Sa pahinang ito ay tatalakayin natin ang buod ng Noli Me Tangere Kabanata 2 – Si Crisostomo Ibarra. Bukod dito, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang aral na mapupulot mo dito.
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 2 – Si Crisostomo Ibarra
Sa kabanatang ito ay ipinakilala si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o si Crisostomo Ibarra. Siya ang nag-iisang anak ng yumaong si Don Rafael Ibarra.
Halatang nagluluksa pa ang binata nang dumating siya sa bahay ni Kapitan Tiago dahil sa kulay ng kanyang kasuotan. Siyang galing sa Europa at pitong taong nag-aral doon.
Nagpakilala siya sa mga panauhin at kinamayan ang mga ito bilang ito ang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya.
Ngunit namumukod-tangi si Padre Damaso sa ibang mga panauhin. Tinalikuran niya ito sa halip na makipag-kamay sa binata.
Samantala, lumapit naman si Tinyente Guevarra kay Ibarra at nagpasalamat sa ligtas niyang pagdating. Napanatag ang kalooban ng binata ng purihin nito ang kanyang ama.
Dahil dito’y palihim na tiningnan ni Padre Damaso ang Tinyente na tila ba nagbabanta kaya naman tinapos na ng Tinyente ang pakikipag-usap nito kay Ibarra.
Nang malapit nang maghapunan, inanyayahan naman ni Kapitan Tinong si Ibarra sa pananghalian kinabukasan. Dahil may pupuntahan daw sa San Diego ang binata, ito ay magalang na tumanggi sa paanyaya ni Kapitan Tinong.
Si Kapitan Tinong ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng ama ni Ibarra.
Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 2
Narito ang mga tauhang nabanggit sa kabanata 2 ng nobelang Noli Me Tangere na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.
- Crisostomo Ibarra
- Kapitan Tiago
- Padre Damaso
- Tinyente Guevarra
- Kapitan Tinong
- at iba pang mga panauhin sa pagtitipon
Mga Aral sa Noli Me Tangere Kabanata 2
Ito naman ang mga aral sa Noli Me Tangere Kabanata 2 – Si Crisostomo Ibarra.
- Huwag maging magaspang ang pag-uugali.
- Hindi lahat ng tao ay maaaring pagkatiwalaan. Kung minsan kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo ng labis ay sila pa ang magpapabagsak sa iyo kalaunan.
At ‘yan ang Noli Me Tangere Kabanata 2 Buod, mga Tauhan, at Aral. Kung naging kapaki-pakinabang sa iyo ang araling ito, ibahagi mo din ito sa iba para sila din ay matuto.
Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen. Maraming salamat!
Mga kaugnay na aralin
Noli Me Tangere Kabanata 3 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 4 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 5 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 6 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 7 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 8 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 9 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 10 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 11 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 1 Buod, mga Tauhan, at Aral