Home » Educational » Pang-abay na Pananggi: Ano ang Pang-abay na Pananggi at mga Halimbawa nito

Pang-abay na Pananggi: Ano ang Pang-abay na Pananggi at mga Halimbawa nito

Matututunan mo sa pahinang ito kung ano ang pang-abay na pananggi. Mayroon din kaming ginawang mga halimbawa ng pang-abay na pananggi upang mas lalo mong maintindihan ang paksang ito.

Ano ang Pang-abay na Pananggi?

Ang pang-abay na pananggi ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi, pagtutol, o pagsalungat sa kilos na ipinapahayag ng pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay sa isang pangungusap.

Ginagamitan ito ng mga salitang hindidiayaw, o huwag. Sa wikang Ingles, ito ay tinatawag na adverb of negation.

Ano ang Pang-abay na Pananggi?
  • Save

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pananggi

Narito ang sampung halimbawa ng pang-abay na pananggi sa pangungusap.

  1. Huwag tularan ang mali niyang ginawa.
  2. Hindi mabuti ang pagtatapon ng basura kung saan-saan.
  3. Ayaw niyang sumagot sa mga chat ko.
  4. Hindi maganda ang panahon ngayon.
  5. Ayaw kausapin ni Bea si Andrew.
  6. Hindi mabuti ang pakiramdam ni Gng. Ramos.
  7. Ayaw tumigil sa paninigarilyo si Mang Ramon.
  8. Huwag kang sumama sa taong hindi mo kilala.
  9. Ayaw sumama ni Weng sa kanyang Tiya Lina.
  10. ‘Di tama ang pagsagot ng pabarang sa magulang.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pananggi
  • Save

Mga kaugnay na aralin

Kung natagpuan mong kapaki-pakinabang ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila rin ay matuto.

I-click ang share button na makikita sa screen para ibahagi ito sa iyong mga social media account. Maraming salamat!

  • Save
Share via
Copy link