Home » Articles » Noli Me Tangere Kabanata 9 Buod

Noli Me Tangere Kabanata 9 Buod, Mga Tauhan, at Aral

Tatalakayin natin sa post na ito ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 9 – Ang Balita Tungkol sa Bayan. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito, ang tagpuan, mga talasalitaan, pati na rin ang aral na mapupulot mo rito.

Related: Noli Me Tangere Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod)

Mga Nilalaman

See also: Noli Me Tangere Kabanata 8 Buod, mga Tauhan, Tagpuan, Talasalitaan, at Aral

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 9 – Ang Balita Tungkol sa Bayan

Sa kabanatang ito, nagpaplano na si Maria Clara na lumipat sa kumbento upang kunin ang kanyang kagamitan. Ngunit, dumating si Padre Damaso at pinigilan ang kanilang pag-alis.

Inamin ni Padre Damaso kay Kapitan Tiyago na hindi niya gusto ang relasyon nina Maria Clara at Ibarra. Dahil sa mga sinabi ni Padre Damaso, pinatay ni Kapitan Tiyago ang mga kandila na itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra.

Sa kabilang banda, nagtungo si Padre Sybila sa kumbento ng Dominikano upang dalawin ang isang may sakit na pari. Nagkwentuhan sila tungkol sa mga pangyayari, tulad ng pag-aaway nina Padre Damaso at Kapitan Tiyago, ang pagpanig diumano ng Tinyente sa Kapitan Heneral, at ang pakikipag-alyansa kay Padre Damaso.

Ang matandang may sakit ay nakipagpalitan din ng saloobin at sinabing ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang kanilang mga kayamanan. Aniya, natuto na ang mga Pilipino sa paghawak ng ari-arian.

See also: Noli Me Tangere Buod ng Bawat Kabanata 1-64 with Talasalitaan

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 9

Narito ang mga tauhang nabanggit sa kabanata 9 ng Noli Me Tangere:

Padre Damaso

Ang pari na parang hindi sang-ayon sa pagpunta ni Maria Clara at Tiya Isabel sa beateryo. Nagpahayag siya ng kanyang saloobin kay Kapitan Tiago at nagbigay ng pananaw na sana hindi nangyari ang mga hindi inaasahan kung mas naging madalas ang paghingi ng payo ni Maria Clara sa kanya.

Kapitan Tiago

Ang ama ni Maria Clara at isang mayamang tao. Pinasindihan niya ang mga mamahaling kandila para sa kanyang anak at sa ligtas na paglalakbay ni Ibarra.

Maria Clara

Ang anak ni Kapitan Tiago at itinakdang mapangasawa ni Ibarra. Kasama niya si Tiya Isabel papunta sa beateryo.

Tiya Isabel

Ang kasama ni Maria Clara na papunta sa beateryo.

Ibarra

Isang binata na inaabangan ang pagdating ni Maria Clara. Binanggit din na mayroong kanya at Padre Damaso na halos matuloy na pag-aaway.

Padre Sibyla

Isa pang pari na tumungo sa kumbento upang ikwento sa matandang pari ang mga nangyari.

Read more: Noli Me Tangere Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa

Tagpuan sa Noli Me Tangere Kabanata 9

Ang mga tagpuan sa kabanatang ito ay sa Bahay ni Kapitan Tiago, beateryo, at kumbento.

Talasalitaan sa Noli Me Tangere Kabanata 9

  • Beateryo – lugar kung saan nakatira ang mga madre o relihiyosa
  • Masinsinan – mabusising pag-uusap o pagdidiskusyon
  • Naninilaw – nagiging dilaw o palatandaan ng karamdaman
  • Paratang – mga akusasyon o mga alegasyon
  • Indio – terminong ginamit noon para sa mga katutubong Pilipino
  • Patutunguhan – destinasyon o kung saan papunta

Mga Aral, Mensahe, at Implikasyon sa Noli Me Tangere Kabanata 9

  • Ang impluwensya ng mga taong may kapangyarihan sa desisyon ng iba ay maaaring magkaroon ng hindi magandang maidulot tulad ng pagiging makasarili at gahaman sa kapangyarihan ng mga prayle noong panahon ng kastila.
  • Higit na mahalaga ang prinsipyo kaysa sa opinyon ng iba.
  • Mainam na tumugon sa mga pagbabago at pagkakataon upang mapabuti ang kalagayan ng lipunan.
  • Huwag pagtaksilan ang kapwa Pilipino para lamang manatili sa magandang estado o kalagayan sa buhay.

At ‘yan ang Noli Me Tangere Kabanata 9 Buod, mga Tauhan, tagpuan, talasalitaan, at Aral. Kung naging kapaki-pakinabang sa iyo ang araling ito, ibahagi mo ito sa lahat upang sila din ay matuto sa bahaging ito ng nobela.

Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen. Para sa karagdagang mga tanong tungkol sa ating aralin, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba.

See also: Noli Me Tangere Kabanata 10 Buod, mga Tauhan, Tagpuan, Talasalitaan, at Aral

0 Shares
Share via
Copy link