Tatalakayin natin sa post na ito ang maikling buod ng El Filibusterismo Kabanata 12 – Placido Penitente. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang aral at mahahalagang kaisipan na mapupulot mo rito.
Buod ng El Filibusterismo Kabanata 12 – Placido Penitente
Sa Kabanata 12 ng El Filibusterismo, pinapakita ang pagdaramdam ni Placido Penitente tungkol sa kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Bagama’t isa siyang matalino at magaling na estudyante, gusto na niyang huminto sa pag-aaral.
Sa kabanatang ito, nakasalubong niya si Juanito Pelaez na mayabang at paboritong estudyante ng mga guro. Napag-usapan nila ang pagkakaroon ng katipan ni Basilio, si Juli, at ang balak na paaralan ni Makaraig. Sa huli ay pumasok sa klase si Placido na nahuli dahil sa pagpirma sa kasulatang tutol sa balak ni Makaraig. Nabastusan ang guro ni Placido at sinabing magbabayad ito sa kanya.
Mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 12
Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-12 Kabanata ng El Filibusterismo:
- Placido Penitente
- Juanito Pelaez
- Padre Camorra
- Basilio
- Juli
- Isagani
- Tadeo
- Paulita Gomez
- Donya Victorina
- Mga Estudyante
Mga Aral sa El Filibusterismo Kabanata 12
Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 12 ng El Filibusterismo:
- Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng iba’t ibang aspeto ng edukasyon sa panahon ng kolonyalismo sa Pilipinas. Una, ipinapakita ang mga paboritismo sa mga estudyante na tulad ni Juanito Pelaez, na dahil sa kayamanan at impluwensiya ay nabibigyan ng espesyal na pagtrato. Ikalawa, itinatampok din ang pagkawalang saysay ng pag-aaral sa panahon na iyon, kung saan ang pagiging masunurin at ang kahalagahan ng koneksyon ay mas binibigyan ng halaga kaysa sa pag-unlad ng kaalaman at pagiging kritikal na isip.
- Ang mensaheng nais iparating ng kabanatang ito ay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tunay na edukasyon na nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman at pag-unlad ng kaisipan ng mga estudyante.
- Ipinapakita rin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pagpapahalaga sa sariling kakayahan at prinsipyo sa harap ng mga pagsubok at pang-aapi.
At ‘yan ang El Filibusterismo Kabanata 12 Buod, mga Tauhan, at Aral. Kung naging kapaki-pakinabang sa iyo ang araling ito, ibahagi mo ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila din ay matuto sa bahaging ito ng nobela.
Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.
Mga kaugnay na aralin
El Filibusterismo Kabanata 13 Buod, mga Tauhan, at Aral
El Filibusterismo Kabanata 14 Buod, mga Tauhan, at Aral
El Filibusterismo Kabanata 15 Buod, mga Tauhan, at Aral
El Filibusterismo Kabanata 16 Buod, mga Tauhan, at Aral
El Filibusterismo Kabanata 17 Buod, mga Tauhan, at Aral
El Filibusterismo Kabanata 11 Buod, mga Tauhan, at Aral
El Filibusterismo Kabanata 10 Buod, mga Tauhan, at Aral
El Filibusterismo Kabanata 9 Buod, mga Tauhan, at Aral
El Filibusterismo Kabanata 8 Buod, mga Tauhan, at Aral
El Filibusterismo Kabanata 7 Buod, mga Tauhan, at Aral