Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 34 – Ang Pananghalian. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang mga mahahalagang aral na mapupulot mo rito.
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 34 – Ang Pananghalian
Sa araw na darating ang Heneral, naghanda ng pananghalian si Kapitan Tiago para sa mga taga-San Diego, kasama sina Ibarra, Maria Clara, alkalde mayor, eskribano, mga kapitan, mga pari, kawani ng pamahalaan, at mga kaibigan. Nagtaka ang karamihan dahil wala pa si Padre Damaso. Sa gitna ng pagkain, nagkaroon ng mga usapan tungkol sa kubyertos, mga kursong gusto nilang ipakuha sa kanilang mga anak, at iba pang paksa.
Biglang dumating si Padre Damaso at lahat ay bumati sa kanya maliban kay Ibarra. Nagsimula ang pari na patutsadahan si Ibarra, at tahimik lang itong nakikinig. Subalit, nang ungkatin ni Padre Damaso ang pagkamatay ng ama ni Ibarra, hindi na ito napigilan at muntik nang saksakin ang pari, ngunit pinigilan siya ni Maria Clara. Dahil dito, kumalma si Ibarra at umalis na lang.
Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 34
Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-34 Kabanata ng Noli Me Tangere:
- Ibarra
- Padre Damaso
- Kapitan Tiago
- Heneral
- Maria Clara
- Alkalde Mayor
- Eskribano
- Mga Kapitan ng San Diego
- Mga Pari
- Mga Kawani ng Pamahalaan
- Mga Kaibigan nina Maria Clara at Ibarra
Mga Aral sa Noli Me Tangere Kabanata 34
Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 34 ng Noli Me Tangere:
- Sa kabanatang ito, ipinapakita ang iba’t ibang aspeto ng lipunan sa panahong iyon. Naging sentro ng usapan ang mga isyu tulad ng kamangmangan sa kubyertos, ang pangangailangan ng edukasyon, at ang impluwensya ng mga pari. Dito rin lumitaw ang kahalagahan ng pagpipigil sa sarili at pagrespeto sa iba, kahit na ang kanilang opinyon ay hindi tugma sa atin.
- Nagmumungkahi rin ang kabanata na maging mas maingat sa mga sinasabi, dahil ito ay maaaring magdulot ng mga hindi inaasahang pangyayari. Sa sitwasyon nina Ibarra at Padre Damaso, napakita na ang pagkakaroon ng labis na galit at paghahangad ng paghihiganti ay hindi makakatulong sa pagharap sa mga suliranin sa lipunan.
- Sa huli, ang pagpapahalaga sa pagmamahal, pagkakaibigan, at pagtitiis ay makakatulong upang mabago ang takbo ng mga pangyayari.
At dito nagtatapos ang Noli Me Tangere Kabanata 34 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa ika-34 kabanata ng nobelang ito.
Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.
Mga kaugnay na aralin
Noli Me Tangere Kabanata 35 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 36 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 37 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 38 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 39 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 33 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 32 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 31 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 30 Buod, mga Tauhan, at Aral
Noli Me Tangere Kabanata 29 Buod, mga Tauhan, at Aral