Noli Me Tangere Kabanata 50 Buod, Mga Tauhan, at Aral

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 50 – Mga Kamag-anak ni Elias. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang mga mahahalagang aral na mapupulot mo rito.


Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 50 – Mga Kamag-anak ni Elias

Sa kabanatang ito, ibinahagi ni Elias ang kanyang mapait na pinagmulan kay Ibarra. Ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay-kalakal ng mga Kastila. Sinunog ang tanggapan ng kanyang nuno at siya ay nahatulan ng salang panununog. Ang kanyang asawa ay buntis noon at pinagdusa din ng mga awtoridad.

Namundok ang kanilang pamilya, ngunit namatay ang isinilang na sanggol at nagbigti ang nuno ni Elias. Lumipat ang pamilya sa ibang lalawigan at naging tulisan ang panganay na anak.

Siya’y nanunog at pumatay upang maipaghiganti ang kaapihang natamo. Dahil dito’y nakilala siya sa tawag na balat. Ang kanyang ina naman ay nakilala sa tawag na haliparot, delingkuwente at napalo samantalang ang bunso niyang kapatid, palibhasa’y mabait ay tinawag na lamang na anak ng ina.

Nagkaroon ng relasyon ang anak ng ina sa isang mayamang dalaga at nagkaroon sila ng kambal silang anak, na sina Elias at Concordia. Namatay ang ina ng kambal at lumaki sila na walang alam sa kanilang ama. Nakapag-aral si Elias sa mga Heswitas, habang si Concordia ay nakatakdang ikasal sa isang binata. Ngunit sinira ng kanilang nakaraan ang kanilang kinabukasan. Nawala si Concordia at natagpuan ang kanyang bangkay sa baybayin ng Calamba. Si Elias ay nagpagala-gala at nagkaroon ng pagkakataong makilala si Ibarra.

Nang makarating na sa baybayin sina Ibarra at Elias, nagpaalam na ang una at inutusan si Elias na kalimutan na siya at huwag nang batiin sa kahit anong sitwasyon na magkita sila.

Si Elias naman ay nagbalik na sa kuta ni Kapitan Pablo at ipinaalam sa Kapitan na kung hindi rin lamang siya mamamatay, tutuparin niya ang kanyang pangako na sasama sa kanila sa oras na ipasya ng lider na dumating na ang panahon ng pakikipaglaban sa mga Kastila.

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 50

Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-50 Kabanata ng Noli Me Tangere:

  • Elias
  • Ibarra
  • Mga nuno ni Elias
  • Concordia
  • Kapitan Pablo

Mga Aral sa Noli Me Tangere Kabanata 50

Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 50 ng Noli Me Tangere:

  • Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng pagdurusang kinaharap ng mga inaapi at walang kalayaan sa panahon ng mga Kastila. Isa sa mga aral na maaaring makuha sa kabanata ay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng hustisya at pagkakapantay-pantay para sa lahat ng tao, anuman ang kanilang pinagmulan, antas sa buhay, o kasarian. Hindi nararapat na pagdusahan ng mga anak ang mga kasalanan ng kanilang mga magulang, at hindi rin nararapat na maging dahilan ang nakaraan upang hadlangan ang kanilang kinabukasan.
  • Ang pagpapahalaga sa pamilya ay isa pang aral na maaaring makuha sa kabanata. Sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap ng mga tauhan, ipinapakita ng kwento ang kahalagahan ng pagmamahal at pagtitiis para sa kapakanan ng pamilya.
  • Kailangan din nating matutunan na magpatawad at magbigay ng pagkakataon sa mga taong nagkamali, lalo na kung handa nilang ituwid ang kanilang mga pagkakamali at magsimula ng panibagong buhay.
  • Ang pagkakaibigan nina Elias at Ibarra ay nagpapakita rin ng pag-unawa at pagtanggap sa isa’t isa sa kabila ng kanilang magkaibang pinagmulan at paniniwala. Ito ay nagpapahiwatig na ang pagkakaisa ay maaaring matamo kung tayo ay magkakaroon ng bukas na isipan at handang makinig sa iba’t ibang pananaw. Ang pagbabago ay maaaring magsimula sa ating sarili, at sa pagkilos natin para sa ikabubuti ng ating kapwa.
  • Sa kabuuan, ang kabanatang ito ng Noli Me Tangere ay nagpapakita ng mapait na realidad ng panahon ng kolonyalismong Kastila. Ang mga aral na maaaring makuha dito ay magagamit natin sa kasalukuyan upang maging gabay sa pagpapahalaga sa ating mga karapatan, pagkakaisa, pagmamahal sa pamilya, at pagsusumikap na magkaroon ng hustisya at pagkakapantay-pantay sa lipunan.

At dito nagtatapos ang Noli Me Tangere Kabanata 50 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa ika-50 kabanata ng nobelang ito.

Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.

Mga kaugnay na aralin

Noli Me Tangere Kabanata 51 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 52 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 53 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 54 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 55 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 49 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 48 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 47 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 46 Buod, mga Tauhan, at Aral

Noli Me Tangere Kabanata 45 Buod, mga Tauhan, at Aral

  • Save
Share via
Copy link