Tatalakayin natin sa post na ito ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 55 – Ang Pagkakagulo. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang aral at mahahalagang kaisipan na mapupulot mo rito.
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 55 – Ang Pagkakagulo
Sa kabanatang ito, hindi mapakali sina Maria Clara at Sinang sa paghihintay kay Ibarra na darating sa ika-walo ng gabi. Samantala, si Padre Salvi ay palakad-lakad sa may bulwagan habang si Linares ay kumakain.
Nang sumapit ang ika-walo, napaupo si Padre Salvi sa isang sulok dahil iyon ang oras ng paglusob sa kumbento at sa kwartel. Tumunog ang kampana at nagdasal silang lahat habang pumasok si Ibarra na luksang-luksa ang suot. Ngunit biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok. Nagkahiwalay ang magkasintahang Maria Clara at Ibarra.
Mabilis na naglakad si Ibarra patungo sa kanyang bahay at inutusan ang kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Ngunit bago siya makalabas, may dumating na mga kawal at isinama siya ng Sarhento.
Samantala, si Elias ay naguguluhan sa kanyang isipan at pumasok sa bahay ni Ibarra. Nadatnan niya ang katulong ni Ibarra na naghihintay sa kanilang amo. Pagkatapos niyang makuha ang mga kasulatan, aklat, alahas, at baril, sinunog niya ang mga damit at papel. Nang pumasok ang mga kawal, sinalubong sila ng makapal na usok ng apoy at malakas na pagsabog.
Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 55
Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-55 Kabanata ng Noli Me Tangere:
- Maria Clara
- Sinang
- Padre Salvi
- Linares
- Ibarra
- Tiya Isabel
- Alperes
- Elias
- Katulong ni Ibarra
- Mga Kawal
Mga Aral sa Noli Me Tangere Kabanata 55
Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 55 ng Noli Me Tangere:
- Sa kabanatang ito, makikita ang halaga ng pananatili sa katuwiran at pagpapasya ng tama sa kabila ng kaguluhan at panganib. Si Ibarra, sa kabila ng pagmamadali, ay pinili pa ring sumunod sa kanyang prinsipyo at pagmamahal sa bayan kahit na siya ay nasa panganib.
- Sa kabilang dako, ipinakita ni Elias ang kanyang pagiging mapagkawanggawa at pagtitiwala sa kanyang sariling kakayahan upang makatulong sa iba, bagaman siya ay may sariling dinaramdam na poot at galit. Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng moral na aral na maaari nating pag-ukulan ng pansin at gawing gabay sa ating buhay. Sa gitna ng pagkakagulo, ang pagpapasyang may katuwiran at pagtitiwala sa sarili ay mahalaga upang mapanatili ang pagkakaisa at mabigyan ng pag-asa ang mga taong nasa paligid natin.
At ‘yan ang Noli Me Tangere Kabanata 55 Buod, mga Tauhan, at Aral. Kung naging kapaki-pakinabang sa iyo ang araling ito, ibahagi mo ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila din ay matuto sa bahaging ito ng nobela.
Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.
Mga kaugnay na aralin
Noli Me Tangere Kabanata 56 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 57 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 58 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 59 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 60 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 54 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 53 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 52 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 51 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 50 Buod, mga Tauhan, at Aral