Tatalakayin natin sa post na ito ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 35 – Ang Usap-usapan. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang aral at mahahalagang kaisipan na mapupulot mo rito.
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 35 – Ang Usap-usapan
Naging usap-usapan sa San Diego ang naganap na alitan sa pananghalian kung saan ay nagkaharap si Ibarra at Padre Damaso. Pinanigan ng karamihan si Padre Damaso dahil sa kanilang pananaw, hindi sana nangyari ang gulo kung nagtimpi lang si Ibarra. Ngunit si Kapitan Martin ay nakaintindi sa galit ni Ibarra dahil sa paglapastangan ng pari sa ama ng binata, mahirap mapigilan ang sarili.
Si Don Filipo ay naniniwala na umaasa si Ibarra na susuportahan siya ng mga tao bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang ginawa niya at ng kanyang ama. Gayunpaman, nanindigan ang kapitan ng bayan na wala silang magagawa dahil sa palaging may katwiran ang mga prayle. Ayon kay Don Filipo, ang mga taumbayan ay hindi nagkakaisa at watak-watak, samantalang ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod.
Takot ang mga matatandang babae na hindi panigan si Padre Damaso dahil baka mapunta sila sa impyerno. Natuwa naman si Kapitana Maria sa pagtatanggol ni Ibarra sa kanyang ama. Ang mga magsasaka ay nawalan ng pag-asa na baka hindi matuloy ang pagpapatayo ng paaralan, dahilan para hindi makatapos ang kanilang mga anak sa pag-aaral.
Kumalat ang balitang baka hindi na matuloy ang pagpapatayo ng simbahan dahil tinawag na pilibustero si Ibarra ng prayle. Hindi naman maintindihan ng mga magsasaka ay ang ibig sabihin ng salitang “Pilibustero.”
Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 35
Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-35 Kabanata ng Noli Me Tangere:
- Padre Damaso
- Ibarra
- Kapitan Martin
- Don Filipo
- Kapitan ng bayan
- Kapitana Maria
- Mga magsasaka
- Mga matatandang babae
Mga Aral sa Noli Me Tangere Kabanata 35
Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 35 ng Noli Me Tangere:
- Ang Kabanata 35 ay nagpapakita ng pagkakahati-hati ng mga tao at ang impluwensya ng mga prayle sa kanilang desisyon. Isa sa mga mahalagang aral na maaaring makuha dito ay ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagsuporta sa isa’t isa, lalo na sa panahon ng kagipitan.
- Mapapansin din ang pagkalat ng takot at pangamba na maaring dahilan ng pagpapasya ng mga tao na sumunod na lamang sa mga prayle kahit labag sa kanilang kalooban. Higit sa lahat, ang kabanatang ito ay nagtuturo sa atin na mahalagang magkaroon ng paninindigan sa sariling prinsipyo at maging handa na ipagtanggol ang ating mga mahal sa buhay.
At ‘yan ang Noli Me Tangere Kabanata 35 Buod, mga Tauhan, at Aral. Kung naging kapaki-pakinabang sa iyo ang araling ito, ibahagi mo ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila din ay matuto sa bahaging ito ng nobela.
Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.
Mga kaugnay na aralin
Noli Me Tangere Kabanata 36 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 37 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 38 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 39 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 40 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 34 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 33 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 32 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 31 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 30 Buod, mga Tauhan, at Aral