Tatalakayin natin sa pahinang ito kung ano ang pang-abay na panang-ayon. Gumawa din kami ng mga halimbawa nito upang maintindihan mo kung paano ito ginagamit sa pangungusap.
Ano ang Pang-abay na Panang-ayon?
Ang pang-abay na panang-ayon ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng pagsang-ayon sa salitang kilos (pandiwa), pang-uri, o sa kapwa pang-abay sa pangungusap. Ginagamit ito upang sumang-ayon o tanggapin ang sinasabi ng kausap.
Ito ay ginagamitan ng mga panandang oo, opo, tunay, sadya, talaga, syempre, sige, tiyak, walang duda, at sigurado.
Sa wikang Ingles, ito ay tinatawag na adverb of affirmation.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panang-ayon
Narito ang sampung halimbawa ng pang-abay na panang-ayon sa pangungusap.
- Siguradong galit na naman si nanay.
- Sa paghina ng ekonomiya ay tiyak na maraming mawawalan ng trabaho.
- Tunay na mahusay umawit si Celia.
- Oo, magaling na doktor ang kaibigan ko.
- Talagang mapaparami ka ng kain kapag sinigang ang ulam.
- Tiyak na ang tagumpay sa negosyong pinasok mo.
- Sa galing mong sumayaw ay siguradong ikaw ang mananalo.
- Oo, pupunta ako sa Divisoria bukas.
- Talagang matalinong bata si Corine.
- Siguradong hinihintay na tayo ni Penny.
Kung natagpuan mong kapaki-pakinabang ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila rin ay matuto.
I-click ang share button na makikita sa screen para ibahagi ito sa iyong mga social media account. Maraming salamat!
Mga kaugnay na aralin
Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.
Ano ang Pang-abay na Kusatibo at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Pananggi at mga Halimbawa nito
Halimbawa ng Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Pokus, Uri, Atbp.