Noli Me Tangere Kabanata 3 Buod, mga Tauhan, at Aral

Ang post na ito ay naglalaman ng buod ng Noli Me Tangere Kabanata 3 – Ang Hapunan. Tatalakayin din natin ang mga tauhan sa kabanatang ito pa rin ang mga aral na mapupulot mo sa bahaging ito ng nobela.


Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 3 – Ang Hapunan

Handa na ang hapunan at ang bawat panauhin ay papalapit na sa hapag kainan.

Habang nakikita sa mukha ni Padre Sibyla ang kasiyahan sa salu-salo, kabaligtaran naman niya si Padre Damaso. Panay ang dabog ng pari at kitang-kita sa mukha niya na siya ay naiinis.

Pinagmamasdan naman ni Tinyente Guevarra ang kulot na buhok ni Donya Victorina. Hindi niya namalayan na natapakan na niya ang laylayan ng saya ng Donya, bagay na ikinainis ng ginang.

Umupo sa kabisera si Crisostomo Ibarra. Sa kabilang dulo naman ng kabisera ay nagtatalo pa ang dalawang pari kung sino ang mauupo.

Sabi ni Padre Damaso, si Padre Sibyla daw ang dapat maupo doon dahil siya ang kura sa lugar na ‘yon.

Bagay na tinggihan ng pari dahil dapat daw ay si Padre Damaso ang maupo bilang siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiago.

Sa kalaunan, inalok ni Padre Sibyla ang upuan sa Tinyente na agad naman nitong tinanggihan. Tumanggi rin si Kapitan Tiyago ng siya namang inanyayahan ni Ibarra.

Nang maihain na ang pagkain sa hapag, lalong nainis si Padre Damaso dahil ang napunta sa kanyang parte ng tinola ay mga leeg at pakpak ng manok.

Lingid sa kaalaman ng pari, ang espesyal na tinola ay para lamang kay Ibarra.

Sa hapag kainan ay napag-usapan ang mga bagay na ginawa, pinuntahan, at mga natutunan ni Ibarra sa Europa. Bukod dito ay bahagya ding napag-usapan ang kanyang ama na kaibigan din ni Padre Damaso.

Nalaman ni Tinyente Guevarra sa wala pala talagang nalalaman ang binata sa pagkamatay ng kanyang ama.

Samantala, matapos ang pagtitipon ay maagang nagpaalam si Ibarra kaya’t hindi na sila nagkita ni Maria Clara, ang anak na dalaga ni Kapitan Tiago.

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 3

Narito ang mga tauhang nabanggit sa kabanata 3 ng nobelang Noli Me Tangere na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.

  • Crisostomo Ibarra
  • Padre Damaso
  • Padre Sibyla
  • Tinyente Guevarra
  • Donya Victorina
  • Kapitan Tiago
  • at iba pang mga panauhin sa salu-salo

Mga Aral sa Noli Me Tangere Kabanata 3

Ito naman ang mga aral sa Noli Me Tangere Kabanata 3 – Ang Hapunan.

  • Matutong makisama sa iba. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang laging iintindihin ng mga tao sa paligid mo.
  • Bagamat may mga bagay na hindi napagkakasunduan, ang respeto sa isa’t isa ay di dapat mawala. Maaari namang hindi sumang-ayon sa ibang bagay o usapin nang hindi nagiging bastos sa kausap.

At dito nagtatapos ang Noli Me Tangere Kabanata 3 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iba para sila din ay matuto.

Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen. Maraming salamat!

Mga kaugnay na aralin

Noli Me Tangere Kabanata 4 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 5 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 6 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 7 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 8 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 9 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 10 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 11 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 2 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 1 Buod, mga Tauhan, at Aral

  • Save
61 Shares
61 Shares
Share via
Copy link