El Filibusterismo Kabanata 21 Buod, Mga Tauhan, at Aral

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng El Filibusterismo Kabanata 21 – Mga Anyo ng Taga-Maynila. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang mga mahahalagang aral na mapupulot mo rito.


Buod ng El Filibusterismo Kabanata 21 – Mga Anyo ng Taga-Maynila

Sa gabi ng pagtatanghal ng Les Choches de Corneville ng mga Pranses sa Teatro de Variendades, naubos agad ang mga tiket. Nagkataong naroon ang Kastilang pulubi na si Camarroncocido at ang matandang lalaking si Tiyo Kiko. Sinabi ni Camarroncocido na ang kikitain sa palabas ay mapupunta sa mga pari.

Hati ang opinyon ng mga taga-Maynila sa palabas. Ayon sa ilan, masagwa at laban sa moralidad ito, samantalang mayroon ding nagtatanggol dito. Ang usapin ay umabot sa mga pangalan tulad ni Kapitan Heneral, Simoun, Quiroga, at mga artista.

Napansin ni Camarroncocido ang mga taong hindi sanay sa amerikana at lumapit sa isang karwahe na lulan si Simoun. Nadinig niya ang hudyat na “isang putok,” na nagpapahiwatig na may balak ang mga ito.

Naririnig ni Camarroncocido ang usapan ng dalawang tao na nagsabing ang mga kura ay mas malakas kaysa Heneral. Naaawa si Camarroncocido sa bayan, ngunit wala siyang pakialam sa mga narinig.

Samantala, makikita si Tadeo sa labas ng dulaan na niloloko ang isang tao sa pagsasabi ng mga kasinungalingan. Dumating sina Donya Victorina, Paulita Gomez, Padre Irene, at Don Custodio.

Nang dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval, at Isagani, lumapit si Tadeo at sumama sa kanila dahil may sobrang tiket sila.

Mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 21

Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-21 Kabanata ng El Filibusterismo:

  • Camarroncocido
  • Tiyo Kiko
  • Kapitan Heneral
  • Simoun
  • Quiroga
  • Tadeo
  • Donya Victorina
  • Paulita Gomez
  • Padre Irene
  • Don Custodio
  • Makaraig
  • Pecson
  • Sandoval
  • Isagani

Mga Aral sa El Filibusterismo Kabanata 21

Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 21 ng El Filibusterismo:

  • Ang kabanata ay nagbibigay-diin sa pagkakabaha-bahagi ng opinyon at interes ng mga tao sa Maynila. Mahalaga na maging mulat sa iba’t ibang pananaw at maging kritikal sa pagtanggap ng impormasyon.
  • Ang pagbabalatkayo ay hindi magandang asal dahil maaring magdulot ito ng kawalang-tiwala at pagkalito sa kapwa.
  • Higit sa lahat, ang pag-aalala sa bayan ay hindi dapat maging panandalian lamang, kundi dapat maging bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay upang makapag-ambag sa pagbabago at pag-unlad ng lipunan.

At dito nagtatapos ang El Filibusterismo Kabanata 21 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa unang kabanata ng nobelang ito.

Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.

Mga kaugnay na aralin

El Filibusterismo Kabanata 22 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 23 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 24 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 25 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 26 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 20 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 19 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 18 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 17 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 16 Buod, mga Tauhan, at Aral

  • Save
20 Shares
20 Shares
Share via
Copy link