Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 7 – Ligawan sa Asotea. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang aral na mapupulot mo rito.
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 7 – Ligawan sa Asotea
Isang maagang umaga, sina Maria Clara at Tiya Isabel ay nakapagsimba na. Pagkatapos ng almusal, lahat sila ay may kani-kanyang gawain. Naglinis si Tiya Isabel, binasa ni Kapitan Tiyago ang mga dokumento tungkol sa negosyo, at nanahi si Maria Clara habang nakikipag-usap sa kanyang ama upang malibang dahil sa kanyang kaba sa pagkikita nila ng kanyang nobyong si Crisostomo Ibarra.
Naisipan nilang magbakasyon sa San Diego dahil malapit na ang pista doon. Dumating na si Ibarra at hindi mapigilang kiligin si Maria Clara. Sa tulong ni Tiya Isabel, inayos ni Maria Clara ang kanyang sarili at nagkita sila ni Ibarra sa bulwagan. Kapwa sila masaya nang magkatinginan.
Nagpunta ang dalawa sa Asotea upang makapagsarili at umiwas sa alikabok. Nag-usap sila nang masinsinan tungkol sa kanilang nararamdaman, sinumpaan, at nakaraan. Binanggit din nila ang mga ala-ala at bagay na ibinigay nila sa isa’t isa gaya ng dahon ng sambong at ang sulat ni Ibarra.
Nabasa ni Maria Clara ang sulat na nagsasabing layunin ni Don Rafael na pag-aralin si Ibarra sa ibang bansa upang makapaglingkod nang maayos sa kanilang bayan. Naalala naman ni Ibarra na kinabukasan ay undas, at nagpaalam na siya upang asikasuhin ang mga kailangan niyang gawin. Si Maria Clara ay hindi napigilan ang pagluha dahil sa pangungulila sa kanyang minamahal.
Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 7
- Maria Clara
- Crisostomo Ibarra
- Tiya Isabel
- Kapitan Tiyago
- Don Rafael Ibarra
Mga Aral sa Noli Me Tangere Kabanata 7
- Ang pag-aaral sa ibang bansa ay isa sa mga paraan upang makapag-ambag sa pag-unlad ng sariling bayan.
- Ang pangungulila at pagmamahal sa isa’t isa ay hindi hadlang sa pagtupad ng mga tungkulin at responsibilidad.
- Ang mga ala-ala ay mahalaga upang mapanatili ang koneksyon sa nakaraan at sa mga mahal sa buhay.
- Ang pagpapahalaga sa mga sinumpaan at pagpapatibay ng relasyon ay nangangailangan ng oras at pagsisikap mula sa magkabilang panig.
At ‘yan ang Noli Me Tangere Kabanata 7 Buod, mga Tauhan, at Aral. Kung naging kapaki-pakinabang sa iyo ang araling ito, ibahagi mo ito sa lahat upang maipamulat ang kahalagahan ng pag-ibig, relasyon at pagpapahalaga sa isa’t isa.
Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen. Maraming salamat!
Mga kaugnay na aralin
Noli Me Tangere Kabanata 8 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 9 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 10 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 11 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 12 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 6 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 5 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 4 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 3 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 2 Buod, mga Tauhan, at Aral