Pang-abay na Panunuran: Ano ang Pang-abay na Panunuran at mga Halimbawa nito

Sa pahinang ito ay matutunan mo kung ano ang pang-abay na panunuran. Gumawa rin kami ng sampung halimbawa ng pang-abay na panunuran upang mas madali mong maintindihan kung paano ito ginagamit sa pangungusap.

Ano ang Pang-abay na Panunuran?

Ang pang-abay na panunuran ay isang uri ng pang-abay na tumutukoy sa ayos ng pagkakasunod sa hanay o kalagayan ng isang bagay o tao sa pangungusap.

Ginagamitan ito ng mga salitang una, isa-isa, pangkat-pangkat, kahuli-hulihan, at marami pang iba.

Ano ang Pang-abay na Panunuran?

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panunuran

Narito ang sampung halimbawa ng pang-abay na panunuran.

  1. Sunod-sunod ang dating ng mga bisita ni Ramona.
  2. Ang ating Pangulong Marcos ang kauna-unahang nagsalita sa entablado.
  3. Sabay-sabay ang dating ng tulong sa mga nasalanta.
  4. Kahuli-hulihang umuwi ang aming guro.
  5. Si Cory Aquino ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas.
  6. Pila-pila ang tao sa konsyerto ng Blackpink.
  7. Ang pangalawa na matalino sa klase ay si Jerry.
  8. Si Carol ang ikatlong aawit.
  9. Ako ang kahuli-hulihang nakakuha ng pasalubong ni Roda.
  10. Ang unang karangalan ay nakamit ni Wally Santos.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panunuran

Kung natagpuan mong kapaki-pakinabang ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila rin ay matuto.

I-click ang share button na makikita sa screen para ibahagi ito sa iyong mga social media account. Maraming salamat!

Mga kaugnay na aralin

Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.

Ano ang Pang-abay na Kusatibo at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Pananggi at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Panang-ayon at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Ingklitik at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Panlunan at mga Halimbawa nito

Halimbawa ng Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Pokus, Uri, Atbp.

Halimbawa ng Pang-uri, Uri ng Pang-uri, Antas, Atbp.

Share this: