Noli Me Tangere Kabanata 4 Buod, mga Tauhan, at Aral

Tatalakayin natin sa pahinang ito ang buod ng Noli Me Tangere Kabanata 4 – Erehe at Pilibustero. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang aral na mapupulot mo dito.


Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 4 – Erehe at Pilibustero

Binabaybay ni Ibarra ang daan patungo sa plasa ng Binondo. Napansin niya na wala pa ring pinagbago sa lugar kahit na pitong taon siyang nawala sa Pilipinas.

Nakita siya ni Tinyente Guevarra, tinapik sa balikat, at sinabayan sa paglakad ang binata.

Tinanong ni Ibarra kung alam ba ng Tinyente ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama. Sa daan ay ikinuwento ng Tinyente ang nangyari kay Don Rafael Ibarra.

Ayon sa Tinyente, bukod sa pagiging pinakamayaman sa buong lalawigan ay likas na matulungin ang ama ni Ibarra. Dahil dito ay marami ang nagmamahal sa kanya.

Ngunit sa kabila ng pagiging mabait ni Don Rafael, marami rin ang naiinggit sa kanya. Kabilang na dito ang mga prayle sa pangunguna ni Padre Damaso.

Ilang buwan pa lang bago umalis ang binata patungong Europa ay naging mainit sa isa’t-isa sina Don Rafael at Padre Damaso.

Dahil dito ay minabuti ng Don na ‘wag nang mangumpisal. Ito’y lalong ikinainis ng mga pari.

Nang panahong ‘yun ay may isang artilyerong Kastila na naging tampulan ng tukso dahil sa pagiging mangmang.

Isang araw, binigyan ng isang dokumento ang artilyero. Nagdunung-dunungan ito sa pagbasa kaya pinagtatawanan siya ng isang grupo ng mga bata.

Sa galit ng kastila ay hinabol niya ang mga ito. Nang hindi niya mahabol ang mga nang-aasar na bata ay binato niya ang mga ito ng baston.

May tinamaang isang bata at nang matumba ay pinagsisipa ito ng Kastila.

Nakita ni Don Rafael ang ginawa ng Kastila sa bata kaya ito ay umawat.

Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan daw ng Don ang Kastila hanggang sa tumama ang ulo nito sa malaking bato.

Dahil dito’y sumuka ng dugo hanggang sa tuluyang mamatay ang Kastila.

Nag-imbestiga ang mga gwardya sibil sa pangyayari at si Don Rafael ay kanilang dinakip at kinulong.

Naglabasan din ang mga lihim niyang kaaway. Pinaratangan nila ng pagiging erehe at pilibustero ang Don.

Inakusahan din siya ng pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman.

Ilan pa sa mga paratang sa kaawa-awang si Don Rafael ay ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan, at ang pagsusuot ng Barong Tagalog.

Tanging si Tinyente Guevarra lamang ang naging kakampi ng Don. Nakiusap siya sa Tinyente na kung maaari ay ihanap siya ng abogadong Kastila upang matulungan siya sa kanyang kaso.

Nagkasakit din si Don Rafael habang nakakulong at doo’y binawian ng buhay. Wala ni isang kamag-anak o kaibigan ang dumamay sa kanya.

Nakapanghihinayang dahil kung kailan nalagutan ng hiniga si Don Rafael, saka palang napatunayan na siya ay walang sala.

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 4

Narito ang mga tauhang nabanggit sa kabanata 4 ng nobelang Noli Me Tangere na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.

  • Crisostomo Ibarra
  • Tinyente Guevarra
  • Don Rafael Ibarra
  • Artilyerong Kastila
  • Mga mapang-asar na bata
  • Padre Damaso
  • Mga lihim na kaaway ni Don Rafael Ibarra

Mga Aral sa Noli Me Tangere Kabanata 4

Ito naman ang mga aral sa Noli Me Tangere Kabanata 4 – Erehe at Pilibustero.

  • Sa kabanatang ito ay makikita natin na hindi lahat ng nakakulong ay may kasalanan. Nakakaawa ang sinapit ng mga tulad ni Don Rafael Ibarra.
  • Hindi lahat ng pinakitaan mo ng pagiging mabuti at matulungin ay iyong maaasahan sa oras ng pangangailangan.
  • Ang pagkamainggitin ay nakakasira ng magandang relasyon sa kapwa. Kadalasan, inggit din ang dahilan kaya nasisira ang buhay ng iba.

At ‘yan ang Noli Me Tangere Kabanata 4 Buod, mga Tauhan, at Aral. Kung naging kapaki-pakinabang sa iyo ang araling ito, ibahagi mo din ito sa iba para sila din ay matuto.

Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen. Maraming salamat!

Mga kaugnay na aralin

Noli Me Tangere Kabanata 5 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 6 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 7 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 8 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 9 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 10 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 11 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 3 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 2 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 1 Buod, mga Tauhan, at Aral

  • Save
70 Shares
70 Shares
Share via
Copy link