Ang Ibong Adarna ay isang korido na sinasabing isinulat ni José de la Cruz na kilala rin sa bansag na Huseng Sisiw. Ito ay patungkol sa isang mahiwagang ibon na may kakayahang magpagaling ng sakit.
Bukod sa ibon at kay Don Juan, marami pang ibang mga tauhan ang kasama sa koridong Ibong Adarna. Kabilang na nga d’yan ang mga kapatid at mga babaeng inibig ni Don Juan.
See also: Ibong Adarna Buod ng Bawat Kabanata 1-46 with Talasalitaan
Para kilalanin ang iba pang mga tauhan, narito ang aming ginawang post na pinamagatang “Ibong Adarna Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa”.
[lockercat]
Download the PDF version of this post by clicking this link.
[/lockercat]
See also: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Mga Tauhan sa Ibong Adarna
Narito ang mga pangunahing tauhan pati na rin ang mga tauhan na kaunti lamang ang ginampanan sa nasabing korido.
1. Ibong Adarna
Isang engkantada; ibon na may magandang tinig na nakakapagpagaling ng may sakit
2. Don Juan
Bunsong prinsipe na may mabuting pag-uugali; nakahuli sa Ibong Adarna; napangasawa ni Prinsesa Maria Blanca
3. Don Fernando
Hari ng Berbanya na may makatarungang pamumuno; asawa ni Donya Valeriana; ama nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan
4. Don Pedro
Panganay sa tatlong prinsipe; mainggitin; mahilig magtaksil at maghiganti; napangasawa ni Prinsesa Leonora
5. Don Diego
Pangalawang prinsipe na madaling napapasunod ni Don Pedro; napangasawa ni Prinsesa Juana na kapatid ni Prinsesa Leonora
6. Prinsesa Juana
Prinsesang iniligtas ni Don Juan mula sa higante; kapatid ni Donya Leonara; unang inibig ni Don Juan
7. Prinsesa Leonora
Muntik nang mapangasawa ni Don Juan; kapatid ni Donya Juana; ikalawang inibig ni Don Juan; napangasawa ni Don Pedro at naging reyna sa Berbanya
8. Maria Blanca
Prinsesa ng Reyno delos Cristales; may taglay na mahika blanka na tumulong kay Don Juan para mapagtagumpayan ang mga pagsubok ni Haring Salermo; siya ang pinakamaganda sa tatlong anak ni Haring Salermo; ikatlo at huling inibig ni Don Juan; siya rin ang nakatuluyan ni Don Juan sa dulo ng kwento
9. Haring Salermo
Hari ng Reyno delos Cristales; tusong ama ni Maria Blanca; may taglay na itim na mahika na kanyang ginagamit upang subukin ang mga nagtatangkang manligaw sa kanyang anak
10. Donya Valeriana
Reyna ng Berbanya; asawa ni Don Fernando; ina nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan
11. Manggagamot
Ang gumagamot sa sakit ni Haring Fernando; siya rin ang nagsabi na ang tanging lunas sa sakit ng hari ay ang awit ng Ibong Adarna
12. Matandang Leproso
Minsang natulungan ni Don Juan na nagpayo sa binata na dumaan muna sa ermitanyo bago hulihin ang Ibong Adarna
13. Unang Ermitanyo
Nagpayo kay Don Juan kung paano mahuhuli ang Ibong Adarna
14. Ikalawang Ermitanyo
Siya ang nagsabi kay Don Juan na pumunta pa sa isang ermitanyo dahil hindi niya alam ang daan patungong Reyno delos Cristales
15. Ikatlong Ermitanyo
Hindi rin niya alam ang daan patungong Reyno delos Cristales ngunit nang tawagin niya ang lahat ng ibon ay naituro ng agila kung saan iyon. Dahil dito, ipinag-utos niya sa agila na dalhin si Don Juan doon.
16. Malaking agila
Ang nagturo ng daan at naghatid kay Don Juan patungong Reyno delos Cristales
17. Higante
Pinaslang nio Don Juan upang mailigtas si Prinsesa Juana na kapatid ni Prinsesa Leonora
18. Serpyenteng may pitong ulo
Ang nagbabantay kay Prinsesa Leonora; pinaslang din ni Don Juan upang mailigtas ang dalaga
19. Lobo
Alaga ni Prinsesa Leonora na initusan niya upang hanapin at iligtas si Don Juan ng siya ay makalawang ulit na pinagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego
20-21. Prinsesa Isabel at Prinsesa Juana
Mga kapatid ni Prinsesa Maria Blanca
22. Arsobispo
Ang nagsabi na dapat piliin ni Don Juan si Prinsesa Leonora dahil ito ang mas nauna kaysa kay Prinsesa Maria Blanca
At sila nga ang mga tauhang bumubuo sa Ibong Adarna. Kung nakatulong sa iyo ang aming ginawang post na ito na Ibong Adarna tauhan, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan. Salamat!