Noli Me Tangere Kabanata 64 Buod, Mga Tauhan, at Aral

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 64 – Katapusan. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang mga mahahalagang aral na mapupulot mo rito.


Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 64 – Katapusan

Nang matapos ang panunungkulan ni Padre Damaso sa San Diego, siya ay nanirahan sa Maynila at sa kalaunan ay inilipat sa malayong probinsya. Ngunit hindi nagtagal, natagpuan siyang patay sa kanyang kwarto dahil sa bangungot.

Samantala, si Padre Salvi ay pansamantalang nanungkulan sa Sta. Clara na pinasukan ni Maria Clara. Lumipat na rin si Padre Salvi sa Maynila habang hinihintay ang pagiging obispo.

Bago tuluyang maging mongha si Maria Clara, si Kapitan Tiago ay dumanas ng paghihirap ng damdamin, nangayayat, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga tao. Matapos niyang makalabas sa kumbento, sinabihan ni Kapitan Tiago si Tiya Isabel na umuwi na sa Malabon o San Diego dahil gusto niyang mabuhay mag-isa. Inatupag na lamang ni Kapitan Tiago ang paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Sa huli, nalimot na rin siya ng mga tao.

Sa kabilang dako, si Donya Victorina ay nagdagdag ng mga kulot sa ulo upang mas lalong maging makatotohanan ang pagpapanggap niyang siya ay taga-Andalucia. Ngayon ay nangungutsero na siya at hindi na pinakikilos ang asawang si Don Tiburcio na nakasalamin na at wala nang ngipin. Hindi na rin siya natatawag na “doktor” para manggamot.

See also: Noli Me Tangere Kabanata 63 Buod, mga Tauhan, at Aral

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 64

Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-64 Kabanata ng Noli Me Tangere:

  • Padre Damaso
  • Padre Salvi
  • Maria Clara
  • Kapitan Tiago
  • Tiya Isabel
  • Donya Victorina
  • Don Tiburcio

Mga Aral sa Noli Me Tangere Kabanata 64

Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 64 ng Noli Me Tangere:

  • Ang Kabanatang ito nagtatapos sa pagpapakita ng kapalaran ng ilang pangunahing tauhan. Ito ay nagtuturo ng iba’t ibang aral tungkol sa buhay at pagkatao. Una, pinapakita nito ang epekto ng makasariling interes sa buhay ng tao. Sa pagkamatay ni Padre Damaso, ipinakikita na ang maling pagpapasya at pagmamalabis sa kapangyarihan ay maaaring humantong sa pagkasira ng buhay ng tao.
  • Ikalawa, ang pagbabago ni Kapitan Tiyago ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagpapahalaga sa mga bagay na mahalaga sa buhay. Sa pagkalugmok niya sa kanyang mga bisyo, napabayaan niya ang kanyang sarili.
  • Ikatlo, ang pagpapanggap ni Donya Victorina bilang isang taga-Andalucia ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagmamahal at pagtanggap sa sariling kultura at pagkatao. Ang pagpilit niyang maging iba ay nagdulot ng pagkawalang-halaga ng kanyang sariling pagkakakilanlan.

At dito nagtatapos ang Noli Me Tangere Kabanata 64 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa ika-64 kabanata ng nobelang ito.

Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.

Mga kaugnay na aralin

Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

Noli Me Tangere Buod ng Bawat Kabanata 1-64 with Talasalitaan

Noli Me Tangere Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa

Noli Me Tangere Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod)

Noli Me Tangere Summary of the Entire Novel

Noli Me Tangere Characters and their Traits

El Filibusterismo Buod ng Bawat Kabanata 1-39 with Talasalitaan

El Filibusterismo Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa

El Filibusterismo Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod)

  • Save
Share via
Copy link