El Filibusterismo Kabanata 13 Buod, Mga Tauhan, at Aral

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng El Filibusterismo Kabanata 13 – Klase sa Pisika. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang mga mahahalagang aral na mapupulot mo rito.


Buod ng El Filibusterismo Kabanata 13 – Klase sa Pisika

Ang silid ng klase sa Pisika ay isang mahabang rektangular na bulwagan na may maluluwang na bintana at mga batong hagdanan na may kahoy. Nakaayos ang mga estudyante ayon sa kanilang mga apelyido. Wala masyadong palamuti ang silid at ang mga kagamitan sa pisika ay nasa isang aparador.

Si Padre Millon, isang Dominikong pari at guro sa klase sa Pisika, ay kilala sa pilosopiya mula sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Nasa tapat ng pintuan at sa ilalim ng larawan ni Santo Tomas de Aquino ang upuan ng propesor. Una niyang tinawag ang antuking estudyante na parang iskoba ang buhok, sunod naman si Pelaez. Sumenyas si Pelaez kay Placido sa pamamagitan ng pagtapak sa paa nito na para bang sinasabi na idikta sa kanyan ang sagot.

Dahil dito’y napasigaw sa sakit si Placido at siya’y napagalitan ni Padre Millon. Tinawag siya nito na “espiritu sastre” at “pakialamero.” Siya tuloy ang pinagbalingan ng pari. Nahirapan si Placido na sagutin ang mga tanong ng propesor at tinawag pa siyang “Placidong Tagadikta.”

Dahil sa wala siyang masabi, naglagay ng guhit ang propesor kay Placido. Tumutol si Placido at nagpaliwanag, ngunit inihagis niya ang kanyang aklat, tumindig, at walang-galang na umalis sa klase.

Nagulat ang klase sa ginawa ni Placido. Nagsermon at nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang kampanilya, senyales na tapos na ang klase.

Mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 13

Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-13 Kabanata ng El Filibusterismo:

  • Placido Penitente
  • Padre Millon
  • Antuking estudyante
  • Juanito Pelaez

Mga Aral sa El Filibusterismo Kabanata 13

Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 13 ng El Filibusterismo:

  • Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng hindi patas na pagtrato at pang-aapi ng mga prayle sa mga estudyante. Isang halimbawa ang pambubully ni Padre Millon kay Placido. Ipinapakita rin dito ang kahalagahan ng pagtanggol sa sarili at pagpapahalaga sa dignidad bilang tao. Sa kabila ng mabigat na trato ng propesor, lumaban si Placido at hindi niya hinayaang mawala ang kanyang respeto sa sarili.

At dito nagtatapos ang El Filibusterismo Kabanata 13 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa unang kabanata ng nobelang ito.

Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.

Mga kaugnay na aralin

El Filibusterismo Kabanata 14 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 15 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 16 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 17 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 18 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 12 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 11 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 10 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 9 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 8 Buod, mga Tauhan, at Aral

  • Save
29 Shares
29 Shares
Share via
Copy link