Ang tambalang salita ay isa sa mga mahahalagang bahagi ng wikang Filipino na nagbibigay ng buhay at kulay sa ating mga pangungusap. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito, mas nakakapagpahayag tayo ng ating mga saloobin, damdamin, at kaisipan sa mas kasiya-siyang paraan.
Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung ano ang tambalang salita, ang iba’t ibang uri nito, at magbibigay din kami ng mga halimbawa pati na rin mga halimbawa nito sa pangungusap na maaaring makatulong sa iyong pag-unawa ng paksang ito.
Mga Nilalaman
- Ano ang Tambalang Salita?
- Mga Uri ng Tambalang Salita
- Mga Halimbawa ng Tambalang Salita
- Mga Halimbawa ng Tambalang Salita sa Pangungusap
Ano ang Tambalang Salita
Ang tambalang salita o compound word sa wikang Ingles ay binubuo ng dalawang magkaibang salita na pinagsasama upang makabuo ng isang bagong kahulugan. Madalas, ang mga salitang ito ay ginagamit upang magpakita ng katangian, kaganapan, o relasyon ng mga bagay o pangyayari sa ating paligid.
Mga Uri ng Tambalang Salita
Ang tambalang salita ay maaaring mahati sa dalawang uri:
1. Tambalang Ganap
Ito ay ang tambalang salita kung saan ang dalawang salita ay nagtataglay ng kahulugan kahit hiwalay sa isa’t isa, ngunit nagkakaroon ng bagong kahulugan kapag pinagsama ang dalawang salita.
- Halimbawa:
- bahaghari, hampaslupa, hanapbuhay, kapitbahay
2. Tambalang Di-ganap
Ito ang uri ng tambalang salita na nananatili ang kahulugan ng mga salitang pinagsama.
- Halimbawa:
- abot-kamay, bahay-ampunan, lakbay-aral
Mga Halimbawa ng Tambalang Salita
Narito ang ilang halimbawa ng mga tambalang salita:
- Agaw-buhay
- Agaw-eksena
- Agaw-pansin
- Akyat-bahay
- Anak-araw
- Anak-pawis
- Bahaghari
- Bahay-aliwan
- Bahay-bata
- Balat-sibuyas
- Biglang-yaman
- Boses-ipis
- Boses-palaka
- Bukang-liwayway
- Buntong-hininga
- Dahong-palay
- Hampaslupa
- Hatinggabi
- Ingat-yaman
- Isip-bata
- Isip-lamok
- Kapit-tuko
- Kapitbisig
- Kutong-lupa
- Lakad-pagong
- Likas-yaman
- Madaling-araw
- Matanglawin
- Matapobre
- Nakaw-tingin
- Ningas-kugon
- Pamatay-insekto
- Patay-gutom
- Silid-aklatan
- Silid-tulugan
- Sirang-plaka
- Takip-silim
- Tanghaling-tapat
- Tengang-kawali
- Tubig-alat
- Tubig-tabang
- Pusong-mamon
- Bantay-Salakay
- Pamatid-uhaw
- Anak-mayaman
Mga Halimbawa ng Tambalang Salita sa Pangungusap
- Dahil sa kanyang sakit, si Lola ay agaw-buhay na at kailangan ng agarang tulong medikal.
- Nang magsimula siyang sumayaw, agaw-eksena talaga siya sa party.
- Ang kanyang makulay na kasuotan ay agaw-pansin sa mata ng lahat.
- Mag-ingat sa mga akyat-bahay na gumagala kung gabi.
- Si Isko ay tinutukso ng kanyang mga kalaro na anak-araw.
- Si Jose ay isang anak-pawis na nagtatrabaho sa pabrika.
- Pagkatapos ng ulan, lumabas ang makulay na bahaghari sa langit.
- Huwag kang pumunta sa bahay-aliwan dahil baka masira ang buhay mo.
- Ang mga kababaihan ay may bahay-bata sa kanilang katawan.
- Huwag kang maging balat-sibuyas at matuto kang tanggapin ang mga puna.
- Maraming nagsasabi na biglang-yaman siya dahil sa kanyang mga negosyo.
- Dahil sa kanyang boses-ipis na pagkanta, pinagtawanan siya ng mga tao.
- Ayaw kong pakinggan ang boses-palaka niyang tinig.
- Gumising ako ng bukang-liwayway upang mag-ehersisyo sa parke.
- Malalim na buntong-hininga ang naging sagot ni Marco sa tanong ni Linda.
- Tinawag siyang hampaslupa dahil sa kanyang maralitang pamumuhay.
- Dumating siya sa aming bahay ng hatinggabi galing sa trabaho.
- Ang ingat-yaman ng kompanya ay nagkasala sa pagkakamali sa mga papeles.
- Huwag kang maging isip-bata at maging responsable sa iyong mga gawain.
- Dahil sa pagiging isip-lamok, maraming ang nainis sa kanya.
- Huwag kapit-tuko sa iyong giliw dahil di naman yan maaagaw sa’yo.
- Kapitbisig nating harapin ang hamon ng pandemya.
- Ayaw ni Pilar sa kutong-lupa miyang manliligaw.
- Palibhasa’t lakad-pagong kaya nahuli siya sa meeting.
- Ang Pilipinas ay mayaman sa likas-yaman tulad ng ginto, pilak, at tanso.
- Sa madaling-araw, masarap maglakad sa tabing-dagat habang ang hangin ay malamig.
- Ang agila ay kilalang matanglawin dahil sa kanyang matalas na pang-amoy at paningin.
- Huwag kang maging matapobre at matuto kang makisama sa lahat ng uri ng tao.
- Nakaw-tingin siyang sumulyap sa kanyang crush.
- Huwag maging ningas-kugon at tapusin ang sinimulang proyekto.
- Gumamit kami ng pamatay-insekto upang mapuksa ang mga lamok sa aming bahay.
- Dahil matinding gutom, para siyang patay-gutom na kumain ng hainan ko ng pagkain.
- Madalas akong mag-aral sa silid-aklatan upang makapag-concentrate.
- Ang aking silid-tulugan ay maliit ngunit malinis at maayos.
- Para kang sirang-plaka, hindi na nakakatuwa.
- Sa takip-silim, maraming tao ang naglalakad sa park upang magpahinga at mag-relax.
- Sa tanghaling-tapat, mainit ang araw kaya’t dapat magpahinga sa lilim.
- Huwag maging tengang-kawali at makinig sa sinasabi ng iyong guro.
- Mainam na maligo sa tubig-alat upang mawala ang mga kati sa katawan.
- Marami ring isda sa tubig-tabang.
- Siya ay may pusong-mamon at madali siyang maawa sa mga taong nangangailangan.
- Mag-ingat sa mga bantay-salakay na nag-aabang ng pagkakataon na manloko ng ibang tao.
- Ang malamig na soft drinks ay isang pamatid-uhaw sa init ng panahon.
- Siya ay isang anak-mayaman, ngunit hindi siya nagyayabang at marunong makisama sa iba.
Sa pag-aaral ng tambalang salita, mas nauunawaan natin ang kahalagahan ng wikang Filipino at ang kagandahan ng ating kultura. Sana ay nakatulong sa’yo ang artikulong ito upang maunawaan ang konsepto ng tambalang salita at ang iba’t ibang uri nito. Huwag kalimutang ibahagi ang artikulong ito sa iyong mga kaibigan at sa iba upang mas marami pang matuto sa araling ito.
Mga kaugnay na aralin
PANGUNGUSAP: Mga Halimbawa, Bahagi, Kayarian, Ayos, Uri, Atbp.
SIMUNO AT PANAGURI: Kahulugan at Mga Halimbawa sa Pangungusap
SANHI AT BUNGA: Kahulugan, Hudyat, at Mga Halimbawa
PANG-UGNAY: Kahulugan, Uri, at Mga Halimbawa ng Pang-Ugnay
PANG-UKOL: Kahulugan, Layon, at Mga Halimbawa ng Pang-Ukol
PANG-ANGKOP: Kahulugan, Uri, at Mga Halimbawa ng Pang-angkop