan Heneral, alkalde at mga piskal.

Nag-iisang anak si kapitan Tiago ng isang mag-aasukal. Mayamang maituturing ang mga magulang nito ngunit ganid na ayaw gastahan ang pag-aaral ng anak. Napilitan itong mamasukan sa isang Dominikong pari noong siya ay musmos pa lang.

Umalis si Kapitan Tiago sa simbahan ng mamatay ang Dominikong pari. Sa kanyang pagbibinata ay hinarap niya ang pagiging mangangalakal. Nakilala at kalauna’y pinakasalan niya ang isang magandang babae na taga-Santa Cruz, si Pia Alba.

Nagtulungan ang dalawa upang paunlarin ang kanilang kabuhayan. Panay ang pagpapayaman ng dalawa ngunit ang isang malungkot na pangyayari sa anim na taon nilang pagsasama ay hindi man lang sila nagkaanak.

Pinayuhan siya ni Padre Damaso na magpunta sa Obando, sumayaw at humingi ng isang sanggol na lalaki sa piyesta ni San Pascual Bailon.

Dahil sa payo ay nagdalang tao si Donya Pia. Pero isang napakaselang paglilihi ang dinanas nito. Naging malungkutin siya at nawala ang dating matamis na ngiti.

Isang napakataas na lagnat ang dumapo dito dahilan ng kanyang pagkamatay. Naiwan niya ang isang magandang sanggol na babae.

Pinangalanan itong Maria Clara bilang pasasalamat kina Nuestra Señora de Salambao at Santa Clara. Naging ninong ni Maria Clara si Padre Damaso dahil ito ay kaibigan at tagapayo ng mag-asawa.

Lumaki si Maria Clara sa pangangalaga ni Tiya Isabel. Nanirahan ito sa San Diego dahil tuwang-tuwa sa kaniya si Padre Damaso.

Si Maria Clara ay mayroong malalaki at maitim na mga mata, mahahabang pilikmata, mamula-mulang kulot na buhok, matangos na ilong, maninipis na labi, at makinis at maputing balat.

Naging sentro ng pagmamahal si Maria Clara. Giliw na giliw maging ang mga pari sa kanya. Lagi binibihisan si Maria Clara ng puting-puting damit at inaadornohon ng mga sariwang halaman tuwing prusisyon.

Ipinasok sa kumbento ng Santa Catalina si Maria Clara nang siya ay magdalaga. Kailangan daw nitong matutunan ang isang istriktong pag-aaral kung paano maging relihiyosa.

Malungkot siyang nagpaalam kay Padre Damaso at kay Ibarra na siyang kaibigan niya simula pagkabata. Pitong taon itong mamamalagi sa kumbento kung saan ay paminsan-minsan lang maaaring makausap ang mga tagalabas sa pamamagitan ng mga siwang ng rehas na bakal.

Nang pumasok sa beateryo si Maria Clara ay siya namang alis ni Crisostomo Ibarra. Maliit pa lamang ang dalawa ay may nabuo nang plano ang kanilang mga magulang na sina Don Rafael at Kapitan Tiago.

Kahit na nasa magkalayong lugar sina Ibarra at Maria Clara ay matapat parin silang nag-iibigan.

Talasalitaan:

  • Relihiyoso – banal
  • Abuloy – pagbibigay
  • Gumagasta – gumagastos
  • Bulto-bulto – madami
  • Alkalde – mayor
  • Piskal – dumudulog
  • Ganid – mapanglamang
  • Dominiko – prayle, pari
  • Musmos – bata
  • Maselan – sensitibo
  • Adorno – palamuti
  • Siwang – maliit na butas
  • Beateryo – tinitirhan ng mga madre

Noli Me Tangere Buod Kabanata 7: Ligawan sa Asotea

Sa simbahan palang ay di na mapakali si Maria Clara dahil alam niyang darating si Ibarra sa araw na iyon.

Sa bahay, matapos ang almusal, naggagantsilyo si Maria Clara upang hindi mainip sa pag-iintay. Hindi mapakali ang dalaga sa tuwing may karwaheng hihinto sa tapat ng kanilang bahay sa pag-aakalang si Ibarra na ang dumating.

Pinayuhan ng doktor na magbakasyon si Maria Clara sa San Diego upang muling maibalik ang pamumula ng pisngi nito. Tuwang tuwa naman si Maria Clara dahil doon ay makikita niya si Ibarra.

Ilang saglit lang ay dumating na ang binate. Hindi maitago ang pananabik ni Maria Clara kay Ibarra. Pumasok si Maria Clara sa kanyang silid upang mag-ayos ng sarili habang tinutulungan naman siya ni Tiya Isabel.

Nagkita ang dalawa sa asotea at doon nag-usap. Nagkaroon ng masinsinang usapan tungkol sa kanilang nararamdaman at sumpaan sa isa’t-isa.

Sabay na sinariwa ang kanilang karanasan nung sila’y bata pa pati na rin ang kanilang mga pag-aaway at pagbabati. Ipinakita ni Ibarra ang tuyong dahon ng sambong na nasa pitaka niya.

Ipinakita din ni Ibarra ang liham niya kay Maria Clara bago siya magtungo papuntang Europa. Sinabi niya na ang dahilan ng kanyang pagpunta sa San Diego ay dahil sa ama. Ito raw ay makakabuti sa kanyang kinabukasan.

Habang nagbabasa si Maria Clara ay pinatigil siya ni Ibarra dahil naalala niyang Todos los Santos na bukas at marami pa siyang gagawin.

Hindi napigiling maluha ni Maria Clara dahil sa pangungulila niya kay Ibarra. Inutusan naman siya ni Kapitan Tiago na magtirik ng pinakamahal na kandila kay San Roque at San Rafael dahil napakaraming bandido sa daan.

Talasalitaan:

  • Karwahe – sasakyang hilahila ng kabayo
  • Asotea – balkonahe o gilid ng bahay
  • Masinsinan – seryoso
  • Sinariwa – inalala
  • Magtirik – maglagay
  • Bandido – tulisan, gumagawa ng masama

Noli Me Tangere Buod Kabanata 8: Ang mga Alaala

Ang kalungkutang naramdaman ni Ibarra sa pag-alis niya sa bahay ni Maria Clara ay napalitan ng kagalakan nang libutin niya ang kamaynilaan sakay sa kalesa.

Nandoon parin ang ingay at gulo ng maraming karwahe, kalesa at kareta. Ikinalungkot ni Ibarra ang walang pagbabagong naganap sa lalawigan.

Baku-bako parin ang mga kalsada at nandoon parin ang makapal na alikabok na pumupuwing sa lahat ng nagdadaan. Ang mga alikabok ay nagiging malagkit na putik kapag umuulan na siyang tumatalsik sa mga taong dumadaan.

Pagkatuyo ng daan ay sapilitang pinagtatambak ng baku-bakong daan ang mga billanggo habang nakakadena ang mga paa. Ang palo ng mga gwardiya sibil ang lumalatay sa katawan ng mga bilanggo dahil sa mala-pagong na pagkilos nito.

Natanaw ng binata ang pagbabago sa Escolta. Ang dating hilera ng bodega ay naging mga gusali na.

Nakita din ni Ibarra ang pagawaan ng tabako sa Arroceros. Nandoon parin ang mga kakabaihang nagtutulong-tulong sa pagpapatuyo ng dahon ng tabako.

Habang patuloy na nagmamasid si Ibarra sa paligid ay may natanaw siyang isang karwaheng papalapit sa kaniya. Nakasakay doon si Padre Damaso na nakakunot ang noo at tila may malalim na iniisip.

Sa pagdaan ng karwaheng sinasakyan ni Ibarra sa Hardin ng Botaniko, naalala niya ang magagandang halaman sa Europa.

Agad namang naparam sa isip ng binata ang maririkit at makukulay na mga bulaklak sa hardin ng mapadaan sa Bagumbayan na kilala bilang lugar ng kamatayan.

Nanariwa sa kanya ang payo ng kanyang gurong pari na ang karunungan daw ang siyang liwanag sa kamangmangan. Kung may pagkakataon na mangibang bansa ay kuhanin ang opurtunidad dahil ito ang magpapaunalad sa sarili na siyang makakatulong din sa pagpapaunlad ng bansang kinabibilangan.

Talasalitaan:

  • Kagalakan – kasiyahan
  • Karwahe – sasakyan na hilahila ng kabayo
  • Kareta – kariton
  • Baku-bako – sira sira
  • Lumalatay – bumabakat
  • Naparam – naglaho
  • Marikit – maganda
  • Kamangmangan – walang alam

Noli Me Tangere Buod Kabanata 9: Ang Balita Tungkol sa Bayan

Papunta si Padre Damaso sa bahay nila Kapitan Tiago nang makasalubong nito si Ibarra. Naabutan ni Padre Damaso si Maria Clara at Tiya Isabel na papunta sa beateryo upang kuhanin ang mga gamit ng dalaga.

Parang di sang-ayon ang pari kaya bubulong-bulong itong tumungo sa bahay ng kapitan. Niyaya ni Padre Damaso si Kapitan Tiago sa silid-aklatan upang mag-usap ng masinsinan.

Sa kabilang dako, si Padre Sibyla naman ay madaling tumungo sa kumbento pagkatapos ng kaniyang misa. Naabutan niya ang isang matandang pari na nakaupo sa silya.

Nanlalalim ang mga mata nito at parang naninilaw ang balat. Bakas sa itsura nito ang malapit ng kamatayan dahil sa katandaan at karamdaman.

Naparoon si Padre Sibyla upang ikwento sa matandang pari na puro kasinungalingan ang mga paratang ng mga tao laban kay Ibarra.

Ikinuwento din ni Padre Sibyla ang kamuntikan nang matuloy na pag-aaway nina Ibarra at Padre Damaso. Isinalaysay din ng pari ang planong pagpapakasal ni Ibarra kay Maria Clara.

Ani ng matandang may sakit na hindi na dapat nila dagdagan ang kanilang kasalanan dahil dadating ang oras na haharap na sila sa Panginoon. Natututo na rin ang mga Indio sa tamang paghawak ng kanilang yaman.

Nagpahayag ng kanyang saloobin si Padre Damaso kay Kapitan Tiago. Hindi daw sana nangyari ang lahat kung mas naging madalas ang paghingi ng payo ni Maria Clara sa kanya.

Hindi mapakaling tumungo si Kapitan Tiago sa silid dasalan at pinagpapapatay ang mga mamahaling kandilang pinasindihan niya kay Maria Clara upang makarating ng payapa si Ibarra sa patutunguhan.

Talasalitaan:

  • Beateryo – tinitirahan ng mga madre
  • Masinsinan – seryoso
  • Kumbento – simbahan
  • Paratang – bintang
  • Nagpahayag – nagsabi

Noli Me Tangere Buod Kabanata 10: Bayan ng San Diego

Ang bayan ng San Diego ay matatagpuan sa gitna ng palayan na siyang malapit din sa lawa. Ito ay mayaman sa asukal, kape, prutas, at bigas.

Makikita ang naglalarong mga bata sa lungsod kung maganda ang panahon dito. May ilang umaakyat sa kampanaryo, sa tuktok nito ay may makikitang isang napakahabang ilog na parang kristal na ahas na nakahimlay sa luntiang paligid.

Kinakailangan pang tumawid sa umuugoy na tulay bago makarating sa kabilang ibayo ng pampang. Mula sa kampanaryo ay masisilayin din ang isang mahiwagang gubat. Ito ay katulad ng ilang bayan sa Pilipinas na pinamumunuan ng simbahan.

Ayon sa isang alamat, may isang matandang Kastila ang dumating sa San Diego. Binili niya ang lupa sa pamamagitan ng damit, salapi, at mga alahas. Matapos ipakita ng matanda ang kayamanan ay bigla itong naglaho. Inakala ng lahat na ang matanda ay isang engkanto.

Isang araw ay may umalingasaw na amoy. Natagpuang nakabitin sa puno ng balite ang isang naaagnas na bangkay. Sa takot ng lahat ay tinapon ang mga alahas nito sa ilog at sinunog ang kaniyang mga damit. Nailibing ang bangkay ngunit wala nang naglalakas ng loob na dumaan sa lugar na iyon.

Dumating ang isang mestisong Kastila na nagpakilala bilang anak ng namatay. Siya si Don Saturnino.

Nagtayo siya ng bahay sa lugar ng pinaglibingan sa ama. Siya ay masikap at masigasig sa pagtatrabaho. Inayos niya ang libingan ng ama at dinadalaw ito paminsan-minsan.

Nagpakasal si Don Saturnino sa isang Manilenya. Si Don Rafael ang naging anak nila. Giliw na giliw ang mga magsasaka kay Don Rafael dahil sa masikap niyang pagpapaunlad ng lugar.

Mula sa pagiging baryo ay naging nayon ang lugar. Ang pamumunong ito ang naging ugat kung bakit may ilang galit at inggit kay Don Rafael.

Talasalitaan:

  • Kampanaryo – kampana
  • Nakahimlay – nakalibing
  • Luntian – berde
  • Umuugoy – dumuduyan
  • Umalingasaw – umaamoy
  • Masigasig – masipag
  • Manilenya – babaeng taga maynila
  • Giliw na giliw – sayang saya

Noli Me Tangere Buod Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan

Si Don Rafael ay hindi makapangyarihan bagamat siya ang pinakamayaman sa lugar. Kailanman ay hindi siya nagyabang kahit siya ay nagmamay-ari ng napakaraming lupain.

Hindi din makapangyarihan si Kapitan Tiago bagamat nagpapasalubong siya ng orkestra at nagpapaulan ng regalo.

Hindi rin pwede ang alkalde dahil hindi ito nakapag-uutos dahil siya mismo ang sumusunod.

Ang tunay na makapangyarihan ay ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes. Si Padre Salvi ang kura paroko na pumalit kay Padre Damaso. Siya ay mas mabait na maituturing kumpara kay Padre Damaso.

Ang Alperes ay mapambugbog sa asawa, lasinggero, at malupit sa kanyang tauhan. Nakatuluyan niya ang isang Pilipina na si Donya Consolacion na mahilig maglagay ng kolerete sa mukha.

Palihim na may hidwaan ang dalawang makapangyarihan ngunit sila ay nagkukunwaring magkasundo sa harap ng madaming tao.

Talasalitaan:

  • Alkalde – mayor
  • Kura paroko – pinakamataas na pari sa simbahan
  • Alperes – opisyal ng militar
  • Hidwaan – pagaaway

Noli Me Tangere Buod Kabanata 12: Ang Araw ng mga Patay

Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuan sa gitna ng malawak na palayan. Ito ay nahaharangan ng lumang pader at kawayan.

Sa gitna nito ay may nakapwestong malaking krus. Mahirap ang makarating sa sementeryo dahil sa masukal na libingan. Maputik ang daanan kung tag-ulan, maalikabok naman kung tag-araw.

Bumuhos ang napakalakas na ulan noong gabing iyon. Dalawang tao ang mabilis na naghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo.

Ang isa ay dalubhasa na sa pagiging sepulturero at ang isa naman ay baguhan palang. Hinukay at iniahon ng dalawa ang bangkay na siyang kakalibing pa lamang makalipas ang dalawampung araw.

Ang pagpapahukay at pagpapalipat ng bangkay sa libingan ng mga Intsik ay utos mula kay Padre Garrote na siyang si Padre Damaso.

Talasalitaan:

  • Malawak – malaki
  • Masukal – madamo
  • Dalubhasa – magaling
  • Sepulturero – nagtatrabaho sa sementeryo

Noli Me Tangere Buod Kabanata 13: Ang Babala ng Sigwa

Sakay sa kanyang kalesa, nagtungo si Ibarra sa sementeryo kasama ang kanyang katiwala upang hanapin ang nitso ng amang si Don Rafael.

Ayon sa katiwala, matagal siyang hindi nakabalik sa puntod ni Don Rafael dahil siya ay nagkasakit. Si Kapitan Tiago na daw ang bahalang magpaayos ng nitso.

Nagtanim ang katiwala ng mga bulaklak at nagtayo ng isang krus upang maging palatandaan. Agad na nagtungo si Ibarra ng matanaw niya ang krus na tinutukoy ng katiwala.

Nang makarating sa likod ng krus ay bigong nakita ang libing. Napahiya ang utusan kay Ibarra at hindi makapaniwala. Pinuntahan nila ang sepulturero na malapit lang sa kinaroroonan nila.

Nagtanong ang katiwala sa sepulturero kung mayroon ba itong nakitang puntod na may krus at mga bulaklak. Ayon sa sepulturero, sinunog na niya ang krus na tinutukoy nito dahil ito ang utos ni Padre Garote.

Ang bangkay naman ni Don Rafael ay wala na sa nasabing libingan. Pinalipat ni Padre Damaso ang bangkay ni Don Rafael sa libingan ng mga Intsik ngunit dahil sa may kabigatan ang bangkay nito at dahil na rin malakas na ulan ay tinapon nalang nila ang bangkay sa lawa.

Awa ang naramdaman ng katiwala habang galit naman ang naramdaman ni Ibarra sa kanyang narinig. Tulalang lumabas si Ibarra ng sementeryo. Napabilis ang lakad nito ng matanaw niya Si Padre Salvi.

Huminto si Ibarra sa harap ni Padre Salvi habang nanlilisik ang mga mata sa galit. Sinugod ni Ibarra ang pari at diniinan ang hawak sa balikat nito.

Pinagbintangan ni Ibarra si Padre Salvi ngunit agad namang itinanggi ng pari ang paratang. Sa huli ay nalaman rin ni Ibarra na si Padre Damaso ang Padre Garoteng tinutukoy ng sepulturero.

Talasalitaan:

  • Nitso – libingan
  • Puntod – katawan ng namatay
  • Sepulturero – nagtatrabaho sa sementeryo
  • Matanaw – makita
  • Nanlilisik – nagagalit

Noli Me Tangere Buod Kabanata 14: Tasyo: Baliw o Pilosopo?

Si Don Anastacio o mas kilala sa tawag na Pilosopo Tasyo ay kilala sa San Diego dahil siya ay may kakaibang pananaw tungkol sa pulitika at mga paniniwala.

Si Tasyo ay dating estudyante ng pilosopiya. Isinantabi niya ang kanyang pag-aaral upang sumunod sa inang matanda na.

Pinili niyang huwag nang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa halip ay pinakasalan niya ang kaniyang kasintahan. Ngunit namatay ang kanyang ina at kabiyak.

Pagbabasa ng libro ang kanyang inatupag upang hindi niya maalala ang lungkot na sinapit. Naengganyo siyang bumili ng mga aklat kaya napabayaan na niya ang mga kayamanang namana.

Simula noon ay tinawag na siyang Pilosopo Tasyo ng mga may kaya sa buhay, samantalang baliw naman ang tawag sa kanya ng mga mapagbirong tao. Nagtataka ang mga tao sa paniniwala ni Tasyo.

Masaya siya dahil may gumuhit na kidlat sa madilim na langit at nagbabadya nang bumuhos ang malakas na bagyo. Aniya, ang bagyo ang lilipol sa mga tao na siyang maglilinis sa sanlibutan.

Batid niyang mas maiigi pang bumili ng tagahuli ng kidlat kaysa sa mga paputok at kwitis. Hindi din sang-ayon si Pilosopo Tasyo sa pagpapatugtog ng kampana kapag kumukulog dahil ito ay lubhang mapanganib. Pinagtatawanan lang si Pilosopo Tasyo ng sinumang nakakarinig sa kanyang mga mungkahi.

Sunod na nagtungo si Tasyo sa simbahan kung saan niya naabutan ang dalawang magkapatid. Sinabihan niya ang mga ito na umuwi na dahil may hinandang espesyal na hapunan ang kanilang ina. Ngunit hindi naman papayagan ang mga ito na umuwi dahil sa mga katungkulan nila sa simbahan.

Nang lumabas ang matanda sa simbahan ay nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang marating ang bahay ni Don Filipo at Aling Doray.

Doon ay pinag-usapan nila ang patungkol sa purgatoryo, bagay na hindi pinaniniwalaan ni Pilosopo Tasyo. Sunod namang talakayan ang pagdating ni Ibarra sa sementeryo. Nabanggit ni Pilosopo Tasyo na isa siya sa anim na kataong dumalo sa libing ng ama ni Ibarra.

Talasalitaan:

  • Pilosopo – nag-uusisa, matalinong tao
  • Pananaw – paniniwala
  • Kabiyak – asawa
  • Inatupag – inasikaso
  • Sinapit – dinanas
  • Naengganyo – naaya o nahikayat
  • Napabayaan – naiwan
  • Nagbabadya – nagbabanta
  • Lilipol – sisira
  • Sanlibutan – mundo
  • Mungkahi – opinyon
  • Purgatoryo – Dito nananatili ang mga taong namatay na at hindi pa kinukuha ng langit o ng lupa
  • Talakayan – usapan

Noli Me Tangere Buod Kabanata 15: Ang mga Sakristan

Ang dalawang magkapatid na nakita ni Pilosopo Tasyo ay nasa ikalawang palapag ng simbahan. Si Crispin ang nakakabata at si Basilio naman ang mas nakakatanda. Sila ang anak ni Sisa.

Palaging nakabuntot si Crispin sa kanyang kuya dahil sa takot nito. Sila ay nagtutulungan sa pagpapatunog ng kampanaryo ng simbahan.

Pinagbibintangan si Crispin ng sakristan mayor na nagnakaw ng tatlumpu’t dalawang piso. Hindi naman ito mabayaran ng dalawang magkapatid dahil wala nang makakain ang ina kung ibabayad ang kanilang sahod.

Batid ni Crispin na sana nga ay ninakaw nalang niya ang pera upang meron siyang maibigay sa kanyang ina at kapatid.

Nababahala si Basilio na malaman ng ina ang ibinibintang na pagnanakaw ni Crispin. Tiwala naman si Crispin na paniniwalaan siya ng ina.

Bente sentimo lang ang pera ni Crispin. Pinakatagu-tagu pa niya ito sa kanyang aginaldo nung nakaraang pasko. Habang nag-uusap ang magkapatid ay may narinig silang kaluskos.

Nagalit ang sakristan mayor dahil narinig niya ang usapan ng dalawang magkapatid. Pinagmulta niya si Basilio dahil sa maling pagpapatunog ng kampana at hindi naman niya pinayagang makauwi si Crispin hangga’t hindi nito nababayaran ang kanyang ninakaw.

Sinabi ng sakristan mayor na maaari palang makauwi si Basilio pagsapit ng ika-sampu ng gabi ngunit mapanganib na para kay Basilio ang umuwi dahil pinagbabawal ng gwardiya sibil ang paglalakad sa daanan paglampas ng ika-siyam ng gabi.

Nagalit ang sakristan mayor kaya kinaladkad nito sa Cripin palayo kay Basilio. Hindi nakapagsalita si Basilio sa narinig na mga sampal, sigaw, pagmamakaawa na unti-uning nauwi sa katahimikan.

Dali-daling pumanhik si Basilio at tumakas gamit ang mga lubid ng kampana. Lumipas ang dalawang minuto, dalawang putok ng baril ang ikinagulat ng lahat.

Talasalitaan:

  • Nakabuntot – nakasunod
  • Ibinibintang – isinisisi
  • Aginaldo – bigay o kaloob
  • Kaluskos – mahinang tunog
  • Kinaladkad – hinila
  • Pumanhik – umakyat o sumampa

Noli Me Tangere Buod Kabanata 16: Si Sisa

Si Sisa ang ina nina Crispin at Basilio. Siya’y nagpakasal sa isang sabungerong lulong sa sugal.

Sa tuwing nagkikita ang dalawa ay puro kalungkutan nalang ang nadarama ni Sisa dahil wala na itong maidulot na maganda para sa kanilang pamilya. Puro sarili nalang ang iniisip nito.

Madalas pang bugbugin ang asawang si Sisa. Tanging si Basilio at Crispin nalang ang nagpapasaya at nagbibigay pag-asa kaya Sisa. Bata pa si Sisa ngunit bakas sa kanyang mukha ang paghihirap niya.

Isang gabi ay naghanda si Sisa ng makakain ng mga anak. Nagsaing at nag-ihaw siya ng tatlong tuyong tawilis. Nakikita na si Sisa ang ligayang idudulot nito sa kanyang mga anak sa pag-uwi nila.

Nagpapasalamat si Sisa kay Pilosopo Tasyo dahil sa tapang baboy ramo at isang hita ng patong binigay nito sa kanya. Isang masarap na hapunan ang inihanda ni Sisa para kanyang mga anak.

Ngunit sa di inaasahan, dumating ang asawa ni Sisa. Dali-daling nilamon ng asawa nito ang lahat ng inihanda ni Sisa at wala nang itinira para sa mga anak. Pagkatapos kumain ay kinuha nito ang manok na panabong at agad umalis.

Muling nanlumo si Sisa at agad na inayos ang sarili dahil sa pag-aakalang parating na ang mga anak. Muling nagsaing at nag-ihaw ng natitirang tawilis si Sisa para sa mga anak.

Ilang sandali pa’y narinig niya ang malakas at sunud-sunud na pagkatok ni Basilio.

Talasalitaan:

  • Lulong – adik
  • Maidulot – hatid
  • Di inaasahan – hindi hinahangad
  • Nilamon – kinain
  • Nanlumo – labis na nalungkot, nanghina, nanamlay, nawalan ng pag-asa

Noli Me Tangere Buod Kabanata 17: Si Basilio

Nang buksan ni Sisa ang pinto tumambad sa kaniya ang kaawa-awang itsura ng anak na si Basilio. Niyakap niya si Basilyo kahit wala na itong lakas. Humagulgol pa ito nang makitang tumulo ang dugo sa noo nito.

Inilihim ni Basilio sa ina ang nangyari kay Crispin. Isinalaysay naman niya ang nangyaring pagtakas dahilan kung bakit nadaplisan siya ng bala ng baril sa noo. Agad na ginamot ni Sisa ang sugat ni Basilio habang ikinukuwento ang pangyayari sa nawawalang pera.

Sinisigurado nitong wala siyang mababanggit tungkol sa pananakit ng sakristan mayor sa kapatid na si Crispin. Nalaman ni Basilio na umuwi ang ama sa kanilang bahay bagay na ikinabahala nito.

Lingid sa kaalaman ni Basilio ang pananakit ng ama sa ina. Para kay Basilio ay mas mabuti pang wala na lang ang ama nito. Masaya na siya basta kasama niya ang kapatid at ang ina.

Sa pagkakaidlip, nagkaroon ng masamang panaginip si Basilio. Nakita niya sa kaniyang panaginip ang pambubugbog ng kura at mayor sakristan kay Sisa hanggang sa wala na itong maramdaman.

Narinig ni Sisa ang ungol ng nananaginip na si Basilio. Nang tanungin ni Sisa ang panaginip ng binata ay hindi ito nagsabi ng totoo. Sa halip ay nag-imbento siya ng ibang panaginip.

Ipinahayag ni Basilio sa ina ang kanyang plano na tumigil nang magsilbi sa simbahan. Sa halip ay pupunta siya kay Ibarra upang mamasukan bilang pastol ng mga baka at kalabaw niya.

Ipapasok naman niya ang kaptid na si Crispin kay Tasyo. Inilahad ni Basilio ang napakagandang plano niya para sa kapatid at ina.

Naluha nalang si Sisa ng mapansing wala ang ama sa mga plano nito. Mahigpit na nagyakapan ang mag ina.

Talasalitaan:

  • Tumambad – bumungad, bumulaga
  • Ikinabahala – ipinag-alala
  • Humagulgol – umiyak
  • Isinalaysay – ikinuwento

Noli Me Tangere Buod Kabanata 18: Mga Kaluluwang Nagdurusa

Nagdaos ng misa si Padre Salvi para sa Todos Los Santos sa araw na yaon. Ngunit wala ang magilas na galaw ng pari dahil sa may sakit ito.

Lumabas si Padre Salvi sa likod ng sakristiya at dali-daling tumungo sa kalapit na parokyang bahay tirahan nito. Ang paksa ng mga manang at manong ay patungkol sa pagbili ng indulgencia para sa kaligtasan ng mga yumaong kamag-anak na nagdurusa sa purgatoryo.

Hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa sa lugar dahil sa kaabalahan ng lahat. Dala-dala ang mga handog ni Sisa para sa mga hari, nagtungo siya sa kusina ng kumbento upang iayos ang mga bitbit na gulay na kanyang tanim.

Nakausap niya ang tagaluto at nalamang may sakit ang pari kung kaya’t hindi niya ito makakausap. Ikinagulat din niya ang balitang pagtakas ni Crispin kasama ang kaniyang kapatid na si Basilio.

Batid na ito ng mga gwardiya sibil at anumang oras ay pupunta ito sa bahay nila upang hulihin ang dalawa. Bilin ng tagapagluto na ingatan ni Sisa ang mga anak nito lalo na si Crispin dahil baka raw sumunod ito sa yapak ng asawa niyang sabungero.

Dali-daling lumabas si Sisa upang lisanin ang nakakapasong tingin ng mga usisera’t usiserong manang at manong. Ipinagpatuloy ni Sisa ang pagluha sa kalsada.

Talasalitaan:

  • Nagdaos – nagsagawa
  • Yumao – pumanaw
  • Lisanin – umalis
  • Kaabalahan – maraming ginagawa
  • Ususera – chismosa/ chismoso

Noli Me Tangere Buod Kabanata 19: Mga Karanasan ng Isang Guro

Nagmasid-masid si Ibarra at ang kanyang guro sa San Diego sa tabi ng lawa na parehas nakasuot ng panluksa. Sa lawa na iyon itinapon ang bangkay ng ama.

Nagpasalamat si Ibarra sa guro dahil sa pakikiramay nito sa ama. Ayon sa guro ay wala dapat itong ipagpasalamat sapagkat malaki ang utang na loob nito kay Don Rafael dahil isa ito sa mga nabigyan ng tulong nung ito’y nabubuhay pa.

Nagtanong si Ibarra kung ano ang kinahinatnat ng pagtulong ng ama sa mga mahihirap. Sinabi ng guro na nakatulong si Don Rafael sa pagpapaunlad ng edukasyon sa kanilang bayan.

Ibinahagi din ng guro ang iba’t-ibang problemang kinaharap ng mga guro at ng edukasyon. Kabilang na dito ang kawalan ng motibasyon at interes ng mga estudyante sa pag-aaral, kakulangan sa kagamitan ng mga guro at mga mag-aaral, walang maayos na silid aralan, at ang kawalan ng pagkakaisa sa pagitan ng mga magulang ng mga estudyante at mga nasa katungkulan.

Isa din sa balakid sa edukasyon ay ang kakaibang pananaw ng mga pari sa paraan ng pagtuturo ng mga guro. Kahit pa masikap ang mga guro sa pagtuturo ay hindi parin matututo ang mga estudyante kung patuloy na manghihimasok ang mga pari.

Nangako naman si Ibarra na tutulong sa abot ng kaniyang makakaya. Sisikapin niyang paunladin ang sistema ng edukasyon sa kanilang lugar.

Ipapahatid ni Ibarra ang napag-usapan ng dalawa sa gaganaping miting sa bulwagang bayan na pinaanyaya ng alkalde mayor.

Talasalitaan:

  • Nagmasid-masid – tumitingin-tingin
  • Kinahinatnan – kinahantungan
  • Balakid – sagabal
  • Pananaw – pagkakaunawa
  • Manghihimasok – pakikialam
  • Bulwagan – silid
  • Alkalde – mayor

Noli Me Tangere Buod Kabanata 20: Ang Pagpupulong sa Tribunal

Ang bulwagang pulungan ng San Diego ay dinadaluhan ng mga kinikilalang mamamayan na pawang nagbibigay ng opinyon para sa ikakaganda ng bayan.

Sa loob ay makikita ang dalawang grupo ng mga panauhin. Ang una ay ang mga konserbatibo o grupo ng mga nakakatanda na pinamumunuan ng Kabesa. Ang ikalawa naman ay ang mga liberal o grupo ng mga nakakabata na pinamumunuan naman ni Don Filipo.

Ang paksa ng pagpupulong ay ang gaganaping pista labing-isang araw mula sa araw na iyon. Kabilang din sa pagpupulong ang pagtatayo ng paaralan sa bayan.

Iminungkahi ni Don Filipo na magkaroon ng talaan ng mga gastos sa bawat gawaing isasakatuparan.

Bukod dito, plano din niyang magtayo ng isang malaking palabas kagaya ng komedya sa plasa sa loob ng isang linggo. Plano din niyang maglagay ng mga paputok upang mas maging maganda ang pista bagay na tinutulan ng lahat ng nasa bulwagan.

Para naman sa Kabesa, dapat gawing simple lang ang pista at tipirin ang pagdiriwang na gaganapin. Hindi rin siya sumang-ayon sa pagbili ng mga paputok na siyang iminungkahi ni Don Filipo.

Ang mga panukalang inilahad ng dalawang grupo ay parehas na hindi sinang-ayunan dahil nakapagdesisyon na ang kura sa mangyayaring pista.

Magkakaroon ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at isang tanghalan katulad ng komedya sa pista.

Talasalitaan:

  • Dinadaluhan – pinupuntahan
  • Pinamumunuan – pinamamahalaan
  • Iminungkahi – ipinahayag
  • Talaan – sulatan
  • Isasakatuparan – ipapatupad
  • Komedya – nagpapatawa
  • Tinutulan – inayawan
  • Kabesa – pinuno, kapitan
  • Panukala – suhestyon

Noli Me Tangere Buod Kabanata 21: Ang Kasaysayan ni Sisa

Tulirong nagtungo si Sisa pabalik sa kanilang dampa ng matapos marinig ang balita tungkol sa mga anak. Sa kanyang pag-uwi ay natanawan niya ang dalawang gwardiya sibil sa kanyang halamanan na mas lalong nagpakaba kay Sisa.

Nakita ng dalawang gwardiya sibil si Sisa at pilit na hinahanap sa kanya ang mga anak. Nang walang maipakita si Sisa hiniling ng mga gwardiya na bigyan nalang sila ng pera para iwan na ito.

Nagmakaawa si Sisa ngunit di nagpatinag ang mga gwardiya at kinaladkad ito. Sakto naman na kakatapos lang ng misa sa mga oras na ‘yon dahilan kung bakit mas lumubog si Sisa sa kahihiyan.

Payukong lumakad si Sisa ngunit sa kasawiang palad ay napatid siya sa bato dahilan ng pagkasubsob nito sa maalikabok na daan. Batid ni Sisa na siya ang pinagbubulungan at pinagtsitsismisan ng mga tao sa paligid.

Dalawang oras ding nakulong si Sisa sa piitan bago ito tuluyang nakalabas. Nang makauwi sa kanilang dampa ay agad niyang hinanap ang mga anak.

Ngunit wala siyang naabutan doon kundi ang punit at may dugong damit ni Basilio. Dahil sa lungkot at pagdaramdam nito ay nawala sa katinuan si Sisa.

Kinaumagahan ay masayang nagpagala-gala si Sisa habang nagtatatalon at kumakanta.

Talasalitaan:

  • Tuliro – naguguluhan, nalilito
  • Dampa – bahay na maliit
  • Nagmakaawa – nakiusap
  • Piitan – kulungan
  • Pagdaramdam – pagkalungkot

Noli Me Tangere Buod Kabanata 22: Ang Liwanag at Dilim

Tatlong araw pinaghandaan ng bayan ng San Diego ang magaganap na kapistahan. Usap-usapan sa bayan ang pagdating ni Maria Clara at Tiya Isabel.

Kumalat din ang balitang pagkikita nila Ibarra at Maria Clara na siyang ikinagalit ni Padre Salvi.

Natigil ang lahat sa pag-uusap ng dumating si Ibarra sa bahay nila Maria Clara sakay sa isang karwahe. Nais ng dalawang magkasintahan na magkaroong ng piknik sa tabing ilog kasama ang mga kaibigan nito.

Hiling ng dalaga kay Ibarra na kung maaari ay wag na sanang isama si Padre Salvi sa kanilang piknik dahil hindi ito komportable kapag ito ay nasa paligid. Bagay na di sinang-ayunan ni Ibarra.

Aniya si Padre Salvi ay panauhin ni Maria Clara at maganda naman ang pakikitungo nito kay Ibarra. Titiyakin ni Ibarra na sa ibang bangka sasakay si Padre Salvi para hindi ito makasama sa paglalayag.

Habang nag-uusap ang dalawa ay biglang dumating si Padre Salvi, nagpaalam si Maria Clara upang magpahinga. Inimbitahan ni Ibarra si Padre Salvi sa kanilang gaganapin na piknik at pumayag naman ito.

Paglubog ng araw ay nagpaalam na rin si Ibarra kay Padre Salvi. Habang pauwi ay may isang lalaki ang humingi ng tulong kay Ibarra.

Ayon sa lalaki ay nawawala ang kanyang mga anak at nawalan nang bait ang kanyang asawa. Isinama ni Ibarra ang lalaki at nagpatuloy sa pagkukuwento.

Talasalitaan:

  • Karwahe – sasakyang hilahila ng kabayo
  • Sinang-ayunan – pumayag
  • Pakikitungo – pakikisama
  • Titiyakin – sisiguraduhin
  • Inimbitahan – inanyayahan

Noli Me Tangere Buod Kabanata 23: Ang Piknik

Madaling araw palang ay naghanda na ang magkakaibigan sa gaganaping piknik sa tabing ilog. Kasama rin sa piknik ang mga kawaksi at matatandang babae.

Ang magkakaibigang Maria Clara, Iday, Victorina, Neneng, at Sinang ay magkakasama sa iisang bangka. Punong puno ng tawanan ang mga kababaihan habang patungo sa bangkang sasakyan. Nang makaharap naman nila ang mga kalalakihan ay bigla silang naging mahinhin.

Sa paglalayag ay nagkaroon ng limang maliliit na butas ang bangkang sinasakyan ng mga kalalakihan kaya agad na naglipatan sa bangkang sinasakyan ng mga kababaihan.

Tumahimik at tumigil sa pagtatawanan ang mga dalaga dahil sa hiya nila. Upang hindi mainip sa paglalakbay ay umawit sa Maria Clara ng kundiman.

Nang kumulo na ang tubig na pagsisigangan ay nagsimula nang manghuli ang mga binata ng isda. Bigo naman silang makahuli ng isda dahil sa biglang pagsulpot ng buwaya.

Tumalon si Elias sa ilog upang labanan ang buwaya dahilan nang pagkabahala ng mga dalaga. Hindi naman kinaya ni Elias ang lakas nito kaya nilundag na rin ni Ibarra ang ilog upang talunin ang buwaya.

Nagpatuloy ang magkakaibigan sa pangingisda hanggang sa sila ay makahuli ng sariwang isda. Sama-samang nananghalian ang mga binata’t dalaga sa silong ng puno na malapit sa ilog.

Talasalitaan:

  • Kawaksi – kasangga o kaanib
  • Paglalakbay – paglalakad
  • Kundiman – uri ng kanta
  • Pagsulpot – biglang paglabas
  • Nilundag – tumalon

Noli Me Tangere Buod Kabanata 24: Sa Kagubatan

Umaga palang nang makatapos na si Padre Salvi sa kanyang pagmimisa. Hindi natapos ng pari ang kanyang umagahan dahil agad itong umalis patungo sa piknik sakay ng karwahe.

Malayu-layo pa lang ay pinahinto na nito ang karwahe nang may narinig na ingay. Sinundan ni Padre Salvi ang ingay at nakita niya nagtatawanang mga dalaga.

Nagtago si Padre Salvi sa isang malaking puno habang pinapakinggan at pinagmamasdan ang mga kababaihang nagtatampisaw sa ilog. Gustong gusto na rin lumusong ng pari sa ilog upang sundan ang mga dalaga ngunit napigilan naman niya ang sarili.

Napadaan si Sisa sa piknik ngunit umalis din agad. Naging usapan sa salu-salo ang balitang pagkawala ng mga anak ni Sisa bagay na pinagtalunan ni Don Filipo at Padre Salvi.

Ayon kay Don Filipo ay mas pinahahalagahan pa ang dalawang onsa na nawala kaysa sa pagkawala ng mga bata. Agad namang pumagitna sa usapan ng dalawa si Ibarra upang di na umabot sa malaking gulo.

Nakisali si Ibarra sa mga naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Sinubukan niyang itanong sa gulong kung possible bang matupad ang kaniyang mga plano. Subalit saktong natapat ang dais sa sagot na pangarap lamang.

Hindi naman sumang-ayon si Ibarra sa kinalabasan ng laro dahil may sapat nang katibayan at pinahintulutan na din ang pagpapatayo ng bahay-paaralan sa kanilang lugar. Hinati ni Ibarra ang kasulatan at binigay ito kina Maria Clara at Sinang.

Nang dumating si Padre Salvi ay agad na pinunit ang kasulatan ng walang pahintulot. Ayon sa pari, isang malaking pagkakasala ang maniwala sa mga kasulatang iyon.

Sa dala ng inis, sinagot ni Albino ang kura. Aniya mas malaking pagkakasala ang mangialam sa pag-aari ng iba. Dahil sa narinig ay galit na umalis ang kura pabalik sa kumbento.

Habang nagpapatuloy ang lahat sa kani-kanilang gawain, dumating ang mga gwardiya sibil at sarhento. Dumating sila upang dakipin si Elias na pinagbibintangang nanakit kay Padre Damaso.

Hinalughog ng mga gwardiya sibil ang buong kagubatan upang hanapin si Elias ngunit nabigo ang mga ito.

Talasalitaan:

  • Pinagmamasdan – tinititigan
  • Nagtatampisaw – naglalaro sa tubig
  • Nilibot – naglalakad-lakad
  • Alperes – batang opisyal ng militar
  • Pinahintulutan – pinayagan
  • Sarhento – ranggo ng sundalo
  • Dakipin – hulihin
  • Hinalughog – hinanap
  • Nabigo – natalo

Noli Me Tangere Buod Kabanata 25: Sa Bahay ni Pilosopo Tasyo

Nagtungo si Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng suhestiyon sa ipapatayong paaralan.

Naabutan niyang nagsusulat si Pilosopo Tasyo gamit ang mga simbolong hayop, bilog, bulaklak, paa, daliri, at kamay. Nagtaka si Ibarra kung bakit ganun ang kanyang sinusulat.

Ayon kay Pilosopo Tasyo, nagsusulat siya sa ganung pamamaraan upang hindi ito maintindihan ng mambabasa. Agad namang nagtaka si Ibarra at inakalang baliw ang matanda.

Ayon sa paliwanag ni Pilosopo Tasyo, ang kanyang sinusulat ay hindi para sa kasalukuyan kundi sa mga susunod na henerasyong darating. Kung mababasa ng awtoridad ang kanyang sinulat ay paniguradong susunugin ang mga ito.

Naisip ni Ibarra na lumapit kay Pilosopo Tasyo dahil batid niyang dito rin lumalapit ang ama na si Don Rafael upang humingi ng payo. Inilabas ni Ibarra ang kanyang mga papeles at sinabi ang planong pagpapatayo ng paaralan.

Sinabi ni Pilosopo Tasyo na hindi dapat siya ang nilapitan ni Ibarra kung payo ang kailangan nito dahil baka akalain ng ibang tao na baliw din si Ibarra kung kakaiba ang pananaw nito sa mas nakakarami.

Ipinayo ni Pilosopo Tasyo na kumonsulta si Ibarra sa kura, alkalde, at sa lahat ng may mga katungkulan. Maaaring ang mga taong ito ay magbibigay ng masasamang plano ngunit hindi nangangahulugan ng pagsunod.

Ayon kay Pilosopo Tasyo, magtatagumpay lamang ang mga plano nito kung tutulungan ng pamahalaan at hindi naman matutuloy kung hindi ito tutulong. Batid pa niya na kayang kayang durugin ng simbahan ang mga pangarap na ito.

Gayunpaman, malaki ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan ng kapwa bayan at pamahalaan. Ayon pa kay Pilosopo Tasyo, ang gobyerno ay kagamitan lang ng simbahan. Matatag ito ngunit sa sandaling iwanan ito ng simbahan ay babagsak din.

Hindi sumasang-ayon si Ibarra sa mga sinasabi ni Pilosopo Tasyo lalo pa nung sabihin nito na kung nais niyang magkaroon ng katuparan ang kanyang mga plano ay marapat lang na yumuko muna siya sa mga makapangyarihan. Kung hindi niya ito gagawin ay malabong may mangyari sa kanyang mga plano.

Hindi matanggap ni Ibarra ang pananaw na ito ni Pilosopo Tasyo dahil iba ang pananaw na kinalakihan nito mula sa Europa. Ayon kay Pilosopo Tasyo, hindi katanggap-tanggap ang ganitong prinsipyo, dahil ang lupang nais pag-anihan ni Ibarra ay pagmamay-ari ng kanyang kaaway.

Dagdag pa ng pilosopo, hindi sapat ang kayamanan at kabutihan ng loob. Dapat ring maunawaan ni Ibarra na ang lupang nais pagtaniman ay puno pa ng mga damo. Batid ni Ibarra ang kahalagahan ng payo ni Tasyo ngunit hindi parin siya nawawalan ng loob.

Kung sakaling hindi magtagumpay ang mga plano ni

Maaaring hindi magtagumpay ang planong ito ngunit naniniwala siya na mayroong uusbong na punla na siyang magpapatuloy sa pangarap na sinimulan ni Pilosopo Tasyo.

Talasalitaan:

  • Pilosopo – nag-uusisa, matalinong tao
  • Nangangahulugan – ibig sabihin
  • Gayunpaman – subalit
  • Uusbong – sisibol

Noli Me Tangere Buod Kabanata 26: Ang Araw Bago ang Pista

Bago palang ang araw ng pista sa San Diego ay abala na ang lahat sa paghahanda.

Masaya ang bawat tahanan, ang bawat kalye, ang simbahan, at ang sabungan. Ang paligid ay napapaligiran ng banderitas at dekorasyon. Maririnig na din musika at mga tunog ng paputok.

Abala na rin ang mga kababaihan sa pagluluto ng handa. Bawat tahanan ay makakakitaan ng mga panauhin.

Makikita rin sa bayan ang malaking entablado na pagtatanghalan ng mga sikat na mandudula galing Tondo. Walang tigil sa paglakad ang mga tao at nagtatakbuhan naman ang mga bata.

Ang pagdiriwang ay katulad sa eksena ng normal na pista. Habang may kanya kanyang gawain ang lahat, abala din ang mga taong kinontrata ni Ibarra sa pagpapatayo ng paaralan.

May naghuhukay ng lupa, naghahalo ng simyento, at may naghahakot ng bato. Si Nol Juan ang naatasan upang mamahala sa proyekto. Ang lahat ng gastos sa pinapatayong gusali ay sagot ni Ibarra. Hindi niya tinatanggap ang anumang tulong mula sa mayayaman at sa mga pari.

Ang ipapatayong paaralan ay iginaya sa eskwelahan sa Europa. Kung saan ay hiwalay ang mga babae sa lalaki. Bukod sa may magagarang silid-aralan may nakalaan ding malawak na espasyo para sa pagtatanim ng mga gulay.

Lalagyan din ito ng piitan para sa mga batang tamad mag-aral at sa tabi naman ay palaruan para sa mababait na bata. Marami ang humanga sa ginawang ito ni Ibarra ngunit pinayuhan parin siya ni Pilosopo Tasyo na mag-ingat sa mga kaaway na palihim siyang tinitira.

Talasalitaan:

  • Panauhin – bisita
  • Mandudula – dramatista, artista
  • Kinontrata – kinausap
  • Piitan – kulungan

Noli Me Tangere Buod Kabanata 27: Sa Pagtatakipsilim

Malaki ang handaan sa bahay ni Kapitan Tiago at kaniyang pinagmamalaki na panauhin niya si Crisostomo Ibarra, ang kanyang magiging manugang.

Tanyag sa Manila si Ibarra. Ginawan siya ng artikulo na may pamagat na “Tularan Ninyo Siya”. Sinasamantala ni Kapitan Tiago ang kasikatan ng binata at umaasa na kasama siyang mapuri sa mga pahayagan.

Sa gabing iyon din ay hinandugan ni Kapitan Tiago si Maria Clara ng isang laket na may dyamante at Esmeralda.

Masayang nagharap si Kapitan Tiago at Ibarra. Nagmungkahi naman si Kapitan Tiago na ipangalan ang pinapatayong paaralan kay San Francisco.

Niyaya ng mga kababaihan si Ibaraa at Maria Clara upang mamasyal at pinaunlakan naman ng dalawa ang paanyaya. Bilin ni Kapitan Tiago na maagang umuwi ang dalaga dahil kasalo nila sa hapunan ni Padre Damaso.

Inanyayahan din ni Kapitan Tiago si Ibarra na makasama sa nasabing hapunan upang magkaayos ang binata at ang pari ngunit nagdahilan si Ibarra na may panauhin din siyang darating.

Patuloy sa paglalakad ang mga dalaga kasama ang magkasintahan na sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Isinama din nila si Sinang ng mapadaan ang mga ito sa kanila.

Sa bayan ay may nakita silang isang ketongin na pinandidirihan at nilalayuan ng mga tao. Naawa si Maria Clara sa ketongin, lumapit ito at ibinigay niya ang laket na iniregalo ng ama.

Lumapit naman ang baliw na si Sisa sa ketongin. Tinuro niya ang kampanaryo sabay sabing nandoon daw ang kanyang mga anak.

Umalis ang ketongin dala ang bigay na laket ni Maria Clara. Natuklasan ni Maria Clara na marami ang mahihirap sa lugar na iyon.

Talasalitaan:

  • Panauhin – bisita
  • Mapuri – pinagmamalaki
  • Hinandugan – inalayan
  • Nagmungkahi – nagpahayag
  • Paanyaya – imbitasyon

Noli Me Tangere Buod Kabanata 28: Ilang Sulat

Nailatha sa pahayagan sa Manila ang mga kaganapan na nangyari sa araw ng pista ng San Diego. Kasama sa balita ang mga sikat na tao sa San Diego, ang mga pari, maging ang pagtatanghal kasama na ang mga artistang nagsipagganap.

Nasiyahan ang mga Kastila sa komedyang nasa wikang Kastila. At masaya namang pinanood ng mga Pilipino ang komedyang nakasalin sa wikang Tagalog.

Ngunit si Crisostomo Ibarra ay walang dinaluhan alinman sa dalawa. Kinabukasn ay nagdaos ng isang prusisyon para sa mga santo’t santa. Nagkaroon din ng sayawan sa pangunguna ng mag-amang sina Kapitan Tiago at Maria Clara bagay na ikinainis ng dalaga.

Gumawa ng liham ang dalagang si Maria Clara sa kanyang minamahal na si Crisostomo Ibarra. Isang liham ng pag-aalala dahil ilang araw na itong hindi nagpapakita.

Ipinaabot ni Maria Clara ang liham sa kapatid-kapatirang si Andeng.

Talasalitaan:

  • Nailathala – naibalita
  • Pahayagan – naglalaman ng balita
  • Kaganapan – pangyayari
  • Nasiyahan – natuwa
  • Dinaluhan – pinuntahan

Noli Me Tangere Buod Kabanata 29: Ang Araw ng Pista

Maagang nagising ang mamamayan dahil sa tunog na dala ng umiikot na banda ng musiko. Maririnig din ang ingay na hatid ng kalembang ng kampana at mga tunog ng paputok.

Magarbo ang mga kasuotan ng lahat kahit ang mga sabungero. Ngunit tanging si Pilosopo Tasyo lang ang hindi nagpalit ng kasuotan.

Para sa matanda ay pagsasayang lang ng pera at pagpapakitang tao ang pagdiriwang na iyon. Sa halip na aksayahin ay dapat ilaan nalang ang mga perang ito sa mas kapakipakinabang na bagay.

Ganun din naman ang pananaw ni Don Filipo ngunit wala siyang lakas ng loob para di sumang-ayon sa pag-uutos ng pari.

Alas-otso na ng magsimula ang prusisyon ng mga santo at santa. Nagtapos ang prusisyon sa tapat ng bahay Kapitan Tiago kung saan nag-aabang sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra kasama na ang iba pang panauhin na Kastila.

Talasalitaan:

  • Kalembang – tunog ng kampana
  • Magarbo – bongga, marangya
  • Pilosopo – naguusisa, matalinong tao
  • Prusisyon – parada

Noli Me Tangere Buod Kabanata 30: Sa Simbahan

Marami ang taong pumunta sa simbahan upang makinig sa misa. Hindi maiwasan ang tulakan at gitgitan sa dami ng taong naroroon.

Bali-balitang nagkakahalaga daw ng dalawang daan at limampung piso ang misa sa araw ng kapistahan. Sa kamahalan ay hindi nalalayo ang binabayad sa komedya na nagtatanghal ng tatlong araw.

Ngunit paliwanag naman ng maestrong kapatiran ni San Francisco na mas gugustuhin pa niyang gumastos ng mahal sa pakikinig sa sermon kaysa sa panonood ng komedya dahil ang mga kaluluwang nanonood sa komedya ay napupunta sa impyerno at ang mga kaluluwa namang nakikinig sa sermon ay napupunta sa langit.

Hindi naman agad nagsimula ang misa dahil wala pa ang alkalde mayor na sinasadya namang magpahuli upang mapansin ng lahat ang kanyang pagdating suot ang nagkikislapang medalya na simbolo ng kanyang tungkulin sa pamahalaan.

Nang dumating ang alkalde ay sinimulan na agad ang misa. Tumindig sa pulpito ang pari na parang sinasabi na siya ay isang Franciscano na dapat sundin.

Talasalitaan:

  • Misa – simba
  • Komedya – palabas ng nakakatuwa
  • Maestro – guro
  • Alkalde – mayor
  • Sermon – pangangaral
  • Pulpito – gamit ng nagsesermon tulad ng pari

Noli Me Tangere Buod Kabanata 31: Ang Sermon

Nagsimula na si Padre Damaso sa kanyang sermon nang makita niyang nakatuon na ang paningin ng lahat ng tao sa kanya. Sinimulan niya ang sermon sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang salita mula sa Bibliya.

Namangha sina Padre Sibyla at Padre Martin sa magandang bwelo ng pari. Ayon sa kanyang sermon, ang salita ng Diyos ay dapat magkaroon ng bunga sa bayan na iyon kung kaya’t ito ay hindi dapat itanim sa mabatong lupa.

Nagbanggit din siya ng mga tao na dapat tinitingala dahil sa kanilang pananampalataya katulad ni David, Roland, at ang mga gwardiya sibil ng kalangitan.

Ang sermon ni Padre Damaso sa wikang Kastila ay hindi naiintindihan ng mga Indio. Tanging ang mga salitang tulisan, gwardiya sibil, San Francisco, at San Diego lang ang naiintindihan ng mga Indio.

Marami sa mga nakikinig ang inaantok na sa sermon ng pari. Naghihikab na si Kapitan Tiago at sinusulyapan naman ni Maria Clara si Ibarra sa kanyang kinauupuan.

Pinatamaan ni Padre Damaso sa kaniyang sermon si Ibarra dahilan kung bakit nagalit ang binata. Dagdag pa niya na ang mga anak ng mga erehe ay bastos at walang galang.

Samantala, walang sinumang nakapansin na nakapasok si Elias sa simbahan. Lumapit ito kay Ibarra at binalaan na mag-ingat sa seremonya ng pagbabasbas na gaganapin bukas.

Aniya, huwag lalapit si Ibarra sa pundasyong bato dahil maaari niya itong ikamatay. Bigla namang nawala si Elias ng minsan pang lingunin ito ni Ibarra.

Talasalitaan:

  • Sermon – pangangaral
  • Nakatuon – nakabaling, naka pokus
  • Tinitingala – hinahangaan
  • Tulisan – hindi sumusunod sa batas, bandido
  • Naghihikab – pagkaantok
  • Sinusulyapan – palihim na tinitignan
  • Erehe – hindi sumusunod sa utos ng simbahan

Noli Me Tangere Buod Kabanata 32: Ang Paghugos

Nagtayo ang taong madilaw ng isang makinarya na siyang nagtataas at nagbababa ng mabibigat ng bagay gaya ng bato at bakal. Ayon sa taong madilaw ay si Don Saturnino, lolo ni Ibarra pa ang nagturo sa kanya kung paano gamitin ang makinarya.

Pinaghandaan ni Ibarra ang espesyal na okasyon. Nagpaluto siya ng masasarap na pagkain para sa lahat ng makikilahok. Nagdaos naman ang mga guro ng palaro katulad ng palosebo, pabitin, at pukpok sa palayok. Nais ni Ibarra na maging masaya at matagumpay ang pagpapatayo sa paaralan.

Mayroon ding masayang tugtugan na hatid ng banda. Naroroon ang mga panauhing inanyayahan ni Ibarra katulad ng alkalde, Kapitan Tiago, alperes, at si Padre Salvi. Naroroon din ang mga naggagandahang dilag kung saan pansin na pansin ang kagandahan ni Maria Clara.

Tumigil na ang tunog ng banda hudyat na magsisimula na ang seremonya. Pinalibutan ng lahat ang nakaukang bato.

Nang mapatingala si Ibarra sa itaas ay nakita niya ang madilaw na lalaki na nakangisi. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at naalala ang babala ni Elias nung nasa simbahan. Nabuhayan naman siya ng loob nanng mapansing malapit si Elias sa kinaroroonan ng taong madilaw.

Nagsimula nang magbigay ng sermon si Padre Salvi at mapapansing nangangatal ang boses habang nagbabasa. Ipinasok na ang kahong kristal sa tinggang bumbong.

Nagmungkahi ang alkalde na si Ibarra ang maglagay sa ukang bato ngunit tumanggi ito at nagmungkahi na ang Eskribano nalang ang magsagawa nito.

Agad na kinuha ng eksribano ang tinggang bumbong at bumaba sa baitang na kinaroroonan ng uka at inilagay ang mga katibayan ng kasaysayan.

Binendisyunan ni Padre Salvi at sunud-sunod na bumaba sa hagdan ang mga piling panauhin. Isang ritwal ang paglalagay ng simyento. Pinangunahan ng alkalde ang ritwal na sinundan naman ni Padre Salvi.

Habang bumababa ang pari ay tumingin ito sa umuugang bato na nakatali sa lubid. Madaling nagpalitada ang pari at pansin parin ang panginginig ng kanyang tuhod. Sunud-sunod nang nagpalitada ang iba pang piling panauhin.

Napansin naman ni Padre Salvi na hindi pa nagpapalitada si Ibarra. Napilitang kuhanin ni Ibarra ang pala at ikinatuwa naman ito ng mga panauhin.

Sa isang iglap ay kumawata ang mga lubid na siyang humahawak sa malaking bato. Nagulantang ang lahat. Ang iba ay piniling lumayo ngunit may ilan-ilang lumapit upang tignan kung sino ang nadaganan ng malaking bato.

Nakita ng lahat ang nakatayong si Ibarra habang hawak ang pala. Sa paanan ng binata ay may duguang katawan ng isang madilaw na lalaki.

Talasalitaan:

  • Makikilahok – sasali
  • Nagdaos – nagdiwang
  • Alkalde – mayor
  • Alperes – batang opisyal ng militar
  • Hudyat – senyales
  • Sermon – pangangaral
  • Nangangatal – nanginginig
  • Bumbong – lalagyan na yari sa kawayan
  • Nagmungkahi – nag ulat, nagsalita, nagkwento
  • Eskribano – dalubhasa sa batas
  • Uka – sira
  • Binendisyonan – binasbasan
  • Nagulantang – nagulat

Noli Me Tangere Buod Kabanata 33: Ang Malayang Isipan

Hindi inaasahan ni Ibarra ang pagpunta ni Elias sa bahay nila. Muling nagbigay ng babala si Elias kay Ibarra.

Aniya, kailangang isipin ng kalaban ni Ibarra na sila ay pinagkakatiwalaan nito upang ito ay manatiling ligtas. Hindi naman matukoy ni Ibarra kung sino ang kalabang tinutukoy nito.

Ayon kay Elias isa sa mga kalaban ni Ibarra ay ang madilaw na tao. Nanghinayang si Ibarra sa pagkamatay ng madilaw na tao dahil makakausap sana nila ito kung ito ay nabuhay.

Ngunit di naman sang-ayon si Elias dahil maaari itong makatakas kung ito ay nabuhay. Napunta naman ang usapan sa milagro.

Higit na pinaniniwalaan ni Elias ang Panginoon kaysa sa milagro. Maya-maya pa ay nagpaalam na rin si Elias kay Ibarra.

Ipinangako ni Ibarra na hindi nito ipagsasabi kaninuman ang babalang galing kay Elias. Nangako din si Elias kay Ibarra na ito ay dadating kung sakaling mangailangan ng tulong ang binata.

Talasalitaan:

  • Manatili – magpatuloy
  • Matukoy – masabi
  • Milagro – himala

Noli Me Tangere Buod Kabanata 34: Ang Pananghalian

Magsasalu-salo ang mga espesyal na tao sa San Diego sa isang tanghalian. Kabilang sa mga panauhin sina Ibarra, ang alkalde, Maria Clara, Kapitan Tiago, Padre Salvi, Padre Sibyla, ang alperes, ang tinyente, ang eskribano, at ilang mga kadalagahan.

Nakapwesto sa magkabilang dulo ng lamesa si Ibarra at ang alkalde. Habang kumakain ay may dumating na telegrama para kay Kapitan Tiago na nagsasabing darating ang Kapitan Heneral at ito ay tutuloy sa bahay nila.

Iba’t-ibang reaksyon ang narinig mula sa mga panauhin. Malaking sampal kila Padre Salvi at Padre Sibyla nang piliin ng Kapitan Heneral na tumuloy sa bahay ni Kapitan Tiago kaysa tumuloy sa kumbento.

Maya-maya ay napatigil ang lahat sa pagkain nang makitang parating si Padre Damaso na nakangiti. Nagsimula na namang paringgan ni Padre Damaso si Ibarra.

Iniba ng alkalde ang usapan ngunit hindi parin nagpapatinag ang pari. Pilit namang nagtitimpi ang binata sa kabila ng mga naririnig nito. Patuloy parin sa pagsasalita ang pari hanggang sa mapunta ang usapan tungkol sa ama ni Ibarra na si Don Rafael.

Doon ay hindi na niya kinaya ni Ibarra ang sarili. Sa galit ay kamuntikan na nitong saksakin ang pari. Mabuti nalang at napigilan siya ni Maria Clara. Muli itong huminahon at piniling umalis na lamang.

Talasalitaan:

  • Alkalde – mayor
  • Alperes – batang opisyal ng militar
  • Tinyente – sundalo
  • Eskribano – dalubhasa sa batas
  • Telegrama – sulat
  • Kumbento – simbahan
  • Huminahon – kumalma

Noli Me Tangere Buod Kabanata 35: Ang Usap-usapan

Iba’t-ibang balita ang nagkalat sa bayan tungkol sa nangyari sa tanghalian. May mga balitang nagkalat na patay na daw ang pari. Mas marami naman ang pumanig sa pari dahil kung nakapagpigil lang sana ito ay hindi sana iyon mangyayari.

Ipinagtanggol naman ni Don Filipo si Ibarra. Aniya walang sinuman ang makakapagtimpi sa mga salitang binitiwan ng pari. Ayon sa alkalde ay wala naman silang magagawa dahil laging mga pari ang tama. Kaya kung sinuman ang pumanig kay Ibarra ay magkakaproblema.

Dagdag pa ng isang babae, kung siya daw ang ina ni Ibarra ay namatay na ito sa kahihiyan. Nalugod naman si Kapitan Maria sa ginawang pagtatanggol ni Ibarra sa ama.

Marami naman ang nabahala na baka hindi na matuloy ang pagpapatayo ng paaralan. Naniniwala sila na ang paaralan na iyon ang magiging daan upang magkaroon ng magandang kinabukasn ang kanilang mga anak.

Talasalitaan:

  • Pumanig – kumampi
  • Makakapagtimpi – makakapagpigil
  • Alkalde – mayor
  • Binitawan – pinakawalan
  • Nalugod – nagalak

Noli Me Tangere Buod Kabanata 36: Ang Unang Suliranin

Napuno ng kalungkutan si Maria Clara nang malaman na ekskomunikado sa simbahan si Ibarra. Kahit na anong gawing pagpapasaya ni Tiya Isabel at Andeng ay hindi umuubra. Nangako si Andeng na gagawa siya ng paraan para makausap ni Maria Clara si Ibarra.

Mas lalo pang nalungkot ang dalaga ng ibalita sa kaniya ni kapitan Tiago ang pinag-uutos ng simbahan. Bilin ni Padre Damaso na putulin na ang relasyon ng magkasintahan dahil kung hindi ay si Kapitan Tiago ang mapaparusahan.

Bilin naman ni Padre Sibyla na huwag papapuntahin sa bahay nila si Ibarra. Katwiran ni Kapitan Tiago meron daw siyang limampung libong pisong utang sa binata kung kaya’t nakikipagkaibigan ito sa kanya ngunit walang pakialam ang mga pari.

Lalo pang nagimbal si Maria Clara sa sunod na balita ni Kapitan Tiago na dumating na daw ang binatang pinsan ni Padre Damaso mula Espanya na siyang nararapat daw nitong maging kasintahan.

Maging si Tiya Isabel ay nagulat at nagalit sa mga balitang dala-dala ni Kapitan Tiago. Ngunit walang magagawa si Kapitan Tiago dahil manganganib ang kaluluwa nito kung hindi susunod.

Ilang sandali pa’y dumating na din ang Kapitan Heneral. Dali-daling tumakbo si Maria Clara sa kanyang kwarto at doon ay lumuhod sa birhen.

Taimtim siyang nanalangin na may kasamang pag-iyak. Pumasok naman si Tiya Isabel sa silid ni Maria Clara dahil ito ay pinapatawag ng Kapitan Heneral.

Talasalitaan:

  • Ekskomunikado – bawal tanggapin ng simbahan habang nabubuhay
  • Umuubra – tumalab
  • Katwiran – rason
  • Nagimbal – pagkagulat
  • Manganganib – delikado

Noli Me Tangere Buod Kabanata 37: Ang Kapitan Heneral

Ipinatawag ng Kapitan Heneral si Ibarra. Ang akala ni Ibarra ay magagalit sa kanya ang Kapitan Heneral matapos itong kausapin ngunit lumabas ito ng silid na nakangiti.

Pinapakita nito ang kabutihang loob ng Heneral. Iritang-irita naman ang mga pari habang nag-iintay na matapos ang usapan ng dalawa. Inakala nilang sila ang unang kakausapin ng Heneral.

Magkakasunod na pumasok si Padre Sibyla, Padre Salvi, Padre Martin, at ang iba pang mga pari. Hinanap ng Heneral si Padre Damaso ngunit wala naman ang pari doon sa kadahilanang ito ay may sakit.

Sunod na pumasok at nagbigay galang sina Kapitan Tiago at Maria Clara. Humanga ang Kapitan Heneral sa dalaga dahil sa lakas ng loob na ipinamalas nito sa kabila ng pag-aaway ng nobyo at ng pari.

Nang dumating si Ibarra ay agad nagpaalala si Padre Salvi na si Ibarra ay ekskomunikado ngunit hindi naman ito pinansin ng Kapitan Heneral sa halip ay inalala nito ang may sakit na si Padre Damaso.

Binati at pinuri naman ng Heneral ang ginawang pagtatanggol ni Ibarra sa kanyang ama. Nangako pa itong kakausapin ang Arsobispo tungkol sa pagiging ekskomunikado ng binata.

Nais namang makaharap muli ng Heneral si Maria Clara bago ito umalis patungo Espanya. Inanyayahan naman nito ang alkalde na samahan siya sa kanyang paglilibot.

Iminungkahi ng Kapitan Heneral na ipagbili nalang ni Ibarra ang kanyang mga ari-arian dito sa Pilipinas at sa Espanya nalang manirahan. Ngunit para kay Ibarra higit na mas matamis ang manirahan sa sariling bayan.

Hinabilin nito kay Ibarra na kausapin si Maria Clara at papuntahin sa kanya si Kapitan Tiago. Ang bilin ng Heneral sa alkalde ay protektahan si Ibarra dahil sa magandang plano nito para sa bayan.

Nang dumating si Kapitan Tiago ay ipinaabot nito ang paghanga dahil sa pagkakaroon ng mabuting anak at mamanugangin. Nagmungkahi siya na gawing ninong sa kasal ng dalawa.

Nagtungo naman si Ibarra sa silid ni Maria Clara ngunit bigo itong makita ang dalaga. Sinabi ni Sinang na isulat nalang niya ang gusto niyang sabihin kay Maria Clara dahil sila ay patungo sa dulaan.

Talasalitaan:

  • Iritang irita – inis na inis
  • Ipinamalas – ipinakita
  • Nobyo – kasintahang lalaki
  • Ekskomunikado – bawal tanggapin ng simbahan habang nabubuhay
  • Arsobispo – mataas na katungkulan ng pari
  • Alkalde – mayor
  • Iminungkahi – inilahad
  • Patungo – papunta

Noli Me Tangere Buod Kabanata 38: Ang Prusisyon

Kinagabihan, nagsimula na ang sunod-sunod na ingay ng mga paputok at sinabayan pa ito ng pagkalembang ng kampana.

Itinayo sa tapat ng bahay ng alperes ang isang kubo kung saan gaganapin ang pabasa sa banal na patron. Nag-inspeksyon din ang kapitan sa buong bayan kasa-kasama sina Ibarra, Kapitan Tiago, at ang alperes.

Ayaw sanang sumama ni Ibarra sa paglilibot dahil mas gusto niyang panoorin ang prusisyon mula sa balkonahe nina Maria Clara ngunit nahihiya naman itong tumanggi sa paanyaya ng Kapitan Heneral.

Tatlong sakristan ang nangunguna sa prusisyon na sinundan naman ng mga estudyante at mga guro. Kasama rin sa pila ang mga batang may hawak na makukulay na parol.

Palakad-lakad ang mga gwardiya sibil habang mahigpit na nagmamasid sa paligid upang mapanatili ang kaayusan ng prusisyon.

Habang nakikita naman ni Pilosopo Tasyo ang mga paputok, bulaklak, parol, at mga kandila na siyang nagpapaganda sa paligid ay bubulong-bulong ito. Aniya hindi mahalaga kung ano ang dinadamit mo o kung ano ang mga nakadisenyo sa paligid. Ang mahalaga ay ang mabuting gawa hindi lamang garbo ng mga salita.

Isang batang lalaki na may pakpak ang lumabas sa entablado upang pasimulan ang ang pabasa. Muling nagpatuloy sa pagtugtog ang banda at paglakad ng prusisyon.

Nang mapatapat ang karosa ng Birhen sa harap ng bahay ni Kapitan Tiago ay may narinig sila na isang mala-anghel na tinig. Boses iyon ni Maria Clara na umaawit ng Ave Maria habang tumutugtog ng pyano.

Ramdam na ramdam ang kalungkutan ng dalaga sa kanyang pag-awit. Dinig na dinig din ni Ibarra ang awit ni Maria Clara na puno ng lungkot at pait.

Hindi napansin ni Ibarra na pinagmamasdan pala siya ng Kapitan Heneral. Niyaya ng Heneral si Ibarra sa hapagkainan at pinag-usapan nila ang dalawang batang nawawala na sina Crispin at Basilio.

Talasalitaan:

  • Pagkalembang – pagtunog
  • Alperes – batang opisyal ng militar
  • Prusisyon – parada
  • Garbo – maganda, magara
  • Karosa – karwahe

Noli Me Tangere Buod Kabanata 39: Si Donya Consolacion

Sa pagdaraanan ng prusisyon tanging ang tinitirahan lang ng alperes at ang kaniyang esposa ang nakasara ang bintana. Wala ding kandilang nakasindi sa bahay.

Hindi lingid sa nakakarami, mahigpit na ipinag-uutos ng alperes sa kanyang esposa na huwag itong lalabas. Takot ang puno ng mga gwardiya sibil na makita at maamoy ng Kapitan Heneral ang di kaaya-ayang amoy ng Donya.

Siya si Donya Consolacion. Wala namang pakialam ang Donya sa kung ano ang sasabihin ng iba. Kahit laging usap-usapan ang tuyot na tabako na laging nakasalampak sa labi niya; kahit laman ng tsismis ang buhol-buhol niyang mga buhok at ang napakaingay na bibig naniniwala pa din siya na siya ang pinakamaganda.

Ang mahalaga kay Donya Consolacion ay siya ang reyna ng mga gwardiya sibil at senyora ng mga utusan at asawa ng alperes.

Narinig ni Donya Consolacion ang awit ni Sisa na nasa kulungan. Inutusan ng Donya ang gwardiya sibil na papanhikin ang umaawit.

Inutusan niya si Sisa na muling kumanta ngunit hindi agad ito sumunod dahilan kung kaya ang lahat ng galit niya sa asawa ay ibinuhos niya sa kaawa-awang si Sisa.

Sa inis ng Donya ay inutusan niya ang gwardiya sibil na pakantahin si Sisa. Sinunod naman ito at umawit ng isang malungkot na awit ng pag-ibig.

Sa simula ng pagkanta ay pinagtawanan lamang ito ng Donya subalit ito ay unti-unting nawala. Naging seryoso siya sa pakikinig at nakangangang pinagmamasdan ang umaawit.

Pinahinto ng Donya si Sisa sa pag-awit at palihim namang napangiti ang katulong nang malamang marunong palang magsalita ang Donya ng Filipino.

Muli niyang inutusan si Sisa na sumayaw ngunit hindi ito sumunod. Nagalit muli ang Donya at pinaglalatigo si Sisa. Dahil sa pangyayaring ito ay nahubaran ng damit si Sisa at nagdugo ang kanyang mga sugat.

Nagalit ang alperes nang makita ang pangyayaring ito. Inutusan ng alperes ang isang kawal na damitan, pakainin, at gamutin ang mga sugat nito dahil bukas ay ihahatid si Sisa kay Ibarra.

Talasalitaan:

  • Alperes – batang opisyal ng militar
  • Esposa – asawang babae
  • Papanhikin – umakyat, sumampa, bumisita
  • Pinahinto – pinatigil

Noli Me Tangere Buod Kabanata 40: Ang Karapatan at Lakas

Alas-dyes ng gabi nang sinimulang paputukin ang mga huling kwitis hudyat ng pagsisimula ng dula. Karamihan sa mga tao ay papunta na upang manood ng nasabing pagtatanghal.

Sa unang hanay nakaupo ang mga sikat na tao sa bayan katulad ng mga Kastila at opisyal ng bayan. Samantala ang mga hindi nabanggit ay nakaupo sa likuran. Ang mga maralita naman ay makakatayo lamang sa mga upuang dala-dala nila.

Pinamumunuan ni Don Filipo ang dula dahil abala sa pagsusugal ang alkalde ng mga gabing iyon. Nagdatingan na ang iba pang mga panauhin katulad ni Maria Clara kasama ang kanyang mga kaibigan, si Padre Damaso, si Padre Salvi, at ilang Kastilang panauhin.

Maya-maya pa ay sinimulan na ang palabas sa pag-awit nina Chananay at Marianito. Habang abala sa panonood ang lahat napansin naman ni Padre Damaso ang noo’y matamlay at may dinaramdam na si Maria Clara.

Nasa ikalawang bahagi na ng dula nang dumating si Crisostomo Ibarra. Napabuntong hininga si Padre Damaso nang makita niyang nakatingin ang lahat sa dumating na binata.

Hindi naman ito pinansin ni Ibarra at agad na tumabi kay Maria Clara. Nang nakita ni Padre Damaso na masayang nag-uusap ang magkasintahan, agad itong tumungo at nakipagkomprontasyon kay Don Filipo.

Ngunit isa si Ibarra sa may pinakamalaking abuloy kung kaya’t hindi niya ito maaaring paalisin. Dahil hindi napaalis si Ibarra, si Padre Damaso na lang ang umalis kasama ng ibang pari.

Ilang sandali pa’y umalis na din si Ibarra sa dula dahil sa kahihiyan nito. Aniya meron pa siyang ibang lalakarin sa araw na iyon.

Habang nanonood ang lahat ay may dalawang sundalo ang dumating at inutos na itigil ang pagtatanghal sa kadahilanang hindi daw makatulog sa ingay ang alperes at ang senyora.

Nagkagulo naman ang lahat ng hindi pagbigyan ni Don Filipo ang utos ng dalawang sundalo. Galit na galit ang mga tao dahil sa pagpapahinto ng tanghalan.

Pinagbabato ng mga lalaki ang dalawang sundalo at pinalibutan naman ito ng mga kwardriyerong may hawak na espada.

Muling bumalik si Ibarra at agad na hinanap si Maria Clara. Humingi ng tulong si Don Filipo kay Ibarra na patigilin ang kaguluhan ng lahat ngunit hindi ito kaya ng binata dahil sa sobrang dami ng tao.

Mabuti nalang at naroroon si Elias sa lugar nang mangyari ang gulo. Humingi ng tulong ang binata kay Elias. Ilang saglit pa’y unti-unting naging bulungan ang malakas na sigawan ng mga tao.

Habang nagkakagulo naman ang lahat ay naroon si Padre Salvi sa itaas ng kumbento na nagmamasid sa lahat ng tao. Napansin niyang wala si Maria Clara doon kaya naisip nitong baka itinanan na siya ni Ibarra.

Mabilis na nagbihis ang pari at lumabas ng kumbento. Nagtungo ito sa plasa upang hanapin ang dalaga ngunit wala ito doon. Sunod namang nagpunta ang pari sa bahay ni Kapitan Tiago at doon ay natagpuan ang dalaga na nakahiga sa kanyang silid.

Talasalitaan:

  • Hudyat – signal
  • Maralita – dukha, mahirap
  • Alkalde – mayor
  • Matamlay – mahinang mahina
  • Abuloy – pagbibigay sa nangangailangan
  • Kumbento– simbahan

Noli Me Tangere Buod Kabanata 41: Dalawang Dalaw

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Ibarra kaya inaliw nito ang sarili sa kanyang laboratoryo.

Dahil sa kanyang ginagawa ay di na napansin ng binata ang mabilis na takbo ng oras. Maya-maya ay dumating si Elias upang ibalita na nagkasakit si Maria Clara.

Kinuha na rin ni Ibarra ang pagkakataon upang itanong kay Elias kung paano nito napatigil ang kaguluhang nangyari sa plasa.

Aniya, kilala niya ang magkapatid na nanguna sa kaguluhan dahil minsan na nitong iniligtas ang magkapatid sa pagpaparusa. Kinausap ni Elias ang magkapatid at sila na mismo ang nakiusap sa iba na magsitigil na.

Ilang sandali pa ay umalis na rin si Elias. Nagbihis na rin si Ibarra at nagtungo sa bahay ng dalaga.

Sa kaniyang paglalakad ay may nakasalubong siyang lalaki na may pilat sa kaliwang mukha. Siya si Lucas, kapatid ng taong dilaw. Mangahas na nagtanong si Lucas kung magkano ang danyos na ibibigay ni Ibarra sa pamilya ng taong dilaw.

Pinakiusapan ni Ibarra si Lucas na kakausapin nalang niya ito sa ibang araw dahil may dadalawin pa ito.

Sa sama ng kalooban ni Lucas ay inisip niyang iisang dugo ang dumadaloy sa ugat nina Ibarra at Don Saturnino na nagparusa naman kaniyang ama. Ani Lucas, magiging magkaibigan lang sila ni Ibarra kung malaking halaga ang ibabayad nito.

Talasalitaan:

  • Inaliw – nilibang
  • Pilat – peklat
  • Mangahas – matapang
  • Danyos – bayad sa nasira

Noli Me Tangere Buod Kabanata 42: Ang Mag-asawang de Espadaña

Punong-puno ng pag-aalala ang bahay ni Kapitan Tiago dahil sa may sakit na si Maria Clara. Nagtanong naman si Kapitan Tiago kay Tiya Isabel kung kanino ito magbibigay ng limos upang mabilis na gumaling ang dalaga, sa krus ng Tunasan o sa krus ng Matahong.

Naisip ng mga ito na mas magiging mabilis ang paggaling ni Maria Clara kung parehas itong bibigyan ng limos.

Nasa silid ang magpinsang Sinang at Victoria na silang nagbabantay sa may sakit. Habang si Andeng naman ay nagpupunas ng kubyertos.

Ilang sandali pa ay dumating si Don Tiburcio de Espadaña kasama ang asawa nitong si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña at si Linares na inaanak ng isang kamag-anak ni Padre Damaso.

Ipinaakyat ni Tiya Isabel ang mga bagahe sa kanilang katulong habang sinamahan naman ni Kapitan Tiago ang tatlo sa kani-kanilang silid.

Si Donya Victorina ay apatnapu’t limang taong gulang na ngunit ipinapamalita niyang siya’y tatlumpu’t dalawang taong gulang lamang. Pangarap niya ang makapangasawa ng taga-ibang bansa ngunit wala sa mga ito ang nagkakagusto sa kanya.

Hindi na ito nagdalawang-isip na magpakasal kay Don Tiburcio na bagamat patpatin at pilay ay makikitaan naman ng pagiging isang tunay na Espanyol.

Si Don Tiburcio naman ay dating namamasukan bilang katulong sa ospital ng Espanya. Sapilitan itong namasukan sa barkong Salvador na nag-iikot sa Asya. Dahil sa ito’y napilay sa pagtulong sa nabigasyon at naging masasakitin ay pinababa na ito ng barko ng dumaan sa Pilipinas.

Nang wala nang tumutulong na kababayan ay pinayuhan itong magpanggap bilang isang doktor. Sa simula ay maliit palang ang singil nito sa mga pasyente niya ngunit dahil gumaling ang mga nireresetahan ay nagtaas na din ito ng singil.

Hindi lingid sa kanya may isang Kastilang manggagamot ang nakaalam sa pagpapanggap nito. Dahil dito ay nawalan siya ng pasyente at nagdesisyong bumalik nalang sa panlilimos ngunit napangasawa naman nito si Donya Victorina.

Binihisan ng Donya si Don Tiburcio upang magmukhang kagalang-galang sa harap ng marami. Marami naman ang natawa nang gustuhin ng Donya na tawagin din siyang doktora. Sila ay ang mag-asawang doktor na wala namang diploma.

Inakala ng Donya na siya ay buntis matapos ang ilang buwang pagsasama ng dalawa. Pinangarap ni Donya Victorina na sa Espanya manganak. Nakasakay na sa barko si Linares nang malaman na hindi pala ito nagbubuntis at namimilog lang ang katawan dahil sa katabaan.

Habang nakain ng meryenda ang tatlo sa bahay ni Kapitan Tiago ay dumating si Padre Salvi. Ipinakilala ng mag-asawa sa pari si Linares.

Makikita sa itsura ng Donya ang pagkamangha nang banggitin ni Kapitan Tiago na tumuloy ang Kapitan Heneral sa bahay nito. Matapos ang pag-uusap ay pumunta sila sa silid ni Maria Clara.

Malakas ang tiwala ni Don Tiburcio na mapapagaling niya ang dalaga. Kinuha rin ng donya ang pagkakataon na mapakilala kay Linares si Maria Clara.

Nabighani naman si Linares sa taglay na kagandahan ng dalaga. Ilang minuto pa ay dumating si Padre Damaso na mamulamula at malungkot.

Talasalitaan:

  • Limos – paghingi
  • Kubyertos – gamit sa pagkain
  • Nabigasyon – paglalakbay
  • Singil – bayad
  • Nabighani – nahulog

Noli Me Tangere Buod Kabanata 43: Mga Plano

Pumasok si Padre Damaso sa silid ni Maria Clara. Nang magising ang dalaga ay di niya akalain na makikita niya ang pari na luhaan.

Nagtaka naman ang ilan dahil sa kabila ng kapangitan ng ugali ay marunong pala itong umiyak. Pumunta si Padre Damaso sa balkonahe at doon nag-iiyak.

Nang mapag-isip-isip na baka may nakakakita sa kanya ay bumaba na rin ito at nakasalubong si Donya Victorin kasama si Linares.

Nagpakilala si Linares sa pari bilang inaanak ng kapatid nito. Nagulat naman si Linares nang yakapin ito ng mahigpit ng pari.

May iniabot si Linares na liham sa pari na nagsasabing naghahanap ito ng trabaho at mapapangasawa. Ayon sa pari madali lang ito makakahanap ng trabaho dahil ito ay nagtapos ng abugasya. Kakausapin naman nila si Kapitan Tiago para sa usaping mapapangasawa. Ito naman ay dinamdam ni Padre Salvi.

Samantala, tumungo naman si Lucas kay Padre Salvi upang mabigyan ng aksyon ang pagkamatay ng kapatid nito. Umarte ito sa harap ng pari upang mas lalong maging kaawa-awa ang itsura.

Aniya limang-daang piso lang ang natanggap nitong danyos mula kay Ibarra. Nagalit ang pari sa kaartehan na ipinakita ni Lucas at inutusan itong lumayas.

Talasalitaan:

  • Luhaan – umiiyak
  • Balkonahe – bahagi ng bahay na nagsisilbing pahingahan
  • Liham – sulat
  • Abugasya – pagaaral para maging abogado
  • Danyos – bayad sa nasira
  • Lumayas – umalis

Noli Me Tangere Buod Kabanata 44: Pagsusuri ng Budhi

Nabinat si Maria Clara matapos itong mangumpisal. Dahil sa taas ng lagnat ay nababanggit pa nito ang kanyang ina tuwing gabi.

Patuloy naman siyang inaalagaan ni Tiya Isabel at ng kaniyang mga kaibigan. Inihandog ni Kapitan Tiago sa Birhen ang kanyang gintong baston. Ikinagulat ng lahat nang mapansing bumaba ang lagnat ng dalaga.

Naging paksa sa usapan nina Padre Salvi, kapitan Tiago, at mag-asawang de Espadaña ang pagpapalipat kay Padre Damaso ng ibang destino. Ikakalungkot ni Maria Clara ang pagkalipat ni Padre Damaso dahil tinuring na rin niyang ama ang pari.

Para kay Padre Salvi ang hindi pagkikita ni Maria Clara at Ibarra ang dahilan ng mabilis na paggaling nito. Ngunit para naman kay Donya Victorina ang pagpapagaling ng kanyang asawa ang dahilan nito.

Nalaman ni Maria Clara sa kaibigang si Sinang na hindi pa makasulat si Ibarra dahil abala pa ito sa pagpapawalang bisa sa pagiging ekskomunikado. Nahinto ang usapan ng dumating si Tiya Isabel upang ihanda si Maria Clara sa kanyang pangungumpisal.

Nang palabas na sina Sinang at Victoria, ibinulong ni Maria Clara kay Sinang na ipakisabi raw nito kay Ibarra na limutin na siya.

Nagsimula na ang pangungumpisal ni Maria Clara kay Padre Salvi. Napansin ni Tiya Isabel na hindi nito pinapakinggan ang kumpisal ng dalaga sa halip ay nakatitig lang ito.

Talasalitaan:

  • Nabinat – pagbalik ng sakit
  • Kumpisal – pagpapahayag
  • Destino – mailagay o ilipat
  • Napawalang bisa – napawalang sala
  • Ekskomunikado – bawal tanggapin ng simbahan habang nabububay

Noli Me Tangere Buod Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig

Narating ni Elias ang isang lugar na napapaligiran ng malalaking batong buhay na natatakpan ng mga sanga ng punongkahoy. Doon ay nagkita sila ni Kapitan Pablo.

Anim na buwan na ang nakalipas nung huli silang nagkita. Ikinalungkot ni Elias nang malamang naninirahan ang kapitan sa madilim na lugar.

Malapit si Elias kay Kapitan Pablo at itinuring na ito bilang ama. Pareho nang walang kasama sa buhay ang dalawa kung kaya’t iminungkahi ni Elias kay Kapitan Pablo na sumama na ito sa lupain ng mga katutubo upang mamuhay ng payapa at malayo sa malimuot na ala-ala ng kanyang pamilya.

Ngunit sa kagustuhan ng kapitan na maipaghiganti ang mga anak sa ginawa ng mga dayuhan ay tumanggi ito. Makakamit lang niya ang katahimikang sinasabi ni Elias kung mabibigyan ng katarungan ang kaawa-awang sinapit ng kaniyang pamilya.

Si Kapitan Pablo ay may tatlong anak, dalawang lalaki at isang babae. Pinagsamantalahan ang kanyang anak na babae ng isang alagad ng simbahan at napagbintangan naman ang kanyang anak na lalaki na nagnakaw nang magtangkang pumunta sa kumbento upang mag-imbestiga sa nangyari sa kapatid na babae.

Bagamat hindi napatunayang may sala ay hinuli parin ang anak na lalaki at nakaranas ng hirap sa kamay ng mga awtoridad.

Pinili namang manahimik ni Kapitan Pablo sa kabila ng pagpapahirap sa mga anak dahil sa takot nito sa kura na hindi man lang naparusahan bagkus ay nadestino lang sa ibang lugar.

Habang ang isa pang anak na lalaki ay nagpakamatay dahil sa hindi nito kinaya ang pagpapahirap ng mga gwardiya sibil nang pinaghinalaang maghihiganti matapos hindi madala ang kanyang sedula.

Plano ni Kapitan Pablo na lumusob sa bayan sa tamang oras kasama ang iba pang pinag-uusig ng pamahalaan dahil wala paring mas mahalaga sa kaniya kundi ang makapaghiganti. Nauunawaan ni Elias ang saloobin ng kapitan dahil minsan na rin niyang inisip na maghiganti ngunit sa takot na baka may madamay pang iba ay kinalimutan nalang ang hangarin na ito.

Isinalaysay din ni Elias ang kaibigan niyang si Ibarra. Maaari itong makatulong upang ipaabot sa Heneral ang hinaing ng buong bayan.

Ipinangako ni Elias kay Kapitan Pablo na kukumbinsihin niya si Ibarra upang tumulong. Kung sumang-ayon man ang binata ay makakamit nila ang katarungang hinahanap ngunit kung hindi naman ay nangako si Elias na aanib ito sa kapitan.

Talasalitaan:

  • Napapaligiran – napapalibutan
  • Iminungkahi – inilahad
  • Masalimuot – mahirap, magulo
  • Sinapit – dinanas
  • Kumbento – simbahan
  • Kura – pari
  • Lumusob – sumugod
  • Pinag-uusig – pinaghahanap
  • Hinaing – hinanakit, reklamo
  • Aanib – sasapi

Noli Me Tangere Buod Kabanata 46: Ang Sabungan

Tuwing araw ng linggo, kung marami ang napunta sa simbahan ay marami din ang nasa sabungan. Dito nagkikita ang mayayamang handang magpatalo ng malaking puhunan at mahihirap na nakikipagsapalaran.

Para sa pamahalaan, hindi mahalaga kung sino ang nananalo dahil ang importante ay ang makokolektang buwis mula sa tao na gagamitin daw sa pagpapatayo ng kalsada at tulay at itutustos sa pagpapaunlad ng agrikultura.

Nahahati ang sabungan sa tatlong bahagi. Malapit sa pasukan ang unang hati kung saan nakapwesto ang mga tindera ng kakanin, nganga, at sigarilyo. Sa ikalawang bahagi naman ng sabungan ay makikita ang pagsasama-sama ng mga sabungero bago magsimula ang aktwal na paglalaban ng manok. Sa ikatlo at huling bahagi ng sabungan nakapwesto ang mga may mataas na posisyon na silang humahatol.

Naroroon din sina Kapitan Tiago, Kapitan Basilio, at Lucas sa sabungan ng araw na iyon. Isang malaki at putting lasak ang dalang manok ng tauhan ni Kapitan Tiago samantalang isang bulik na manok naman ang dala ni Kapitan Basilio.

Nagkasundo ang dalawa na paglabanin ang mga dalang manok sa halagang tatlong daang piso. Lumalabas na liamado ang puti at dehado ang pula. Kung marami ang pumupusta, marami din naman ang nanonood lang dahil wala naman silang pera.

Kabilang ang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno sa mga nagmamasid lang. Lumapit ang dalawa kay Lucas upang makahiram ng pera na gagamitin sa pangtaya ngunit may kondisyon si Lucas.

Papahiramin ni Lucas ang dalawang magkapatid ng pera kung papayag ang mga itong sumama sa paglusob sa kwartel. Dagdag pa ni Lucas ay mas malaking pera ang makukuha nila kung makakapag-akay pa sila ng madami.

Dahil kakilala ng dalawa si Ibarra ay hindi ito agad napapayag ngunit dahil sa hindi nakatiis ang magkapatid ay pumayag na din ang mga ito.

Sinabi ni Lucas na bukas na dadating ang mga sandatang gagamitin sa pagsugod. Nagpatuloy sa panonood ng sabong ang lahat matapos ang pakikipagsunduan na naganap.

Talasalitaan:

  • Buwis – bahagi ng kinikita o bayad ng mga mamamayan na napupunta sa pamahalaan
  • Humahatol – nagdedesisyon
  • Lasak – kulay itim at puting manok
  • Bulik – batik batik na manok
  • Liamado – lamang
  • Dehado – lugi, talo
  • Nagmamasid – nanonood, nagtitingin tingin
  • Kwartel – tirahan ng mga sundalo
  • Makakapag-akay – makakapagsama

Noli Me Tangere Buod Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora

Habang abala ang iba sa sabungan, namamasyal naman ang mag-asawang Don Tiburcio at Donya Victorina sa kabayanan upang makita kung paano mag-ayos ng bahay at mag-alaga ng bukid ang mga Indio.

Nagagalit ang Donya sa tuwing hindi ito ginagalang ng mga makakasalubong. Inutusan niya ang asawa na paluin ng baston ang mga hindi magbibigay ng galang ngunit tumanggi naman si Don Tiburcio dahil ito ay may kapansanan.

Nang mapadaan ang mag-asawa sa bahay ng alperes ay nagtama ang mga mata nina Donya Victorina at Donya Consolacion na saktong nakadungaw sa kanilang bintana. Makikita ang matalim na titigan ng dalawa.

Mula sa bintana ay dumura si Donya Consolacion na mas lalong ikinainis ni Donya Victorina. Binitiwan ni Donya Victorina ang asawa na kamuntikan ng sumubsob sa kalsada at sinugod si Donya Consolacion.

Doon ay walang tigil na nag-alipustahan ang dalawa.

Talasalitaan:

  • Baston – tungkod
  • Alperes – opisyal ng militar
  • Matalim – matalas
  • Masubsob – madapa
  • Nag-alipustahan – nagbangayan, nagsagutan

Noli Me Tangere Buod Kabanata 48: Ang Palaisipan

Dumating si Ibarra sa tirahan ni Kapitan Tiago kinabukan upang dalawin si Maria Clara dala-dala ang balitang napawalang bisa na ang kanyang pagiging ekskumunikado at ang liham para sa kura paroko na nagpapatunay na muli siyang tinatanggap ng Simbahang Katoliko.

Tuwang-tuwa na nagsisigaw si Tiya Isabel habang tinatawag si Maria Clara. Tumingala si Ibarra sa balkonahe at napangiti nang makitang tumindig ang dalaga. Ngunit mabilis na binawi ang ngiti ng binata nang makitang may dala-dalang pumpon ng mga rosas ang dalaga.

Nang umakyat si Ibarra sa balkonahe ay nakita niya ang panauhin ni Maria Clara na si Linares. Tinignan ni Ibarra si Linares mula ulo hanggang paa. Dahil sa gulat at lungkot na naramdaman ng binata ay nagpaalam na din ito sa dalaga at sinabing dadalaw nalang sa ibang araw.

Umalis si Ibarrang mabigat ang loob at piniling puntahan ang pagtatayuan ng paaralan upang doon magpalipas ng sama ng loob. Naabutan niya don si Nol Juan na nag-uutos sa mga manggagawa. Ipinakita ni Nol Juan kay Ibarra ang mga natapos nang gawain.

Ipinaalam din ni Ibarra kay Nol Juan na wala nang bisa ang pagiging ekskomunikado nito. Maya-maya pa’y nakita ni Ibarra si Elias na paparating bitbit-bitbit ang mga sako ng simyento.

Inutusan ni Ibarra si Nol Juan na kuhanin ang listahan ng mga trabahador. Sinamantala naman ni Ibarra ang pag-alis ni Nol Juan at ito’y lumapit kay Elias.

Sinabi ni Elias kay Ibarra na magkita sila sa bangka nito sa may tabi ng lawa paglubog ng araw dahil may mahalaga itong sasabihin.

Dali-daling umalis si Elias nang pabalik na si Nol Juan. Paulit-ulit na binasa ni Ibarra ang listahan ng mga trabahador ngunit hindi niya nakita sa listahan si Elias.

Talasalitaan:

  • Ekskumonikado – bawal tanggapin ng simbahan habang nabubuhay
  • Liham – sulat
  • Kura paroko – mataas na pari
  • Balkonahe – bahagi ng bahay na nagsisilbing pahingahan
  • Tumindig – tumayo
  • Pumpon – tumpok

Noli Me Tangere Buod Kabanata 49: Ang Hinaing ng mga Inuusig

Papalubog na ang araw nang dumating si Ibarra sa tabi ng lawa. Doon ay nakita niya si Elias na nakasakay sa nakahintong bangka.

Nang makasakay na ang binata ay nagsimula nang sumagwan si Elias. Humingi ito ng paumanhin dahil sa gitna ng lawa lang sila mag-uusap dahil mas tahimik doon at paniguradong walang makakarinig sa kanilang pag-uusapan.

Ipinaliwang ni Elias ang dahilan ng kanilang pag-uusap. Aniya inutusan siyang magdala ng mga hinaing ng mga api. Ilan sa mga ito ay respeto sa dignidad ng tao, seguridad sa bawat isa, at pang-unawa ng militar sa pagbawi sa mga pribilehiyo.

Handa si Ibarra na sumuporta sa adhikain ng mga naaapi sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera at paghingi ng tulong mula sa mga kaibigan nito sa Madrid at pati sa Kapitan Heneral. Ngunit nababahala ito na sa halip makatulong ay baka mas lalo pang makasama ang kanilang balak.

Bagamat ramdam ni Ibarra ang matinding hinaing ni Elias ay hindi parin ito napapayag sa bandang huli. Sinabi nitong ibabalita nalang niya sa mga api na hindi pumayag ang binata sa halip ay umasa nalang sa Diyos.

Talasalitaan:

  • Hinaing – reklamo, hinanakit
  • Api – inaaway
  • Pribilehiyo – espesyal na karapatan, bentahe, o kung ano pang importanteng bagay na nakukuha lamang ng illan at hindi lahat ng tao
  • Adhikain – layunin

Noli Me Tangere Buod Kabanata 50: Mga Kamag-anak ni Elias

Animnapung taon na ang nakalipas nang mamasukan ang lolo ni Elias bilang tagasuri sa opisina ng isang mangangalakal na Kastila. Nang masunog ang nasabing tanggapan ay inihabla ito nang may-ari.

Dahil sa walang kakayanang kumuha ng magaling na abogado ay masaklap na parusa ang pinataw dito. Itinali ito sa kabayo at kinaladkad hanggang sa maging duguan ang buong katawan. Walang ibang naglakas tumulong dito kundi ang luhaang asawa lamang.

Napilitang manlimos ang kanyang lola para may pambili ng gamot ng asawa at para may ipakain sa nag-iisang anak na lalaki.

Sa kagustuhang lumayo sa lipunang nagbibigay ng lungkot sa kanila ay namundok sila. Ngunit dahil sa pagod at kalungkutan ay nakunan ang noo’y nagdadalang-tao na lola niya. Dahil sa patong-patong na problema ay nagbigti naman ang lolo niya.

Nabulok ang bangkay ng lolo ni Elias at nasakdal naman ang lola sa salang kapabayaan. Kung sinu-sinong lalaki din ang kinasama nito. Makalipas ang ilang buwan ay muling nabuksan ang kaso ng lola ni Elias.

Sa takot na makulong ay itinakbo niya ang dalawang anak na lalaki sa kalapit na lalawigan. Pinalaki niya ang dalawang magkapatid. Naging bandido ang nakakatandang anak na tinawag na Balat habang ang isa naman ay nangako sa sariling aalagaan ang ina.

Patuloy na namuhay ang lola ni Elias at ang nakakabatang anak nito sa gubat. Sa kasamaang palad ay nahuli ng gwardiya sibil si Balat. Patung-patong na krimen ang nagawa nito kung kaya’t masaklap na paghuhusga ang ginawa sa kanya.

Isang umaga ay nakita nalang ng mga tao ang bangkay ng lola nito. Natagpuan ito sa ilalim ng puno ng bulak. Ikinagulat naman ng bunsong anak nang makita ang duguang ulo ng kapatid na nakasabit sa sanga ng puno.

Matapos maipalibing ng bunsong anak ang bangkay ng kapatid at ina ay nagpakalayu-layo ito. Maraming narating hanggang sa mapilitang maglingkod sa mayamang mangangalakal na may malaking kapital sa lalawigan ng Tayabas.

Paglaon ay unti-unting nakaipon ng salapi at napaunlad ang sarili. Nakakilala siya ng isang dalaga na may mahigpit na magulang. Nang minsang may mangyari sa kanila ay nangako naman na ito’y papanindigan.

Ngunit imbes na makasal ay pinakulong ito ng magulang ng babae. Nagkaroon ng bunga ang pagmamahalan ng dalawa. Nanganak ang babae ng kambal, isang babae at isang lalaki. ito ay si Elias at Concordia.

Lumaki ang kambal na ang alam nila ay patay na ang kanilang ama. Musmos palang ay namatay naman ang kanilang ina.

Nag-aral si Elias sa mga Heswitas dahil may kaya naman ang lolo nito. Ngunit agad naman itong umuwi kasama ang kambal niya nang mamatay ang lolo upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan.

Si Concordia naman ay nakatakdang ikasal ngunit ito ay hindi natuloy dahil sa nalaman ang nakaraan nito. Nalungkot si Concordia sa balitang ikinasal na sa iba ang kanyang kasintahan. Nawala nalang ito ng bigla isang araw.

Pagkatapos ng anim na buwan ay may nabalitaan si Elias na may natagpuang bangkay ng isang babae na may tarak sa dibdib. Ito nga ang kapatid niyang si Concordia.

Magmula noon ay nagsimulang gumala-gala si Elias sa iba’t-ibang lugar dahil sa mga bintang na hindi naman niya ginawa.

Talasalitaan:

  • Tagasuri – tagatingin
  • Ipinataw – ipinatong
  • Nasakdal – suspek
  • Bandido – tulisan, may nalabag na batas
  • Masaklap – hindi kanais-nais
  • Paglaon – lumipas
  • Musmos – bata

Noli Me Tangere Buod Kabanata 51: Ang Pagbabago

Nakatanggap ng liham si Linares mula kay Donya Victorina. Nabalisa ito sa babalang kailangan niyang maipapatay ang alperes.

Mas lalo pa nitong ikinabalisa ang pananakot ni Donya Victorina na kung hindi niya malalampaso ang alperes ay sasabihin nito kay Kapitan Tiago at Maria Clara ang sikretong hindi siya sekretaryo ng Madrid.

Habang iniisip ni Linares ang nabasang liham ay pumasok sa sala si Padre Salvi. Kinamusta nito si Linares at biglang pasok naman ni Kapitan Tiago.

Masayang ibinalita ni Padre Salvi na napawalang bisa na ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra. Dagdag pa ni Padre Salvi, si Padre Damaso nalang ang sagabal ngunit kung kakausapin ni Maria Clara ang pari ay hindi na ito makakatanggi.

Ilang sandali pa ay dumating si Ibarra habang nag-uusap sina Padre Salvi at Kapitan Tiago. Ipinakita ni Padre Salvi ang pagkagalak kay Ibarra. Tumabi naman ang binata kay Sinang. Doon ay nagtanong si Ibarra kung galit ba sa kanya si Maria Clara.

Ayon kay Sinang, lagi daw sinasabi ni Maria Clara na limutin nalang daw siya ng binata. Nakiusap si Ibarra kay Sinang na makipagkita sa kanya ang dalaga. Nangako naman si Sinang na tutulong siya upang magkita ang dalawa.

Talasalitaan:

  • Liham – sulat
  • Nabalisa – hindi mapakali, natatakot
  • Alperes – opisyal ng militar
  • Malalampaso – matatalo
  • Ekskumonikado – bawal tanggapin ng simbahan habang nabubuhay
  • Sagabal – hadlang

Noli Me Tangere Buod Kabanata 52: Ang mga Anino

Sa madilim na sementeryo ay maaaninag ang tatlong aninong nagbubulungan.

Tinanong ng isang anino kung nakausap ba nito si Elias. Tugon naman ng isang anino ay hindi pa pero tiyak niya na kasama nila si Elias dahil minsan na itong nailigtas ni Ibarra. Dagdag pa ng isang anino na tinulungan ni Ibarra ang asawa nito na maipagamot sa Maynila.

Sila din daw ang sasalakay sa kwartel upang ipamukha sa mga gwardiya sibil na sila ang mga anak na handang maghiganti para sa mga ama nila. Napag-usapan din ng mga anino na aabot sa dalawampung katao na ang tauhan ni Ibarra.

Sandaling tumahimik ang mga anino nang may narinig na paparating. Dalawang anino ang magkasunod na dumating sa sementeryo. Ang unang anino ay walang iba kundi si Lucas. Hinanap ni Lucas ang dalawang magkapatid na nangakong makikipagkita doon.

Ayon kay Lucas ay may sumusunod sa kanya kaya kinakailangan maghiwa-hiwalay at magtago ang mga aninong nandoon. Nagtago si Lucas sa likod ng pintuan ng sementeryo at nagmatyag kung sino ang sumusunod sa kanya.

Bumuhos ang malakas na ulan at nagtatakbong sumilong si Elias sa likod ng pinto ng sementeryo na may bubong na yero. Doon ay natagpuan niya ang unang sumilong. Napagkasunduan ng dalawa anino na magsugal at kung sinuman ang matalo ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay.

Tumungo ang dalawa sa loob ng libingan at pumuwesto sa itaas ng puntod. Doon sila umupo ng magkaharapan at nagsimulang magsugal. Ang dalawang anino ay si Elias at Lucas. Sa huli ay natalo si Elias sa sugal nilang dalawa.

Talasalitaan:

  • Maaaninag – makikita
  • Tugon – sagot
  • Kwartel – tirahan ng mga sundalo
  • Nagmatyag – nagtingin tingin

Noli Me Tangere Buod Kabanata 53: Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga

Kinabukasan ay kalat na sa komunidad ang balitang may nakitang maraming ilaw sa libingan. Nagpapatunay ang puno ng Tersyaryo ni San Francisco na nakasindi ang iba’t-ibang hugis at laki na kandila.

Ngunit ang mas mahalaga ay may nakitang ilaw na hindi lalampas sa dalawampu. Ang bahay ni Hermana Sapa ay malayo sa sementeryo ngunit di naman siya magpapadaig kaya ipinagdiinan niyang may narinig siyang mga daing ng mga kaluluwa.

Si Hermana Rufa naman ay walang narinig at wala ding nakita ngunit ayon sa kanyang salaysay ay nakita niya sa panaginip ang kaluluwa ng mga namatay kasama ang mga buhay na humihingi ng mga indulhensiyang nakalista sa pangalan niya.

Habang abala sa pagkukwentuhan ang lahat ay may isang inosenteng bata ang nakapagsabi na isang ilaw lang ng kandila at dalawang lalaking nakasumbrero ang nakita niya sa sementeryo noong gabi.

Marami ang nagalit sa bata dahil sa ito raw ay nagmamagaling. Dahil sa hiya ay umalis nalang ang bata hila-hila ang ipinapastol na kalabaw.

Nang umaga ring iyon ay nagsermon ang kura tungkol sa kahalagahan ng pagdarasal. Sa araw ding iyon dumalaw si Don Filipo kay Pilosopo Tasyo na nakakaramdam na bilang nalang ang mga araw niya.

Binalita ni Don Filipo kay Pilosopo Tasyo na tinanggap na ng alkalde ang kanyang pagbitiw sa tungkulin. Ngunit para kay Pilosopo Tasyo ay hindi nararapat ang pagbitiw ni Don Filipo. Dagdag pa nito na iba na ang bayan makalipas ang dalawampung taon.

Nagkakaroon na ng bunga ang kabataan na nagsipunta sa Europa ganun din ang mga Europeo na nagsipunta sa Pilipinas. Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa.

Nagtanong si Don Filipo kung nangangailangan ba ng gamot si Pilosopo Tasyo. Ani Pilosopo Tasyo hindi na niya kailangan ng gamot sapagkat siya’y malapit nang mamatay. Sa halip ay ibigay nalang iyon sa mga maiiwan.

Ibinilin ni Pilosopo Tasyo kay Don Filipo na sabihan si Ibarra na makipagkita sa kanya bago ito mamatay.

Talasalitaan:

  • Salaysay – pagpapahayag
  • Indulhensiya – kinokolektang pera ng mga pari
  • Pinapastol – pag-aalaga
  • Nagsermon – nagpangaral
  • Kura – pari

Noli Me Tangere Buod Kabanata 54: Walang Lihim ang Hindi Nabubunyag

Madaling nagtungo si Padre Salvi sa bahay ng alperes. Nang makarating sa bahay ay daredaretso itong pumanhik at malakas na tinatawag ang alperes.

Lumabas naman ang alperes kasama ang asawang si Donya Consolacion. Hindi pa man nakakapagsalita si Padre Salvi ay tumambad na agad ang reklamo ng alperes dahil sa mga alaga nitong kambing na sumisira sa kaniyang bakod.

Ngunit sinabi naman ng pari na hindi siya pumunta doon para sa kambing. Nagbigay ito ng babala dahil may mangyayaring pag-aalsa na maaaring ikapahamak ng madami sa gabing iyon. Ang planong ito ay nalaman ng pari nang mayroong isang babae ang nagkumpisal sa kanya.

Nagkaisa ang pari at ang alperes na paghandaan ang nalalapit na paglusob. Humingi ng apat na gwardiya sibil ang pari upang magbantay sa kumbento. Nang mga oras ding iyon ay nagmamadaling pumunta si Elias kay Ibarra.

Sinabihan ito na magmadaling umalis ng kanyang bahay dahil kalat na ang balitang may sasalakay sa kwartel at may isang nagsabi na binayaran ito ni Ibarra kapalit ng pagsali niya sa paglusob.

Pinatulong ni Ibarra si Elias na pagsama-samahin ang mahahalagang dokumento at nakita nito ang nakapirmang Don Pedro Eibarramendia.

Tinanong ni Elias kung kaanu-ano ni Ibarra ito. Laking gulat naman ni Elias nang malamang lolo ni Ibarra si Eibarramendia.

Si Pedro Eibarramendia ang lumikha ng matinding kasawian ng kanilang buhay. Tumindig si Elias sa harap ni Ibarra at saka mabilis na bumaba si Elias.

Talasalitaan:

  • Alperes – opisyal ng militar
  • Pumanhik – pumunta, sumampa
  • Tumambad – bumulaga, bumalandra
  • Pag-aalsa – paghihimagsik o pagtiwalag
  • Nagkumpisal – pagpapatotoo, nagpahayag
  • Paglusob – pagsugod
  • Kumbento – simbahan
  • Kwartel – tirahan ng mga sundalo
  • Kasawian – kamatayan

Noli Me Tangere Buod Kabanata 55: Ang Pagkakagulo

Sama-samang naghahapunan sina Kapitan Tiago, Tiya Isabel, at Linares. Niyaya naman ni Maria Clara si Sinang sa harap ng pyano. Hindi mapakali si Maria Clara sa paghihintay sa pagdating ni Ibarra.

Nang sumapit ang ikawalo ng gabi, narinig na tunog na batingaw ng simbahan. Nagtayuan ang lahat sa sala at nagsimula nang magdasal sa pangunguna ni Padre Salvi. Hindi pa man natatapos ang pagdadasal ay bumukas na ang pinto at siyang pasok ni Ibarra.

Tinangka pang lapitan ni Maria Clara si Ibarra ngunit biglang nakarinig ang lahat ng malalakas na putok sa labas ng bahay.

Nagtago si Padre Salvi sa likod ng haligi ng bahay. Walang tigil sa pagdadasal si Tiya Isabel habang magkayakap sina Sinang at Maria. Nanatili namang kalmado si Ibarra sa kabila ng takot nito.

Rinig din ang sunod-sunod na kalabog mula sa mga yapak ng mga paa. Nang matapos ang putukan ay pinababa ng alperes si Padre Salvi. Ang akala ng lahat ay humihingi ito ng tulong matapos masawi sa putukan.

Madaling pinapasok ni Tiya Isabel si Maria Clara at Sinang sa kwarto. Hindi na din nakapag-usap sina Ibarra at Maria Clara dahil mabilis na itong umalis.

Nang makarating sa bahay, agad na inutos ni Ibarra sa kanyang tauhan na ihanda ang kabayong sasakyan nito. Kinuha niya ang lahat ng salapi at alahas at sinilid ito sa isang sako at isinuksok sa gabinete. Binitbit din niya ang larawan ni Maria Clara. Nagdala din siya ng dalawang rebolber at isang panaksak.

Paalis na siya nang may narinig na sunud-sunod na katok sa kanyang pinto. Pagbukas ay nakita niya ang tatlong gwardiya sibil na naparoon upang arestuhin siya. Di man alam ang rason sa pagkadakip ay sumama parin ng matiwasay si Ibarra.

Samantala, gulong-gulo pa din ang isip ni Elias nang malaman na lolo ni Ibarra ang pinagmulan ng pagdurusa ng kanyang angkan. Pumunta ito sa bahay ni Ibarra ngunit nalaman na kinuha sya ng gwardiya sibil.

Nagkunwari ito na umalis pero ang totoo ay umakyat ito sa bintana ng bahay kung saan niya natagpuan ang mga salapi at alahas ni Ibarra kasama ang iba pang mga dokumento. Nakita rin niya doon ang larawan ni Maria Clara maging ang rebolber at panaksak.

Isinilid ni Elias lahat ng gamit sa sako. Nang paalis na ay may parating na gwardiya sibil kaya madali nitong kinuha ang gasera at winisikan ang mga gamit ng gas. Mabilis na tumalon si Elias sa bintana at nagsimulang magliyab ang bahay ni Ibarra.

Nagpupumilit pumasok ang mga gwardiya sibil ngunit di naman pumapayag ang mga katiwala hanggang walang sinasabi ang among si Ibarra.

Natinag naman ang mga katiwala nang makitang may dalang mga baril ang mga gwardiya sibil. Mabilis na pumanhik ang mga gwardiya ngunit wala silang natagpuan sa itaas kundi ang makapal na usok hatid ng sunog. Patakbo silang nagbabaan nang makita ang dingding na tinutupok na ng apoy.

Talasalitaan:

  • Sumapit – dumating
  • Batingaw – tunog na gawa ng kampana
  • Haligi – poste, tukod, o patayong semento na nagsisilbing tukod sa isang estruktura
  • Kalmado – mahinahon, relax
  • Kalabog – malakas na tunog
  • Alperes – opisyal ng militar
  • Rebolber – maliit na klase ng baril
  • Pagdurusa – paghihinagpis
  • Pumanhik – pumunta, umakyat

Noli Me Tangere Buod Kabanata 56: Mga Sabi-sabi at Pala-palagay

Kinaumagahan ay kita pa rin sa bayan ng San Diego ang takot. Tahimik ang buong paligod dahil walang makikitang palakad-lakad sa daanan.

Isang batang lalaki ang naglakas ng loob na magbukas ng bintana. Nang makita ng lahat ang katapangan ng bata ay sabay-sabay nagbukas ng kani-kanilang bintana ang magkakapit-bahay.

Ang kaninang tahimik na kapaligiran ay nagmistulang palengke sa ingay. May mga nagsasabi na grupo daw ni Kapitan Pablo ang mga lumusob.

May ilan namang nagsabi na nagkaengkwentro raw at nagbarilan ang mga pulis at ang mga konstabularyo na siyang naging rason kung bakit dinakip ang Bise Alkalde. May mga kwento pang nagkarambulan daw si Padre Salvi at ang alperes.

May kumakalat ding balita na Intsik ang lumusob. Nagtangka umano si Ibarra na itanan si Maria Clara kaya pinigilan ni Kapitan Tiago ang pagtatanan sa tulong ng mga gwardiya sibil.

Samantala, isang lalaki ang nakausap ni Hermana Pute. Ayon dito, nagtapat si Bruno at nagpatunay sa bali-balita tungkol kina Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Bukod dito, may balita pa galing sa isang babae na nakita daw nito si Lucas na nakabitin sa ilalim ng puno ng santol.

Talasalitaan:

  • Lumusob – sumugod
  • Nagkaengkwentro – makasagupa
  • Dinakip – kinuha, inaresto
  • Bise alkalde – Bise mayor
  • Nagkarambulan – nagkagulo
  • Alperes – opisyal ng militar

Noli Me Tangere Buod Kabanata 57: Vae Victis o Ang mga Talunan

Nakabantay ang mga gwardiya sibil sa harap ng tribunal. Nagbabanta na papaluin ang mga bata ng baril kung sisilip ang mga ito sa rehas.

Malungkot ang paligid ng tribunal. Malayo sa tribunal na pinagdausan ng miting nung nagplano para sa kapistahan.

Naroon ang mga konstabularyo at mga pulis na pabulong kung mag-usap. Nasa tribunal din ang sekretaryo ng munisipyo, ang alperes at ang asawa nito, at dalawang klerk.

Ika-siyam na ng dumating si Padre Salvi. Sunod na dumating ang isang batang babae na umiiyak at may dugo sa salawal. Hinarap ni Padre Salvi ang dalawang natitirang buhay sa mga binihag ng mga gwardiya sibil.

Itinanong kay Tarsilo Alasigan kung may kinalaman ba si Ibarra sa naganap na paglusob. Iginiit nito na walang kinalaman ang binata sa halip ay gusto lang nilang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay ng mga gwardiya sibil.

Dinala si Tarsilio sa limang bangkay kung saan ay nakita niya ang kapatid na si Bruno na puno ng saksak, ang asawa ni Sisa na si Pedro, at si Lucas na noo’y may tali pa ng lubid sa leeg.

Nanatiling tahimik si Tarsilio sa lahat ng tanong sa kanya kaya’t pinagpapalo ito hanggang sa magdugo ang buong katawan. Sa labas ay nakita ng kura ang kapatid na babae nila Tarsilio at Bruno.

Binulungan ni Donya Consolacion ang asawa na ipagpatuloy ang pagpapahirap kay Tarsilio ngunit hiniling nito na madaliin nalang ang kanyang kamatayan. Wala paring makuhang impormasyon mula kay Tarsilio kaya ito’y inilublob sa balon hanggang sa umagos ang dugo nito sa ilong at tuluyan nang binawian ng buhay.

Sunod namang binalingan ang isa pang bilanggo na si Andong sintu-sinto na tawag ng karamihan. Tinanong ng nag-uusig kung bakit siya nasa ilalim ng puno ng saging sa tabi ng kwartel. Aniya ang biyenan niya ang may kasalanan dahil pinapakain ito ng bulok na pagkain.

Nagkataong sumakit ang tiyan niya at tumakbo sa ilalim ng puno ng saging sa tabi ng kwartel at doon ay nagbawas. Doon siya pumunta dahil madilim ang lugar na iyon at tiyak ay walang makakakita sa kanya.

Nagulat nalang siya nang biglang may nagputukan at natakot nang biglang may humuli sa kanya. Ipinag-utos ng alperes na ibalik si Andong sa kapitolyo at doon ay ibilanggo.

Talasalitaan:

  • Tribunal – taga husga
  • Rehas – kulungan
  • Alperes – mayor
  • Salawal – pambabang kasuotan
  • Paglusob – pagsugod
  • Kura – pari
  • Inilublob – inilubog
  • Binalingan – binigyan ng atensyon
  • Kwartel – tirahan ng mga sundalo
  • Ibilanggo – ikulong

Noli Me Tangere Buod Kabanata 58: Ang Sinumpa

Nagkalat ang balitang dadalhin na sa kapitolyo ang mga bilanggo. Takot at hindi alam ang gagawin ng mga kamag-anak ng mga bilanggo.

Nagkukulong sa kwarto ang kura at bilin nitong sabihin sa mga maghahanap sa kanya na may sakit siya. Inutos naman ng alperes na dagdagan pa ang nagbabantay sa kwartel.

Kahit tirik ang araw ay marami pa din ang nakikiusyoso sa gagawin sa mga bilanggo. Nandoon din si Doray na asawa ni Don Filipo dala-dala ang kanilang sanggol. Si Kapitana Tinay ay aligagang hinahanap ang nag-iisang anak na si Antonio. Pilit namang umaakyat si Kapitana Maria sa pader upang masilip ang kambal na anak. Nandoon din ang byenan ni Andong na walang tigil sa kakasigaw na walang karapatang hulihin si Andong sa salang pag-upo sa ilalim ng puno ng saging.

May nagsabi na si Ibarra dapat ang sisihin na sinang-ayunan naman ng ilan-ilan. Alas-dos na nang may humintong kariton dala-dala ng dalawang baka. Tangkang sisirain ng mga kamag-anak ng bilanggo ang kariton ngunit pinigilan ito ni Kapitana Maria dahil tiyak ay papalakarin ang mga kamag-anak nila.

Maya-maya pa’y isa-isang lumabas ang mga bilanggo. Sunud-sunod na lumabas sina Don Filipo, Antonio, kambal na anak ni Kapitana Maria, at sabay na lumabas si Andong at Albina na kasintahan ni Victoria.

Huling lumabas si Crisostomo Ibarra na bagamat walang gapos ay napapagitnaan naman ng dalawang gwardiya. Marami ang nagalit dahil kung sino pa daw ang nanguna sa paglusob ay siya pang walang gapos.

Napayuko si Ibarra at ipinagpilitan niyang lagyan din siya ng gapos. Dinamayan ng kanya-kanyang kamag-anak ang mga bilanggo tanging si Ibarra lang ang hindi dinamayan ninuman.

Ang kalungkutan ng lahat at nauwi sa pagkamuhi kay Ibarra. Kung anu-ano ang masasamang bagay na sinabi sa kaniya ngunit nananatili lang itong nakayuko at buong kapagpakumbabaang tinanggap ang lahat ng pang-aalipusta.

Mula sa isang talampas ay nagmamasid ang pagal na pagal na si Pilosopo Tasyo. Nakabalot ang katawan nito sa makapal na kumot. Ikinaway ni Tasyo ang nanginginig nitong kamay kay Ibarra hanggang mawala na sa paningin nito ang kariton.

Nagbalik si Pilosopo Tasyo sa kaniyang tahanan na pagod na pagod. Kinabukasan ay natagpuan nalang ang malamig na bangkay ni Pilosopo Tasyo sa harap ng pintuan ng kanyang bahay.

Talasalitaan:

  • Kura – pari
  • Alperes – opisyal ng militar
  • Kwartel – tirahan ng mga sundalo
  • Aligaga – natataranta
  • Paglusob – pagsugod
  • Pagkamuhi – pagkainis, paglasuklam
  • Pang-aalipusta – panlalait
  • Nagmamasid-masid – tumitingin tingin
  • Pagal na pagal – pagod na pagod

Noli Me Tangere Buod Kabanata 59: Pagmamahal sa Bayan

Nailatha sa pahayagan ng Maynila ang lahat ng nangyari. Nagkaroon ng iba’t-ibang kahulugan ang mga balitang ito.

Ang magandang balita tungkol kay Padre Salvi at sa alperes ay pabor sa militar at sa simbahan. Samantalang ang balita na patungkol sa bilanggo ay laban lahat kay Ibarra.

Palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga panayam ang mga tao sa probinsya sa mga tauhan ng kumbento. Magkakaiba ang usapan dito.

Sa isang kumbento ay ipinagbunyi ang papel na ginampanan ng mga pari sa kapayapaan ng bansa katulad ng ginawa ni Padre Salvi.

Sa isang kumbento naman ay paksa ang mga nag-aaral sa Ateneo. Nagiging pilibustero daw ang mga hinuhubog ng mga paring Heswita.

Sa bahay naman ni Kapitan Tinong na noo’y laging bukas kay Crisostomo Ibarra ay nakarating na din ang balitang hinuli ng gwardiya sibil ang binata. Wala namang tigil sa paninisi ang kanyang asawa na si Kapitana Tinchang.

Ani Kapitan Tinong ang asawa pa nga niya ang nagsasabi na imbitahan si Ibarra dahil kung mayaman si Kapitan Tiago ay higit namang mas mayaman si Ibarra. Pinangangambahan ni Kapitana Tinchang na baka makulong din ang kanyang asawa dahil sa pakikipag-usap nito sa binata.

Dagdag pa ng Kapitana na kung lalaki lang siya ay pupuntahan niya ang Kapitan Heneral at hahamunin niya ang mga lumusob sa kumbento at kwartel.

Dumating ang kanilang pinsan na si Don Primitivo habang nag-uusap ang mag-asawa. Mabuti nalang at dumating ang Don dahil ito ay eksperto sa pagsasalita ng Latin. Hiningan ng payo ni Kapitana Tinchang si Don Primitivo dahil ito ay magaling mangatwiran.

Isinalaysay nito sa Don ang pagkabahala dahil minsan nang pinatuloy sa bahay si Ibarra. Ayon sa payo ng Don ay gumawa na daw ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay ang kapitan dahil sa narinig.

Muli din itong nagising ng buhusan ng Don ng isang basong tubig. Nagpayo na ulit si Don Primitivo sa kung ano ang dapat na gawin. Pinuyuhan ng Don si Tinachang na pumunta sa Kapitan Heneral at regaluhan ito ng gintong singsing o gintong kwintas.

Bilin din nitong isara ang lahat ng bintana at pinto at sabihin na may sakit si Kapitan Tinong sa lahat ng maghahanap dito. Ipinapasunog din ng Don ang lahat ng papeles, sulat, at babasahin upang wala nang magamit na panlaban kay Kapitan Tinong.

Nang gabi ring iyon ay nagkaroon ng pagtitipon na dinaluhan ng maraming purong Espanyol at mestiso. Si Crisostomo Ibarra ang paksa ng kanilang usapan. May ilang nagsasabi na ang pinapatayong paaralan ni Ibarra ay di para sa mga bata kundi para gawing kuta na magagamit sa pansariling kapakanan.

Naisingit din sa usapan ang pagbibigay ng regalo ni Kapitan Tinchang sa Kapitan Heneral. Anila ay kuripot daw ang kapitana dahil sa kabila ng pagiging mayaman ay singsing lang na nagkakahalaga ng isang libong piso ang binigay dito.

Nang gabi ding iyon nagpadala ng sulat ang Kapitan Heneral na nagpapahatid ng imbitasyon sa ilang naninirahan sa Tondo at kalapit na komunidad.

Maaaring ito na ang imbitasyon sa kamatayan. Kabilang dito si kapitan Tinong na nangatog ang tuhod nang sundin siya ng mga gwardiya sibil sa kanilang bahay.

Talasalitaan:

  • Nailathala – naisapubliko, naibalita
  • Panayam – pakikipagusap
  • Kumbento – simbahan
  • Ipinagbunyi – pinagdiwang
  • Pilibustero – suwail
  • Hinuhubog – hinahasa, pinapagaling
  • Nangatog – nanginig

Noli Me Tangere Buod Kabanata 60: Ang Kasal ni Maria Clara

Umuwi si Kapitan Tinong na namamaga ang mukha at may latay sa ilang bahagi ng katawan. Nagkulong ito sa kanilang bahay sa takot na baka paimbestigahan na naman siya.

Ayon kay Don Primitivo ay dapat magpasalamat si Kapitan Tinong dahil sinunog nito ang mga papeles kung kaya’t ginulpi lang ito at hindi pinatay.

Masaya din naman si Kapitan Tiago dahil hindi ito naanyayahan upang imbestigahan. Dapat daw siyang magpasalamat sa kaniyang mamanugangin na si Linares dahil ito ay malapit sa Punong Ministro.

Pinag-usapan ni Kapitan Tiago at Donya Victorina ang pagpapakasal ni Maria Clara at Linares habang nasa silid ang dalaga. Habang nagpaplano ay puro si Donya Victorina lang ang nagsasalita at tangu-tango lang si Kapitan Tiago.

Matapos ihatid ni Tiago ang mga panauhin ay mabilis itong pumanhik at agad na tinawag si Tiya Isabel upang ipamalita ang nalalapit na pag-iisang dibdib nila Maria Clara at Linares.

Knabukasan ay maraming dumalo sa selebrasyon. Nandoon ang mga tinitingalang Espanyol at Intsik. Naroroon din sina Padre Salvi, Tinyente Guevarra, at Donya Victorina kasama ang asawa.

Si Linares naman ay nagpahuli dahil naniniwala siyang ang pinakasikat ang nahuhuling dumating sa mga pagtitipon. Hindi naman matanggap ng mga kababaihan ang pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares. Dinig ng dalaga ang usap-usapan ng mga kababaihan na kayamanan lang ni Linares ang dahilan kung bakit ito magpapakasal.

Napansin naman ng alperes ang tahimik na si Padre Salvi. Nabalitaan nito na aalis na si Padre Salvi dahil ito ay ililipat na sa Maynila. Sinabi ni Tinyente Guevarra na hindi aabot sa pagkabitay ang ipaparusa kay Ibarra bagkus ay ipapatapon lang.

Habang abala ang lahat, nagtungo naman si Maria Clara sa asotea. Natanaw niya ang isang bangka malapit sa kanilang bahay. Ang bangka ay makikitaan ng mga damo na parang galing pa mula sa pagtakas.

Sakay ng bangka sina Elias at Ibarra. Saglit na dumaan si Ibarra sa bahay ng dalaga upang ibigay ang kalayaan ng dalaga. Ipinahayag din ni Ibarra ang kanyang nararamdaman para sa dalaga.

Ipinagtapat naman ng dalaga ang dahilan kung bakit siya magpapakasal kay Linares. Ayon sa kanya, hindi siya magpapakasal kay Linares dahil sa mahal niya ito. Napilitan lamang siya dahil sa kasaysayang pinanggalingan ng dalaga.

Hindi si Kapitan Tiago ang ama ni Maria Clara kundi si Padre Damaso. Hindi pumapayag si Padre Damaso na maikasal kay Maria Clara dahil galit ito kay Ibarra.

Talasalitaan:

  • Naanyayahan – pinapapunta
  • Pumanhik – pumunta, umakyat
  • Ipamalita – ipakalat
  • Tinitingala – hinahangaan
  • Natanaw – nakita
  • Ipinagtapat – sinabi

Noli Me Tangere Buod Kabanata 61: Ang Habulan sa Lawa

Plano ni Elias na itago si Ibarra sa bahay ng kaibigan niya sa Mandaluyong.

Huhukayin niya ang mga salapi at alahas na itinago niya sa puno ng balite na nasa libingan ng mga nito upang may magamit papunta sa ibang bansa. Doon ay mamumuhay siya ng tahimik.

Nang mapadaan sa ilalim ng tulay ay may narinig silang mga tunog ng takbo ng kabayo. Umiikot na ang mga gwardiya sibil upang hanapin si Ibarra.

Inalok ni Ibarra na sumama si Elias dahil pareho naman silang ng kinahantungan. Ngunit hindi naman pumayag si Elias. Malapit na sila sa palasyo ng Kapitan Heneral at kitang nagkakagulo na ang mga gwardiya sibil.

Paikot-ikot ang mga gwardiya sa paligid dahil tiyak na alam na ng mga ito ang gagawing pagtakas ni Ibarra. Tinakpan ni Elias si Ibarra ng mga damo upang hindi ito makita. Tinanong si Elias ng isang bantay kung saan ito nanggaling.

Galing siya sa Maynila at magrarasyon siya ng damo para sa alagang kabayo ng konsehal at kura ang tugon niya. Naniwala naman ang bantay kaya pinalagpas nito si Elias. Ibinilin ng bantay na huwag magpapasakay kung mayroon mang humingi ng tulong dahil may isang bilanggo ang nakatakas.

Muling lumabas si Ibarra ng makalayo na sa paningin ng bantay. Patungo sila sa Ilog Beata. Doon ay ibinaba ni Elias ang mga sakay na damo at nagputol naman ng mga kawayan. Sinakay rin nila sa bangka ang mga bayong na nagkalat.

Nang dumaan sa Malapad na Bato ay sinipat-sipat sila ng gwardiya. Sinabi niya na ibebenta niya sa mga Intsik ang mga kawayan at bayong na nasa bangka. Agad namang naniwala ang bantay at pinalagpas ulit si Elias.

Nakahinga nang maluwag ang dalawa dahil malayo na sila sa gwardiya ngunit meron silang napansin na lantsang paparating na parang sumusunod sa kanila. Iyon ang mga konstabularyo na mukhang ikinakasa ang kanilang mga riple at nakaasinta sa kanila.

Naghubad ng damit si Elias at biglang talon sa tubig. Balak niyang iligaw ang mga sumusunod sa kanila. Sa tuwing inilalabas ni Elias ang ulo ay nakakarinig si Ibarra ng mga putok ng baril. Habang nililito ni Elias ang mga gwardiya payapa namang inaanod ang bangkang hinihigaan ni Ibarra.

Nagpatuloy sa pagsisid at paglangoy si Elias. Makikita na ang pagod sa mukha nito. Malapit nang makarating si Elias sa pampang nang inasinta siya ng sarhento ng konstabularyo.

Maya-maya pa’y may nakitang dugo ang gwardiya ngunit wala namang nakitang bangkay.

Talasalitaan:

  • Kinahantungan – kinalabasan, kinasapitan
  • Sinisipat-sipat – tinatantsa
  • Lantsa – bangka
  • Nalilito – naguguluhan
  • Inasinta – pinatamaan
  • Sarhento – tagapamayapa, pulis sa parlamento

Noli Me Tangere Buod Kabanata 62: Ang Paliwanag ni Padre Damaso

Kinaumagahan ay kita pa din ang lungkot kay Maria Clara. Kahit ang mga regalong natanggap niya sa selebrasyon ay hindi niya pinapansin.

Ilang sandali pa’y dumating si Padre Damaso. Hiniling ni Maria Clara sa pari na ipahinto ang pagpapakasal nito kay Linares.

Plano sana ni Maria Clara na hanapin si Crisostomo Ibarra pagkatapos nito magpakasal kay Linares. Pero dahil patay na si Ibarra mas gugustuhin nalang ng dalaga na pumasok sa kumbento o kaya ay magpakamatay kaysa magpakasal sa lalaking di naman niya mahal.

Alam ni Padre Damaso na buo na ang loob ni Maria Clara na pumasok sa kumbento at wala na itong magagawa. Mas pipiliin pa niyang magmadre si Maria Clara kaysa sa magpakamatay kaya pumayag na din ito sa kagustuhan ng dalaga.

Pumunta si Padre Damaso sa asotea na umiiyak, tumingala ito sa langit at bumulong. Hiniling niya sa Diyos na wag idamay sa pagpaparusa ang kaniyang anak.

Talasalitaan:

  • Selebrasyon – pagdiriwang
  • Kumbento – simbahan
  • Asotea – balkonahe

Noli Me Tangere Buod Kabanata 63: Noche Buena

Sa isang dampang nakatayo sa tabi ng bukal sa paanan ng bundok, ay may isang matandang lalaki na gumagawa ng walis tingting.

Doon ay kasama ring naninirahan ang isang batang babae at isang batang lalaki. Naglalaro ang mga apo nito sa tabi ni Basilio na noon ay may sakit.

Inutusan ng lolo na ipagbenta ni Basilio ang mga nagawa nitong walis tingting at ibili ito ng tsinelas para sa Noche Buena mamaya. Wala namang ibang gusto si Basilio kundi ang madalaw ang nanay at kapatid. Gusto nang bumalik agad ni Basilio sa kanyang nanay dahil baka nag-aalala na ito.

Sa kabila ng kapaguran, nagpatuloy si Basilio sa paglalakd hanggang sa makarating sa kanilang dampa. Wala doon ang kaniyang kapatid at ina. Nabalitaan din niya ang pagkabaliw ng ina.

Inikot ni Basilio ang bawat kalsada hanggang sa may narinig siyang umaawit, paminsan-minsan ay hahalakhak at hahagulgol. Sinundan niya ang inang si Sisa. Nagtago si Basilio nang makitang tumindig ang ina sa harap ng kwartel.

Nagsisigaw ang ina sa alperes na ilabas nito ang kaniyang mga anak dahil kaarawan naman niya at bilang paaginaldo narin. Patuloy na hinabol ni Basilio si Sisa ngunit dahil wala naman sa matinong pag-iisip si Sisa ay tumatakbo ito palayo.

Hindi niya nakikilala ang anak na si Basilio. Nagpatuloy pa sa paghabol si Basilio at patuloy ding tumatakbo si Sisa. Naabutan ni Basilio ang ina niyakap niya ito at pinupog ng halik.

Maya-maya pa’y humandusay si Sisa na parang kinapusan ng hininga. Ginawa na ni Basilio ang lahat upang gumising ang ina ngunit ito ay naging isang malamig na bangkay na. Umiiyak si Basilio nang may isang sugatang lalaki ang pumasok sa libingan.

Ang lalaking iyon ay si Elias. Dalawang araw nang nandoon ang sugatang lalaki at pakiramdam nito’y hindi na siya uumagahin doon. Ibinilin ng sugatan na sunugin ang bangkay ni Sisa kasama ang bangkay niya. Pagkatapos ay muling bumalik sa lugar na iyon at hukayin sa paligid ng balite ang isang malaking kayamanan.

Ibinilin din nito na gamitin ang kayamanang ito sa pag-aaral. Lumipas ang dalawang oras at nakita sa kalangitan ang usok na nagmula sa libingan.

Talasalitaan:

  • Dampa – maliit na bahay
  • Halakhak – malakas na tawa
  • Tumindig – tumayo
  • Kwartel – tirahan ng mga sundalo
  • Alperes – opisyal ng militar
  • Pinupog – tinadtad
  • Humandusay – humilata, nakahiga

Noli Me Tangere Buod Kabanata 64: Katapusan

Nagpatuloy si Maria Clara sa pagpasok sa kumbento upang maging isang madre.

Si Padre Damaso naman ay natagpuang patay sa kaniyang higaan dahil sa labis na sama ng loob. May ilan ang nagsabing ito ay namatay sa alta presyon, may nagsasabi namang ito’y binangungot.

Si Padre Salvi naman ay wala nang ginawa kundi mag-intay ng mag-intay sa ipinangakong pagiging obispo.

Pinamili naman ni Kapitan Tiago si Tiya Isabel kung saan ito gustong manirahan, kung sa Malabon o sa San Diego.

Nangayayat naman si Kapitan Tiago dahil sa sobrang pagdadalamhati matapos pumasok sa kumbento ang anak-anakang si Maria Clara at nang malaman na siya ay pinagtaksilan ng kaniyang asawa. Nalulong ito sa iba’t-ibang klase ng bisyo. Malayo na ito sa dating nakasanayang Don Tiago.

Samantala, nagdagdag pa ng ilang kulot sa kaniyang malagong buhok ang nagmumurang kamatis na si Donya Victorina. Humuhusay narin siya sa pagsasalita ng Espanyol. Pinaturuan niyang magpatakbo ng kabayo ang kanyang asawa ngunit hindi ito natuto kung kaya’t si Donya Victorina nalang ang naging kutsero.

Nagkasakit at nangayayat naman si Linares matapos iwan ni Maria Clara. Namatay ito sa sakit na disenterya na nakuha niya sa pagkaing nabibili sa daan.

Nagpakalunod naman sa alak si Donya Consolacion matapos mawala ang kaniyang ganda dahilan kung bakit siya namayat. Ang alperes ay nakipaghiwalay sa nangangamoy niyang asawa.

Talasalitaan:

  • Kumbento – simbahan
  • Natagpuan – nakita
  • Obispo – isang opisyales ng Simbahang Katoliko, pari
  • Pagdadalamhati – pagdurusa
  • Pinagtaksilan – niloko
  • Humuhusay – gumagaling
  • Kutsero – nagpapaandar sa kalesa
  • Disenterya – uri ng sakit sa tiyan

People also search for

Noli Me Tangere Buod ng Bawat Kabanata 1-64 with Talasalitaan
  • Save
71.6K Shares
71.6K Shares
Share via
Copy link