Home » Literature » Tula Tungkol sa Crush (6 Tula Para kay Crush)

Tula Tungkol sa Crush (6 Tula Para kay Crush)

Sa pahinang ito ay mababasa mo ang anim na tula tungkol sa crush o tula para kay crush mula sa iba’t ibang mga makatang Pilipino.

Karamihan sa atin ay dumaan sa stage kung saan nagkaroon tayo ng taong hinahangaan o kung tawagin ay crush. Ito ay sa kadahilanang may katangian siya/sila na lubhang nagpahanga sa iyo kaya mo siya naging crush. Sa pagkakaroon din ng crush unang nagsisimula ang pag-iibigan. Bagamat hindi lahat ng may crush ay nauuwi sa pag-love, ito pa rin ay isang masaya at nakakakilig na pakiramdam lalo na kapag nakikita mo ang taong iyong hinahangaan.

Samantala, narito ang ilang halimbawa ng mga tula tungkol kay crush na isinulat ng iba’t ibang tao na may natatanging karanasan sa pagkakaroon ng crush. Maaaring may magpakilig at magpasaya sayo rito, maari rin naman ikaw ay malungkot dahil sa ibang karanasan ng manunulat. Gayunpaman, ano man ang emosyong maramdaman mo sa pagbabasa ng mga tulang ito, mag-iwan pa rin nawa sayo ng inspirasyon ang mga mababasa mo.

SEE ALSO: Mga Tula Tungkol sa Pag-ibig


Mga Tula Tungkol sa Crush


Tula para kay Crush

ni bitoks001

Naalala ko pa ang itsura mo
Nung una kang magpakita sa harap ko
May salamin at maigsi ang buhok mo
Di mo alam natulala ako sayo

Ang lihim ko na pag tingin
Di ko na lang sasabihin
Sulyap lang mula sa akin
Saglit lang at di mo pansin

Simpleng minamasdan ka
Bat di ako nag sasawa
Wala ka mang ginagawa
Sayo ako’y namamangha

Pero ako’y nagtataka
Ano nga ba ang meron ka
Bat sayo ko nakikita
Bagay na wala sa iba

Hindi ako makatingin ng direcho
Sa titig mo kapag magkausap tayo
Nakakakilig, kailangang lumiko
Patay malisya nalang ang palusot ko

Siguro ako ay iyong nakilala
Sa mga walang kwenta ko na patawa
Pero bakit hindi kita mapasaya
San ba ang kiliti mo di ko makita

Pero ako’y lalayo at aalis na
makilala ka’y magandang ala ala
Hinding-hindi mo na to malalaman pa
Sapat nang akin nalang itong mag-isa

Kung hindi lang dahil sa kaibigan ko
Na may hinala sa akin tungkol sayo
Kabisado na kasi ako ng loko
Nalaman mo tuloy aking tinatago

Seryoso naman at totoo
Sinasabi man ng pabiro
Huwag ka nang mag rereklamo
Korni ang joke ko na seryoso


Para kay Crush

ni Ms_Jamy

Nung una pa lang kitang nakita
Lintek na kupido
Pinana agad ang puso ko
Kaya ang lakas ng tama sa’yo.

Tila mata’y naka-stick glue
At ika’y nakidikit na sa puso ko
Naghihintay na mahawakan ang iyong kamay
At kung pwedeng sayong tabi na mamatay.

Dahil sa iyong angking kagwapuhan
Kaya naghahari ang aking kalandian
Tila di mapakali
Tulad ng kiti-kiti.

Nang yumingin ka sa akin
Sabay sabi ng “hi” sakin
Parang ako’y biglang hihimatayin
Sabay sabi ng “Oh God, thank you for blessing”.

O “crush” ko
Na “soon to be husband” ko
Na hanggang sa “growing old with you”
Maniniwala na ako sa “forever” pag ikaw ang makakasama ko.


Tula para kay Crush

ni BlackBallpens

Isinulat ko itong madamdaming tula
Dahil sa pagtibok ng puso kong bigla
Alam kong ito’y hindi kapani-paniwala
Ngunit dahil sa’yo ako’y naging isang makata.

Hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman
Sa lalaking ito’y lubhang tinamaan
Kung hindi ako nagkakamali,
_________ ang kanyang pangalan.

Nung una naming pag-uusap
Parang ako’y nasa ulap
Siya lang ang pinakamimithing pangarap.

Ipagdarasal ko sana ito ay mabasa
Ng taong laman nitong istorya
Pinapangako kong ako’y hindi lilingon sa iba
Basta’t siguraduhin niyang ako’y hindi pinapaasa.


Crush

ni Maricar Centino

Ang aking  puso ay maligaya
ikaw ang inspirasyon at nagbibigay sigla
Kinakabahan ako pag nasisilayan ka
pinagpapwisan ako pagpalapit ka na

Oh crush hanggang sa panaginip kasama ka
di ka mawala sa isip ko at alaala
lahat ng bagay na gawin mo sa akin ay sinta
paghanga lamang ba talaga  o pagibig na?

Sadyang kay sarap sa pakiramdam pagnakikita ka
kompleto ang araw ko at kay sigla
Binubuhay mo ang  natutulog kung puso
Pinupukaw mo ang damdamin ko at dugo

Pinapangarap ko na ikaw ay makasalo
Iniisip ko lahat yon, ngunit ito ay malabo
Ikaw ay may ibang gusto at hindi ako
Maligaya ka sa kanya ngunit malungkot ako

Sadyang ganito ang ikot ng mundo
Hindi pwede magkapareho at may nabibigo
Ngunit salamat at dumating ka sa buhay ko.
Pinagtpo ngunit di tinadhana

Ito ang madalas sanbitin nila
masakit na may kaakibat na ligaya
Ngunit ito lamang ay sa una
Sa huli ay matatanggap ba?


Ok Lang

ni Ms_Jamy

Si crush ay crush lang,
Pero di ko alam kung bakit iba na aking nararamdaman,
Tila kinakabahan pag ika’y nandyan,
At tila di makatingin sayo ng diritsuhan.

Palihim kung ako’y makatingin,
At ako’y umiiwas pag napadapo sa akin ang iyong mga tingin,
Nahihiya kasi ako at nag-aalala,
Na baka makita mo ang mukha kong namumula.

Minsan ay napapa-isip ako,
Kung magugustuhan mo ba ang kagaya ko,
O kaya naman may gusto ka nang ibang tao,
Na mas hihigit pa sa tulad ko.

Okay lang ako,
Ngumingiti pag kaharap mo,
Tumatawa sa mga jokes mo,
Pero umiiyak pag nasa kwarto na ako.

Hindi ko alam kung ano na ba talaga to,
Pag-ibig na ba ito?
Sana hindi,
Kasi ayaw kong masaktan sa huli.


Crush Wag Paasa

ni airuser_kyla

Si crush napaka sungit
Tingin niya sakin laging mapanlait
Na para bang sa lahat ng tao ako ang pina kapangit
Kaya kung minsan siya’y nakakagalit.

Pero pag nag “hi” ka
Papansinin ka niya
Pag tinanong mo kung may girlfriend na
Sasabihin niya wala, pero meron na pala.

Si Crush sobrang paasa
Di kasi niya nafeel iyong nadarama
Sa tuwing titingin ka sa kanya ay nakatingin siya sa iba
Plus nakangiti pa.

Paasa, paasa.
Bakit kaya di na ako kumprontahin kung may pag-asa
Para kung wala edi mabigyan ng chance ang iba
Na sa puso ko maghari at wala ng iba.

Pero crush kahit paasa ka
Gusto pa rin kita
Wala eh, tama mo sakin ay sobra-sobra
Kya sana ang tulang ito’y iyong mabasa.


SEE ALSO: Mga Tula Tungkol sa Kaibigan

At iyan ang mga tula tungkol sa kaibigan na aming nakolekta mula sa iba`t ibang mga makatang Pilipino. Alin sa mga tulang ito ang pinakagusto mo?

Mayroon ka bang sariling likhang tula tungkol sa kaibigan na nais mong isama sa pahinang ito? Ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iwan ng komento sa ibaba! 🙂

Tula Tungkol sa Crush (6 Tula Para kay Crush)
  • Save
Share via
Copy link