El Filibusterismo Kabanata 37 Buod, Mga Tauhan, at Aral

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng El Filibusterismo Kabanata 37 – Ang Hiwaga. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang mga mahahalagang aral na mapupulot mo rito.


Buod ng El Filibusterismo Kabanata 37 – Ang Hiwaga

Sa kabila ng pagpipigil sa pagkalat ng balita tungkol sa mga pangyayari noong gabi sa piging, nalaman pa rin ito ng madla at naging usap-usapan ngunit palihim lamang. Si Chikoy, ang platerong payat, ay nagdala ng hikaw kay Paulita. Habang tinatanggal ang mga palamuti at hapag sa bahay ni Kapitan Tiago, nakita ni Chikoy ang maraming supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, at sa likod ng mga upuan. Ayon kay Ginoong Pasta, ang maaring may kagagawan nito ay isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito kay Paulita.

Binalaan ni Kapitan Loleng si Isagani na magtago, ngunit ngumiti lamang ang binata. Ipinagpatuloy ni Chikoy ang pagbabalita tungkol sa pagdating ng mga sibil na walang mapagbintangan. Si Don Timoteo at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na pinagdausan ng piging, at pinaalis ang lahat ng mga ‘di kailangan sa imbestigasyon.

Nagkaroon ng iba’t ibang hula ang mga babaeng nakikinig sa balita ni Chikoy kung sino ang may kagagawan ng lahat. May mga nagsabing ang mga prayle, si Quiroga, ang mga mag-aaral o si Makaraig. Ngunit ayon sa ilang kawani, si Simoun ang may kagagawan. Nagtaka ang lahat nang mabalitaan ito. Naalala ni Momoy ang pag-alis ni Simoun bago magsimula ang hapunan.

Nawawala si Simoun at pinaghahanap ng mga sibil. Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang pagiging demonyo ni Simoun na nagkatawan umanong tao. Iniisip ng mga may kapangyarihan na ang ilawan ang magpapasiklab sa pulbura na nasa buong kabahayan. Biglang natakot si Momoy, ngunit nagtapang-tapangan ito nang makita ang kasintahan na si Siensa na nakatingin sa kanya.

Makaraan ng ilang sandali, nagpaalam na si Isagani at umalis, at hindi na bumalik pa sa kanyang amain.

Mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 37

Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-37 Kabanata ng El Filibusterismo:

  • Chikoy
  • Paulita
  • Kapitan Tiyago
  • Ginoong Pasta
  • Don Timoteo
  • Juanito
  • Kapitan Loleng
  • Isagani
  • Don Timoteo
  • Simoun
  • Kapitan Toringgoy
  • Momoy
  • Siensa

Mga Aral sa El Filibusterismo Kabanata 37

Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 37 ng El Filibusterismo:

  • Ang pagpapahalaga sa katotohanan at pagsiwalat ng impormasyon: Sa kabila ng pagpipigil sa pagkalat ng balita, mahalaga pa rin na maging mulat ang mga tao sa mga tunay na pangyayari sa kanilang paligid. Hindi dapat pagkaitan ang tao sa katotohanan, sapagkat ito ay makakatulong sa kanila na maging handa sa anumang hamon na darating.
  • Ang pagiging mapanuri at hindi basta-basta naniniwala sa haka-haka: Ang mga pangyayari sa kabanata ay nagpapakita na marami sa mga tao ay madaling maniwala sa mga hula at tsismis. Mahalaga na maging mapanuri at huwag basta-basta maniwala sa mga bagay na walang sapat na ebidensiya.
  • Ang pagpapahalaga sa tapang at pagtitiwala sa sarili: Ang karakter ni Momoy ay nagpapakita ng halaga ng pagiging matapang sa harap ng panganib. Sa pagharap niya sa takot, naipakita niya ang kanyang tapang at pagtitiwala sa sarili.
  • Ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at pag-aaruga sa kapwa: Si Kapitan Loleng, bilang isang mabuting kapitbahay, ay nagbigay-babala kay Isagani upang ito ay magtago. Ang kanyang pag-aaruga at pagmamalasakit ay nagpapakita ng kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.

At dito nagtatapos ang El Filibusterismo Kabanata 37 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa unang kabanata ng nobelang ito.

Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.

Mga kaugnay na aralin

El Filibusterismo Kabanata 38 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 39 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 36 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 35 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 34 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 33 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 32 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 31 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 30 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 29 Buod, mga Tauhan, at Aral

  • Save
16 Shares
16 Shares
Share via
Copy link