El Filibusterismo Kabanata 19 Buod, Mga Tauhan, at Aral

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng El Filibusterismo Kabanata 19 – Ang Mitsa. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang mga mahahalagang aral na mapupulot mo rito.


Buod ng El Filibusterismo Kabanata 19 – Ang Mitsa

Nagngangalit na lumabas si Placido Penitente mula sa klase, nais niyang gumawa ng paghihiganti. Nakita niya sina Padre Sibyla at Don Custodio na nasa sasakyan at gusto niyang habulin ang pari. Sa Escolta, nakita niya ang dalawang Agustino, ngunit pinigilan niya ang sarili sa pagnanais na suntukin ang mga ito. Sa bahay, dumating ang ina niyang si Kabesang Andang mula sa Batangas. Nagpaalam si Placido na hindi na siya mag-aaral at pagkatapos ay naglibot sa iba’t ibang lugar.

Nagutom si Placido at naisipang umuwi, pero nagkamali siya ng akala na wala na ang kanyang ina. Si Kabesang Andang ay pinakiusapan ang prokurador ng Agustino upang ayusin ang problema ni Placido, ngunit matigas ang ulo niya. Hindi na kumain si Placido at lumabas muli. Pumunta siya sa daungan ng bapor at naisip na magpunta sa Hongkong upang magpayaman. Sa perya, nakita niya si Simoun at ikinuwento niya ang nangyari sa kanya at ang kanyang plano.

Isinama siya ni Simoun sa kanyang karwahe at nakita nila sina Isagani at Paulita. Pagkatapos ay nagpatuloy sila sa paglalakbay at nakarating sa bahay na pagawaan ng pulbura. Inatasan si Simoun na makipagkita sa tenyente at kabo ng mga militar, at si Kabesang Tales. Ayon sa guro, hindi pa sila handa, pero sabi ni Simoun ay sapat na ang mga kakampi nila. Dalawang oras silang nag-usap bago umuwi si Placido sa kaserahan.

Kinabukasan, nakikinig na si Placido sa pangaral ng kanyang ina at hindi na siya tumutol sa mga payo nito. Pinapauwi na niya ang ina sa Batangas upang hindi malaman ng prokurador na nandoon siya.

Mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 19

Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-19 Kabanata ng El Filibusterismo:

  • Placido Penitente
  • Padre Sibyla
  • Don Custodio
  • Kabesang Andang
  • Simoun
  • Isagani
  • Paulita
  • Tenyente
  • Kabo ng mga militar
  • Kabesang Tales

Mga Aral sa El Filibusterismo Kabanata 19

Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 19 ng El Filibusterismo:

  • Ang kuwento ay nagpapahiwatig ng paglaban ng kabataan sa kanilang nararamdamang pagkakait ng kalayaan at katarungan. Ipinapakita rin nito ang pagiging mapusok at mapangahas ng kabataan sa pagharap sa kanilang mga problema, ngunit nagbibigay-diin din sa kahalagahan ng pagpapayapa ng emosyon at pagsunod sa payo ng mga magulang upang maiwasan ang pagkakamali sa mga desisyon sa buhay.

At dito nagtatapos ang El Filibusterismo Kabanata 19 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa unang kabanata ng nobelang ito.

Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.

Mga kaugnay na aralin

El Filibusterismo Kabanata 20 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 21 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 22 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 23 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 24 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 18 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 17 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 16 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 15 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 14 Buod, mga Tauhan, at Aral

  • Save
17 Shares
17 Shares
Share via
Copy link