Sa pahinang ito ay tatalakayin natin at matututunan ninyo kung ano ang pang-abay na kusatibo. Gumawa rin kami ng sampung halimbawa ng pang-abay na kusatibo sa pangungusap upang malinang ang iyong kaalaman sa araling ito.
Ano ang Pang-abay na Kusatibo?
Ang pang-abay na kusatibo o kawsatibo na tinatawag ding adverbial accusative sa wikang Ingles, ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng dahilan ng pagganap sa kilos ng pandiwa.
Ito ay ginagamitan ng mga salitang dahil sa o sapagkat.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Kusatibo
Narito ang sampung halimbawa ng pang-abay na kusatibo sa pangungusap.
- Dahil sa mahal ng bilihin ay marami ang nagugutom sa Pilipinas.
- Masaya si Aling Nene sa trabaho sapagkat mabait ang kanyang amo.
- Hiningal ako sapagkat hinabol ako ng aso.
- Uuwi kami sa probinsya sapagkat may sakit si tiyo.
- Dahil sa pagnanakaw ay makukulong si Cardo.
- Yumaman si Myla dahil sa sipag at tyaga niya sa negosyo.
- Umapaw ang ilog dahil sa dami ng basura.
- Mahina ang pandinig ni Aling Minda sapagkat s’ya ay matanda na.
- Nagkasakit si Emman dahil sa pagpupuyat.
- Huhusayan ko sa klase sapagkat nais kong matuwa sa akin sina nanay at tatay.
Kung natagpuan mong kapaki-pakinabang ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para matuto rin sila.
Upang ibahagi ito sa iyong mga social media account, i-click ang share button na makikita sa screen. Maraming salamat!
Mga kaugnay na aralin
PANG-ABAY: Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.
PANDIWA: Halimbawa ng Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Pokus, Uri, Atbp.
PANG-URI: Halimbawa ng Pang-uri, Uri ng Pang-uri, Antas, Atbp.
PANGHALIP: Uri ng Panghalip, Halimbawa ng Panghalip, Gamit, Atbp.
PANGATNIG: Ano ang Pangatnig, Halimbawa ng Pangatnig, Uri, Atbp.