Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 56 – Mga Sabi-sabi at Pala-palagay. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang mga mahahalagang aral na mapupulot mo rito.
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 56 – Mga Sabi-sabi at Pala-palagay
Sa kabanatang ito, kapwa takot at kaba ang bumalot sa bayan ng San Diego. Walang taong makikita sa daan at mistulang nakalulon ng katahimikan ang paligid. Ngunit unti-unti, nagkaroon ng lakas ng loob ang mga tao na magbukas ng kanilang mga bintana at magpalitan ng balita. Sinasabing may nangyaring kalagim-lagim na insidente noong nakaraang gabi na ikinumpara sa pagsalakay ni Balat.
May mga chismis na kumalat na si Kapitan Pablo ang may kagagawan ng pagsalakay. Ayon sa ilan, ang mga kuwadrilyero ang nagdakip kay Ibarra. Nabalita rin na nagtangkang itanan ni Ibarra si Maria Clara upang hindi matuloy ang kasal nito kay Linares, ngunit nabigo dahil sa paghadlang ni Kapitan Tiago at ng mga sibil. Isang lalaki naman na galing sa tribunal ang nagsabing si Bruno ay nagtapat na tungkol sa pagkakaroon ng relasyon nina Ibarra at Maria Clara.
Ibinunyag din na balak ni Ibarra na paghigantihan ang simbahan at mabuti na lamang daw at nasa bahay ni Kapitan Tiago si Padre Salvi. Sinasabing ang mga sibil ang sumunog sa bahay ni Ibarra. At sa dulo ng kabanata, mayroong babaeng nagsabing nakita niya si Lucas na nakabitin sa ilalim ng puno ng santol.
Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 56
Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-56 Kabanata ng Noli Me Tangere:
- Mga taga-San Diego
- Ibarra
- Maria Clara
- Kapitan Pablo
- Mga kuwadrilyero
- Linares
- Balat
- Kapitan Tiyago
- Hermana Pute
- Bruno
- Padre Salvi
- Lucas
Mga Aral sa Noli Me Tangere Kabanata 56
Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 56 ng Noli Me Tangere:
- Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging maingat sa pagpapakalat ng impormasyon at chismis. Naging sentro ng usapin ang mga kwento na walang katiyakan at nagbunga ng maling pagkakaintindi at pagbibintang sa mga taong hindi naman dapat sisihin. Ipinapakita rin ng kabanatang ito ang pagkakaroon ng takot sa hindi kilalang panganib at kung paano ito maaaring maging sanhi ng pagkalat ng maling impormasyon.
- Ang kabanatang ito ay nagbibigay-diin rin sa kahalagahan ng paghahanap ng katotohanan bago magbigay ng opinyon o paghusga sa mga tao o sitwasyon. Huwag magpaloko sa mga chismis at maling balita, at laging hanapin ang katotohanan upang makaiwas sa mga hindi kanais-nais na kaganapan.
At dito nagtatapos ang Noli Me Tangere Kabanata 56 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa ika-56 kabanata ng nobelang ito.
Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.
Mga kaugnay na aralin
Noli Me Tangere Kabanata 57 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 58 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 59 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 60 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 61 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 55 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 54 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 53 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 52 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 51 Buod, mga Tauhan, at Aral