Florante at Laura Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod)

Isang kilalang manunula si Francisco “Balagtas” Baltazar na siyang may akda ng Florante at Laura. Sa obrang ito ni Balagtas ay may dalawang katotohanan tayong mapapansin na nakapaloob sa kwento.

Una, ipinapakita nito ang kalunos-lunos na kalagayan ng Pilipinas noong sinusulat ang akdang ito. Nais ipabatid ng manunulat ang pagmamalupit ng mga taong may posisyon sa lipunan, pagmamalupit dala ng kasakiman sa salapi.

SEE ALSO: Florante at Laura Buod ng Bawat Kabanata 1-30 with Talasalitaan

Pangalawa, ang kaawa-awang kalagayan ni Balagtas noong nakakulong siya sa Pandakan. Katulad ng isang Floranteng nakagapos sa puno ng higera sa gitna ng mapanglaw na gubat.

Halina’t basahin ang pinaikling bersyon ng Florante at Laura buod ng buong kwento na aming ginawa upang maintindihan ng mas mabilis ang obrang ito ni Balagtas.

Para naman kilalanin ang mga tauhan sa kwentong ito ay maaari mo rin basahin ang Florante at Laura Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa.

[lockercat]

Download the PDF version of this post by clicking this link.

[/lockercat]


Maikling Buod ng Florante at Laura

Sa isang madilim na gubat ay may isang lalaking nagngangalang Florante na nakagapos sa puno ng higera. Bagaman ito ay may kaawa-awang itsura ay bakas pa rin sa kaniyang mukha ang mala-Adonis na itsura.

Labis nitong pinagdaramdam ang naudlot na pag-iibigan nila ng kaniyang sintang si Laura. Hindi niya lubos na maisip na pagtataksilan siya ni Laura at sumama kay Konde Adolfo gayong labis naman ang pag-ibig na alay nito para sa dalaga.

Sa kabilang banda’y naroroon din sa gubat si Aladin. Katulad ni Florante, si Aladin ay mayroong ding dinadalang kabigatan dahil si Flerida na kaniyang mahal ay inagaw ng kaniyang ama na si Sultan Ali-Adab.

Habang nagdaramdam si Aladin ay narinig niya ang mga ungol at buntung-hininga ni Florante. Hinanap niya ang pinanggagalingan ng mga ingay na iyon. Nagkataon nang makita niya ang kinaroroonan ni Florante ay napaliligiran na ito at aakmain na ng dalawang leon.

Nagmadali si Aladin at pinagtataga nito ang dalawang leon. Agad nitong pinutol ang mga tali na nakagapos kay Florante. Dahil sa pagod ay nawalan ng malay si Florante.

Sa kaniyang paggising ay isang Moro ang kaniyang nasilayan. Nabigla ito dahil bagaman sila ay di magkasekta ay nagawa pa ring tumulong sa kaniya ni Aladin.

Binantayan ni Aladin si Florante magdamag dahil sa pangambang makagat siya ng mga pagala-galang hayop sa gubat. Nang magkaroon na ng lakas ay nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ang dalawa.

Isinalaysay ni Florante ang kaniyang buhay simula ng kaniyang pagkabata maging ang mga pangangaral ng kaniyang ama’t ina na sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca.

Nabanggit niya din ang pagbabalatkayo ni Adolfo noong sila’y magkamag-aral pa sa Atenas at ang matinding lungkot na kaniyang dinanas nung makatanggap siya ng isang liham na nagsasabing patay na ang kaniyang ina.

Nang makabalik noon si Florante sa Alabnya ay naatasan siyang maging heneral ng isang hukbo na siyang magtatanggol sa kaharian ng Albanya laban sa mga kaaway nito.

Kinalaban niya ang heneral ng Persiya na si Osmalik. Iniligtas niya ang mga tao sa Albanya ng lusubin sila ng hukbo ng mga Moro. Napagtagumpayan din niya ang pakikipaglaban sa hukbo ng Turkong pinamumunuan ni Miramolin.

Sunud-sunod na natalo ni Florante ang mga kaaway ng Albanya kung kaya’t marami ang humanga at gumalang sa kaniya. Dahil dito ay nagalit si Adolfo kay Florante dala ng matinding inggit.

Nagpadala siya ng sulat kay Florante na may pirma ng pangalan ni Haring Linceo na nagsasabing bumalik ito sa Albanya na mag-isa. Nang makarating ay agad itong iginapos at ikinulong.

Napag-alaman din ni Florante na pinapugot ni Adolfo ang ulo ng kaniyang ama at Haring Linceo kasama ang iba pang konseho. Nabalitaan niya rin na magpapakasal si Laura kay Adolfo.

Narinig nina Florante at Aladin ang pag-uusap ng dalawang babae. Ikinukwento ng isang babae ang kanyang pagpapakasakit kapalit ng kaligtasan ng kaniyang minamahal.

Natigilan ang dalawang dalaga sa pag-uusap nang biglang dumating sina Florante at Aladin. Ang dalawang babaeng ito ay sina Laura at Flerida.

Naging isang paraiso ang gubat nang muling magkatagpo ang apat. Isinalaysay din ni Flerida ang ginawang pagliligtas niya kay Laura.

Habang nag-uusap ang apat ay dumating si Minandro kasama ang kaniyang hukbo mula sa Etolya.

Nagdiwang ang mga ito dahil sa pagkakaroon ng bagong hari at reyna ng Alabanya. Ang mga Morong na sina Aladin at Flerida naman ay pumayag na magpabinyag.

Bumalik si Aladin sa Persiya matapos mamatay ang kaniyang ama na si Sultan Ali-Adab.

Naging maunlad at mapayapa ang kaharian ng Albanya dahil sa mahusay na pamumuno nina Florante at Laura.

SEE ALSO: Ibong Adarna Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod)

Share this: