Pang-abay na Panlunan: Ano ang Pang-abay na Panlunan at mga Halimbawa nito

Sa pahinang ito ay matututunan mo kung ano ang pang-abay na panlunan at mga halimbawa nito. Gumawa rin kami ng pang-abay na panlunan worksheet upang mas lalong malinang ang iyong kaalaman sa araling ito.

Ano ang Pang-abay na Panlunan?

Ang pang-abay na panlunan na tinatawag ding adverb of place sa wikang Ingles, ay isang uri ng pang-abay na tumutukoy sa pook o lugar kung saan ginanap o ginaganap ang kilos ng pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong na saan.

Ilan sa mga panandang ginagamit dito ay ang mga salitang sa, kina, o kay.

Ano ang Pang-abay na Panlunan?

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panlunan

Ito ang sampung halimbawa ng pang-abay na panlunan sa pangungusap.

  1. Gaganapin ang aking kaarawan sa aming bahay.
  2. Pupunta kami kina Rosa bukas ng umaga.
  3. Tuwing Disyembre ay umuuwi kami sa Bicol.
  4. Gumawa kami ng parol kina Benjie.
  5. Magtatanim ako ng halaman sa aming bakuran.
  6. Kukunin ko ang panindang gulay sa palengke.
  7. Sa plaza magsisimula ang parada mamayang hapon.
  8. Natulog ang baka sa ilalim ng puno.
  9. Sa sala naglalaro sina Gab at Miguel.
  10. Si Shiela ay nagsimba sa Quiapo noong isang Linggo.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panlunan

Pang-abay na Panlunan Worksheet

Narito ang libreng worksheet para masanay ang iyong kaalaman sa araling ito. Click this link to download the worksheet.

Kung natagpuan mong kapaki-pakinabang ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila rin ay matuto.

I-click ang share button na makikita sa screen para ibahagi ito sa iyong mga social media account. Maraming salamat!

Mga kaugnay na aralin

Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.

Ano ang Pang-abay na Kusatibo at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Pananggi at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Panang-ayon at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Ingklitik at mga Halimbawa nito

Halimbawa ng Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Pokus, Uri, Atbp.

Halimbawa ng Pang-uri, Uri ng Pang-uri, Antas, Atbp.