Sa pahinang ito ay tatalakayin natin at matutunan ninyo ang apat na kasarian ng pangngalan. Magbibigay din kami ng iba’t ibang halimbawa sa bawat kasarian upang mas lalo mong maunawaan ang araling ito.
Kasarian ng Pangngalan
Ang pangngalan ay bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, lugar, o pangyayari. Ito ay tinatawag na noun sa wikang Ingles.
Ang pangngalan ay may apat na kasarian. Ito ay ang panlalaki, pambabae, di-tiyak, at walang kasarian.
1. Panlalaki
Ito ang kasarian ng pangngalan na tumutukoy sa tiyak na ngalan ng lalaki.
Karagdagang mga halimbawa
- ama
- Ambo
- Arjo
- Berto
- duke
- ginoo
- hari
- Harold
- Jericho
- kuya
- labandero
- lalaki
- Lito
- lolo
- maestro
- manong
- Mario
- ninong
- nobyo
- papa
- pari
- pastor
- prinsipe
- sastre
- tandang
- tatay
- tindero
- tito
- tiyuhin
- Tristan
2. Pambabae
Ito ang kasarian ng pangngalan na tumutukoy sa tiyak na ngalan ng babae.
Karagdagang mga halimbawa
- ale
- Ana
- ate
- babae
- binibini
- Carla
- Dina
- doktora
- dukesa
- Gina
- inahin
- Jackie
- labandera
- lola
- madre
- maestra
- mama
- manang
- Mina
- modista
- nanay
- Nancy
- ninang
- nobya
- prinsesa
- reyna
- Rica
- tindera
- tita
- tiyahin
3. Di-tiyak
Ito ang kasarian ng pangngalan na maaaring tumutukoy sa ngalang pambabae or panlalaki.
Karagdagang mga halimbawa
- alaga
- artista
- banyaga
- bata
- guro
- inaanak
- kaibigan
- kalaro
- kamag-anak
- kapatid
- katrabaho
- mag-aaral
- magulang
- mananahi
- manggagamot
- nars
- pangulo
- piloto
- pinsan
- pulis
4. Walang Kasarian
Ito ay tumutukoy sa mga pangngalan na walang buhay at walang kasarian pati na rin ang mga bagay sa kapaligiran na may buhay ngunit walang kasarian.
Karagdagang mga halimbawa
- aklat
- alahas
- baso
- damit
- eroplano
- gamit
- halaman
- itlog
- kaldero
- kalye
- lamesa
- lampara
- laruan
- mesa
- orasan
- papel
- pinggan
- plato
- prutas
- puno
- relo
- sapatos
- saranggola
- sasakyan
- simbahan
- sintas
- sumbrero
- tasa
- tsinelas
- upuan
Inaasahan namin na may natutunan ka at naging kapaki-pakinabang sa iyo ang araling ito.
Upang ibahagi ang araling ito sa iyong mga kaibigan sa social media, i-click ang mga share button na lalabas sa screen. Maraming salamat!
Mga kaugnay na aralin
PANG-URI: Halimbawa ng Pang-uri, Uri ng Pang-uri, Antas, Atbp.
PANDIWA: Halimbawa ng Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Pokus, Uri, Atbp.
PANG-ABAY: Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.
PANGHALIP: Uri ng Panghalip, Halimbawa ng Panghalip, Gamit, Atbp.
PANGATNIG: Ano ang Pangatnig, Halimbawa ng Pangatnig, Uri, Atbp.