Home » Articles » Noli Me Tangere Kabanata 46 Buod, Mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 46 Buod, Mga Tauhan, at Aral

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 46 – Ang Sabungan. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito, ang tagpuan, mga talasalitaan, pati na rin ang mga mahahalagang aral na mapupulot mo rito.

Related: Noli Me Tangere Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod)

Mga Nilalaman

See also: Noli Me Tangere Kabanata 45 Buod, mga Tauhan, Tagpuan, Talasalitaan, at Aral

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 46 – Ang Sabungan

Sa kabanatang ito, ipinakita ang eksena sa sabungan sa bayan ng San Diego, na nahahati sa tatlong bahagi: ang pasukan, ang ulutan, at ang ruweda. Ilan sa mga kilalang tao na naroroon sa araw na iyon ay sina Kapitan Tiago, Kapitan Basilio, at Lucas. Nagpustahan sina Kapitan Tiago at Kapitan Basilio ng tatlong daang piso, at sumunod din ang ibang sabungero sa pustahan.

Samantala, naiinggit ang magkapatid na Tarsilo at Bruno dahil wala silang pera upang makipusta. Lumapit sila kay Lucas upang manghiram ng pera, at pumayag si Lucas na magpautang sa kanila, ngunit may kondisyon: kailangan nilang sumama sa paglusob sa kwartel at mag-aakay pa ng iba upang mas malaki ang kanilang makukuha. Sa simula, ayaw ng magkapatid dahil kilala nila si Ibarra, ngunit sa huli, pinanghinaan na sila ng loob at pumayag sa kondisyon ni Lucas.

See also: Noli Me Tangere Buod ng Bawat Kabanata 1-64 with Talasalitaan

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 46

Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-46 Kabanata ng Noli Me Tangere:

Kapitan Tiago at Kapitan Basilio

Sa kabantang ito, sila ang mga mayayamang sabungero.

Lucas

Nagbigay ng kondisyon sa dalawang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno bago niya sila pautangin ng pera para sa pustahan.

Tarsilo at Bruno

Mga mahihirap na tao na nais makipusta ngunit kailangan munang makipagkasundo kay Lucas.

Read more: Noli Me Tangere Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa

Tagpuan sa Noli Me Tangere Kabanata 46

Ang tagpuan ng kabanata ay sa sabungan. Ito’y lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga tao upang manood at sumali sa paligsahan ng mga manok.

Talasalitaan sa Noli Me Tangere Kabanata 46

  • Sabungan – lugar kung saan ginaganap ang labanan ng mga manok
  • Puhunan – kapital o pera na ginagamit sa negosyo o pustahan
  • Buwis – obligasyong binabayaran sa pamahalaan para sa mga serbisyo publiko
  • Kakanin – mga pagkain na gawa sa kanin o sa ibang sangkap na katulad ng kanin
  • Sabungero – tao na naglalaro o sumasali sa paligsahan ng mga manok
  • Liamado – sa konteksto ng sabong, ito ay tumutukoy sa manok na may malaking tsansa na manalo
  • Dehado – sa konteksto ng sabong, ito ay tumutukoy sa manok na may mababang tsansa na manalo
  • Sandata – mga bagay na ginagamit sa pakikipaglaban o sa digmaan

Mga Aral, Mensahe, at Implikasyon sa Noli Me Tangere Kabanata 46

Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 46 ng Noli Me Tangere:

  • Sa kabanatang ito, ipinapakita ang impluwensiya ng sugal sa mga tao at kung paano ito maaaring maging dahilan upang gumawa sila ng mga hindi kanais-nais na bagay. Dahil sa tawag ng sugal, hindi na nakatiis ang magkapatid na Tarsilo at Bruno at pumayag sa kondisyon ni Lucas na sumama sa paglusob sa kwartel. Ang kabanata ay nagpapakita rin ng pagtataksil at pang-aabuso sa kapwa, sa pamamagitan ng paggamit ng salapi bilang kapalit sa pagsunod sa isang mapanganib na plano.
  • Ang mensaheng nais iparating ng kabanatang ito ay ang pag-iingat sa impluwensiya ng sugal at kung paano ito maaaring makasira sa buhay ng isang tao. Sa halip na tumungo sa landas na ito, mahalaga na maging responsable sa paggasta at paghawak ng pera, at huwag hayaang matabunan ng sugal ang mas mahalagang bagay sa buhay.

At dito nagtatapos ang Noli Me Tangere Kabanata 46 Buod, mga Tauhan, Tagpuan, Talasalitaan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa ika-46 kabanata ng nobelang ito.

Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen. Para sa karagdagang mga tanong tungkol sa ating aralin, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba.

See also: Noli Me Tangere Kabanata 47 Buod, mga Tauhan, Tagpuan, Talasalitaan, at Aral

0 Shares
Share via
Copy link