Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang mga kahulugan ng simuno at panaguri, at magbabahagi rin kami ng mga halimbawa nito sa pangungusap na makakatulong sa inyong pag-unawa sa araling ito.
Mga Nilalaman
Ano ang simuno at panaguri
Ang simuno at panaguri o sa wikang Ingles ay subject and predicate, ay dalawang mahahalagang bahagi ng isang pangungusap. Ang simuno ay ang paksa ng pangungusap, habang ang panaguri naman ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa simuno.
Ano ang simuno?
Ang simuno ay ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi kung sino o ano ang paksa. Ito ay maaaring tao, bagay, lugar, o pangyayari. Ang simuno ay madalas na nasa unahan ng pangungusap, ngunit maaari rin itong matagpuan sa ibang bahagi ng pangungusap.
Halimbawa ng simuno
- Ang mga isda ay lumalangoy sa karagatan.
- Nagbigay ng libreng konsultasyon si Dr. Santos.
- Ang cellphone ay may malinaw na camera.
- Nagsasagawa ng webinar ang mga guro.
- Si Lolo ay nagbabasa ng dyaryo.
Ano ang panaguri?
Ang panaguri naman ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa simuno. Ito ay maaaring isang aksyon, katangian, o kondisyon ng simuno. Ang panaguri ay karaniwang matatagpuan pagkatapos ng simuno.
Halimbawa ng panaguri
- Ang mga isda ay lumalangoy sa karagatan.
- Nagbigay ng libreng konsultasyon si Dr. Santos.
- Ang cellphone ay may malinaw na camera.
- Nagsasagawa ng webinar ang mga guro.
- Si Lolo ay nagbabasa ng dyaryo.
Mga halimbawa ng simuno at panaguri sa pangungusap na di-karaniwang ayos
Sa di-karaniwang ayos ng pangungusap, ang simuno ay nauuna sa panaguri. Narito ang mga halimbawa:
- Si Jose ay nag-aaral ngayon.
- Ang pusa ay kumakain ng isda.
- Ang mga bata ay naglalaro sa labas.
- Ang halaman ay namumulaklak.
- Ang ilaw ay maliwanag.
- Ang cellphone ay na-lowbat.
- Si Maria ay maganda.
- Ang langit ay mapula-pula sa hapon.
- Ang ice cream ay malamig.
- Ang kotse ay umandar nang mabilis.
- Si Liza ay nagluluto ng hapunan.
- Ang aso ay tumatalon sa tuwa.
- Ang mga estudyante ay nagsusulat ng kanilang takdang-aralin.
- Si Mang Juan ay nagtatanim ng mga gulay sa kanyang hardin.
- Ang mga ibon ay nag-aawitan sa umaga.
Mga halimbawa ng simuno at panaguri sa pangungusap na karaniwang ayos
Sa karaniwang ayos ng pangungusap, ang nauuna ang panaguri sa simuno. Narito ang mga halimbawa:
- Nagtitinda ng prutas sa palengke si Aling Nena.
- Bumuhos nang malakas ang ulan.
- Nag-a-update ng operating system ang kompyuter.
- Naghihintay sa kanyang anak na babalik galing eskwela si Aling Susan.
- Lumalangoy sa ilog ang pagong.
- Nagbasa ng libro sa silid-aklatan si Pedro.
- Namumukadkad sa hardin ang mga bulaklak.
- Naghuhugas ng kotse sa labas ng bahay si Kuya Bong.
- Humahampas sa mga dahon ng puno ang hangin.
- Nagtuturo ng matematika sa Grade 5 si Teacher Ana.
- Nagpapalabas ng balita ang telebisyon.
- Naglaba ng damit si Aling Maria.
- Naglalaro ng basketball ang mga batang lalaki.
- Gumagawa ng kanyang proyekto sa sining si Ate Celine.
- Tumatakbo nang tama ang relo.
Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga bahagi ng pangungusap tulad ng simuno at panaguri, mas magiging malinaw at maayos ang ating komunikasyon. Nais naming hikayatin ang lahat na ibahagi ang artikulong ito upang mas marami pa ang makapag-aral at maunawaan ang konsepto ng paksang ito. Ang pag-unawa sa araling ito ay makakatulong sa pagpapalawak ng ating kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino. Maraming salamat sa iyong pagbabasa!
Mga kaugnay na aralin
Alpabetong Filipino: Ang Kabuuang Gabay sa mga Letra ng ating Wika
PANGUNGUSAP: Mga Halimbawa, Bahagi, Kayarian, Ayos, Uri, Atbp.
PANTIG: Ano ang Pantig, Kayarian, at Mga Halimbawa Nito
TAYUTAY: Halimbawa ng Tayutay, mga Uri ng Tayutay, Atbp.
PANGNGALAN: Kasarian ng Pangngalan, Kailanan, Gamit, Uri, Atbp.
PANG-URI: Halimbawa ng Pang-uri, Uri ng Pang-uri, Antas, Atbp.
PANDIWA: Halimbawa ng Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Pokus, Uri, Atbp.
PANG-ABAY: Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.
PANGHALIP: Uri ng Panghalip, Halimbawa ng Panghalip, Gamit, Atbp.
PANG-ANGKOP: Kahulugan, Uri, at Mga Halimbawa ng Pang-angkop