Ano ang Salawikain?
Ang mga salawikain o proverbs sa wikang ingles ay ginagamit sa isang pangungusap o pahayag upang bigyang-diin ang isang kaisipan o punto. Ito ay isang maikling pangungusap na makabuluhan at kapaki-pakinabang kung gagamitin bilang gabay sa ating pang-araw-araw na buhay.
Ang mga salawikain ay nagmula pa sa payo o pahayag ng ating mga ninuno batay sa kanilang sariling karanasan sa buhay.
SEE ALSO: 200+ Mga Halimbawa ng Sawikain at Kahulugan
Halina’t sama-sama nating basahin at kunin ang mga gintong aral ng bawat salawikain na aming kinalap at pinagsama-sama upang iyong maging gabay sa buhay.
[lockercat]
Download the PDF version of this post by clicking this link.
[/lockercat]
Mga Halimbawa ng Salawikain
Narito ang mahigit 550 mga halimbawa ng salawikain tungkol sa buhay, pamilya, kaibigan, pag-ibig, katapatan, paggalang, kabataan, edukasyon, wika, tagumpay, kayamanan, kalikasan, kalusugan, tungkol sa Diyos, at iba pang mga salawikain.
Salawikain Tungkol sa Buhay
Ako ang nagbayo. Ako ang nagsaing.
Saka ng maluto’y iba ang kumain.
Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang,
tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran.
Ang bayaning nasugatan,
nag-iibayo ang tapang.
Ang liksi at tapang, kalasag ng buhay.
Ang buhay ay parang gulong;
minsang nasa ibabaw,
minsang nasa ilalim.
Ang akala’y nakamura, namahalan pala.
Ang hindi napagod magtipon,
walang hinayang magtapon.
Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.
Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan.
Ang lumalakad nang mabagal,
kung matinik ay mababaw.
Ang lumalakad nang matulin,
kung matinik ay malalim.
Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila.
Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.
Ang puri at ang dangal,
mahalaga kaysa buhay.
Ang taong tamad kadalasa’y salat.
Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo.
Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago?
Mabuti pa ang bahay kubo ang nakatira ay tao.
Anuman ang gagawin,
makapitong iisipin.
Anuman ang gawa at dali-dali,
ay hindi iigi ang pagkakayari.
Bago mo sikaping gumawa ng mabuti,
kailangan mo munang igayak ang sarili.
Daig ng maagap ang taong masipag.
Di lahat ng kagalingan ay may dalang katamisan.
Di lahat ng kapaitan ay tanda ng kasamaan.
Gawin mo sa kapwa mo,
ang nais mong gawin nila sa iyo.
Huwag magbilang ng manok,
hangga’t hindi napipisa ang itlog.
Kadalasan, ang karikta’y ginagawang isang bitag upang siyang ipanghuli noong ibig ipahamak.
Kung aakyat ka nga’t mahuhulog naman,
mabuting sa lupa’y mamulot na lamang.
Kung ano ang itinanim,
iyon din ang aanihin.
Kung ano ang puno,
siya ang bunga.
Kung binigyan ng buhay,
bibigyan din ng ikabubuhay.
Kung gaano kataas ang lipad,
gayon din ang lagapak pag bagsak.
Kung sino ang masalita,
siyang kulang sa gawa.
Ang bulsang laging mapagbigay,
hindi nawawalan ng laman.
Kunwaring matapang bagkus duwag naman.
Madali ang maging tao,
mahirap magpakatao.
Magandang pamintana,
masamang pang kusina.
Magbiro ka sa lasing,
huwag sa bagong gising.
Magkupkop ka ng kaawa-awa,
langit ang iyong gantimpala.
Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.
Matapang sa kapwa Pilipino,
susukot-sukot sa harap ng dayo.
Nagpapakain ma’t masama sa loob,
ang pinakakain hindi nabubusog.
Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa.
Pag may hirap,
may ginhawa.
Pag may kalungkutan,
may kasiyahan.
Pagkapawi ng ulap,
lumilitaw ang liwanag.
Pulutin ang mabuti,
ang masama ay iwaksi.
Sa larangan ng digmaan,
nakikilala ang matapang.
Sagana sa puri,
dukha sa sarili.
Ang maniwala sa sabi-sabi’y walang bait sa sarili.
Sala sa lamig,
sala sa init.
Ubos-ubos biyaya,
pagkatapos nakatunganga.
Walang humawak ng lutuan,
na hindi naulingan.
Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.
Yaong mapag-alinlangan,
madalas mapag-iwanan.
Kung saan nahihilig, duon din nabubuwal.
Walang halaga ang sandata na di ginagamit sa pakikibaka.
Sa biruan nagmumula ang alitang malulubha,
titis kasi palibhasa na lumilikha ng siga.
Ang sigaw ay malapit;
ang bulong ay malayo ang sapit.
Maliit man daw ang sili, ay may anghang na sarlli.
Mapipilit ang maramot, ang hindi’y ang walang sinop.
Ang lahat, may kasukat.
Kung ano ang haba, siyang sukat;
kung ano ang laki siyang bigay.
Pag nasunog ang kusinaan, damay pati kabahayan.
Matalas man ang tabak, mapurol din kung nakasakbat.
Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.
Ang taong mabait walang nagagalit.
Ang taong masama, walang natutuwa.
Sa puso ng saging ay hintayin ang piling,
upang malaman mo ang bungang kakanin.
Nakakatulad mo’y pusang nabanlian
tubig mang malamig ay tinatakbuhan.
Walang malaking nakapupuwing;
walang maliit na nakahihirin.
Ang di lumilingon sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan.
Kahit na ang usa’y mabilis tumakbo kung sa tiyaga nama’y sa pagong na ako.
Di baling mabasag ang pinggan,
kung sa sariling paminggalan.
Anumang bagay na wala sa pag-iingat ng sinuman
ay malimit angkinin ng makasalanan.
Umaakyat ma’t nahuhulog, mabuti pa ang namumulot.
Ang huni ng ibong kilyawan sa itaas ng kawayan
kapag asawa’y hantad kung magmahal
malimit na ito’y pakitang tao lang.
May matandang kulang-isip,
at may batang hustong bait.
Kapag sama ang itinanim, lagim ang aanihin.
Ang katamaran ay ina ng kahirapan.
Ang lahat ng tamad, sa kahirapan napapadpad.
Walang maghuhulog ng binalot sa taong natutulog.
Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.
Ang buhay na may karangalan,
maipagmamalaki kahit saan.
Kung ang buhay mo’y hinahalagahan,
karangalan mo’y dapat ding ingatan.
Ang may matalas na karit
ang maraming maaalit.
Ang isipan ma’y ano,
sa kabaong din ang tungo.
Hindi mo malalaman ang oras ng kamatayan,
kaya itangis araw’t gabi ang iyong kasalanan.
Kung sa lupa namamatay,
sa langit ay mabubuhay.
Maging alin ma’t sino,
kabaong din hantungan mo.
Matamis ang mamatay
kung dahil sa bayan.
Magdaragat na di magtahan
sa tubig din mamamatay.
Ang kalabaw suotan man ng abito ay kalabaw
at kalabaw ri’t hindi magbabago.
Ang matandang kalabaw ay humahanap ng murang damo.
Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.
Mahalin man ang kalabaw, lulublob din sa putikan.
Sa matandang kalabaw, murang damo ang bagay.
Mahahatulan mo ang iyong kapwa kung nasukat mo na ang iyong sariling gawa.
Ang taong nagigipit,
sa patalim man ay kumakapit.
Kung nais mong kumain ng masarap,
huwag manghinayang sa kwarta mong hawak.
Lumilipas ang kagandahan ngunit hindi ang kabutihan.
Gandang walang tikas ay tulad ng bulaklak na walang halimuyak.
May magandang nakayayamot, may pangit na nakalulugod.
Sa umaga ang bulaklak, marikit at anong dilag!
Sa hapon, lanta’t kupas.
Walang kagandahang di may kapintasan.
Ang ibinabait ng bata sa matanda nagmumula.
Ang magandang asal ay kaban ng kayamanan.
Ang nagtatanong ng laman ng palayok ng iba
napagkikilalang walang laman ang kanya.
Hindi mo dapat asahan ang pangako ng kaaway.
Sa isang pugad ng itlog ay di nawawalan ng bugok.
Ang taong mapanaghili,
sa kayamanan at ari,
ay hindi luluwalhati,
sa hirap, sakit lalagi.
Kapag ang nauuna’y tamis, ang nahuhuli’y pait.
Pag may tag-araw, ay may tag-ulan.
Ang halik na matunog Sa dibdib ay hindi taos.
Ang taong mainggitin,
lumigaya man ay sawi rin.
Walang karapatang mamili handog ang nanghihingi lang kapwa ng limos.
Sa mga biyaya’t handog, bato ma’y napalalambot.
Kung ano ang gawa, ay siyang hinala.
Kung ano ang gawi,ay siyang ugali.
Ako ang nagbayo,
ako ang nagsaing,
saka nang maluto’y
iba ang kumain.
Kapag hindi nakasira ay hindi makabubuo.
Ang nagdadamit ng hiram, parang hubad sa lansangan.
Ang dila’y parang patalim, kung sumugat ay mariin.
Ang dila’y sunod-sunurang alipin ng kalooban,
kung ang loob mo’y mainam, dila’y sakdal-katamisan;
Kung ang budhi’y salanggapang, ang dila ay apdong tunay.
Daa’y kahit lubak-lubak iya’y nasa naglalakad;
kung ang hakbang mo’y banayad, pakiramdam mo ri’y patag.
Hindi nalaki ang daga, kundi malaglag sa lupa.
Puring angkin, pakaingatang magaling, huwag papanganinagin.
Pag ang dagat ay tahimik, may nililihing panganib.
Buntot niya, hila niya. Sungay niya, sunong niya.
Mayroong maganda sa tingin, nakahihirin kung kanin.
Ang buhay ng tao ay parang gulong – magulungan at makagulong.
Kapag maiksi ang kumot,
magtiis na mamaluktot.
Itong buhay natin ay gaya ng ilog
kung saan mababa ay doon aagos.
Ang mga hangaring dinadaan sa pangarap,
ang katulad ay bulang kay daling mabasag.
Ang biru-biruan ama ng totohanan.
Biru-biro kung sanlan, totoo kung tamaan.
Ang bigas man kahit na magaling ay isinasaing bago ipakain.
Kahit ang bigas ay bulok at basa ay maisasaing din sa panahong wala.
Ang bibig ng ilog iyong masasarhan,
ang bibig ng tao’y di mo matatakpan.
Ang bato’y hindi lalapit sa suso
kundi ang suso rin ang siyang manunuyo.
Ang mahaba ay magtustos at magdugtong sa kapos.
Hamak mang basahan, may panahong kailangan.
Sa batas ng mundo ang lahat ng bagay ay muling magbabalik sa pinanggalingan.
Mayaman ka ma’t marikit, mabuti sa pananamit,
kung walang sariling bait, walang halagang gahanip.
Bago ka magluto ay iyong alamin, kung may nakahandang panahog at asin.
Huwag mong hatulan ang isang aklat
sa pamamagitan ng kanyang pabalat.
Kung pinahahalagahan mo ang isang aklat,
tatapusin mong basahi’t di hahangaan ang pabalat.
Bago ka bumati ng sa ibang uling,
pahirin mo muna ang iyong uling.
Kung ano ang lakad ng alimasag na matanda
ay gayon din ang lakad ng alimasag na bata.
Ang ahas ay lumalaki sa balita’t sabi-sabi.
Ang inilalaki ng ahas ay nasa nagbabalita.
Ang masamang pangyayari ay kung ang ahas ang dumami.
Tama na ang katagang sabi, sa marunong umintindi.
Pulos na papasok na tulad sa baklad,
kamkam nang kamkam at ayaw maglabas.
Kung walang maghahalungkat
walang bahong lalabas.
Kung lantay na bakal ka
sa apoy ka makikilala.
Kapagka nanggaling ang labo sa hulo,
magpahanggang wawa abot ang labo.
Iwasto ang kamalian,
sa halip na pagtawanan.
Di man makita ang apoy, sa aso ay matutunton.
Di matawag na dimonyo at di marunong manukso.
Di naman masabing santo’t di maalam magmilagro.
Habang dumadami ang panukala,
lalong umuunti ang nagagawa.
Habang lumalaki ang saklaw ng daliri,
ang nadadakot mo’y lalong umuunti.
Alamid mang anong ilap,
umaamo rin sa himas.
Kapag binato ka ng bato,
batuhin mo ng tinapay.
Bahaw man at magaling, daig ang bagong saing.
Batas ng embudo ang nais matupad,
madali sa papasok, mahirap sa palabas.
Ang kamalian ng hatol, sa kakulangan nang tutol.
Ang tumanggi sa grasya lumalabo ang mata.
Ang kabutihan ng ugali
ay lalong higit sa salapi.
Ang taong labis na magulang,
karaniwang siya ang nawawalan.
Ang taong nasa loob ng bahay na salamin,
ay hindi makapamukol ng bato sa kapwa.
Walang masamang kanya’t walang mabuti sa iba.
Salawikain Tungkol sa Pamilya
Ang ibinabait ng bata,
sa matanda nagmula.
Anuman ang tibay ng piling abaka,
ay wala ring lakas kapag nag-iisa.
Kaya matibay ang walis,
palibhasa’y nabibigkis.
Magsama-sama at malakas,
magwatak-watak at babagsak.
Nawala ang ari,
ngunit hindi ang lahi.
Kahit anong bigat ng binubuhat,
kapag tulong-tulong ang mag-anak,
magaan ang pag-angat.
Sa alitan ng magkapatid ay huwag kang makisali;
kapag sila’y nagkasundo, galit sa iyo ang mananatili.
Ang marunong na anak ay ligaya ng ama, ang perhuwisyong anak ay pasanin ng ina.
Pag ang bata’y barumbado, tumanda ma’y tarando.
Anak na di paluhain, ina ang patatangisin.
Anak na palayawin, magulang ang patatangisin.
Anakin man ang di anak, bibihira ang magtapat.
Sa inahing mapagkupkop, di man anak sumusukob.
Ang inahing mapamupog ang anak ay sumasabog
Ang pag-aanak ay walang kabuluhan,
kung ang magiging bunga’y palalabuyin lamang.
Ang magulang na masama,
kapag nagkaanak ng mabuti ay isang himala.
Ang mag-asawang walang bunga,
parang kahoy na walang sanga.
Ang sa babaeng hiyas ang sa puri’y pag-iingat;
At ito’y siyang tumpak sa dalaga ma’t sa kabiyak.
Ang huni ng ibong tikling sa itaas ng balimbing,
kapag ang asawa’y labis kung maglambing mag-ingat ka,
pare’t puso’y kabilanin.
Kung di magbubunga ang pagmamahalan
parang naghalaman nang walang pakinabang.
Mag-away na lahat ang tao sa daan,
huwag ang magkasi sa loob ng bahay.
Magkulang ka na sa iyong magulang,
huwag lang sa iyong biyenan.
Salawikain Tungkol sa Kaibigan
Ang matapat na kaibigan,
tunay na maaasahan.
Ang tao kapag mayaman,
marami ang kaibigan.
Kaibigan kung meron,
kung wala’y sitsaron.
Ang tunay na anyaya,
sinasamahan ng hila.
Ang tunay na kaibigan,
karamay kailan man.
Ang tunay na kaibigan,
nakikilala sa kagipitan.
Puri sa harap,
sa likod paglibak.
Turan mo ang iyong kaibigan,
sasabihin ko kung sino ikaw.
Walang paku-pakundangan,
sa tunay na kaibigan.
Aanhin mo ang yaman,
kung wala ka namang kaibigan?
Kung sa apoy sinusubok ang tigas ng sandata,
sa panganib nakikita ang tapat na kasama.
Ang nagpapautang sa kaibigan ay kumikita ng kaaway.
Sa panahon ng kagipitan, nakikilala ang kaibigan.
Ang sa malayo’t patay ay walang kaibigan.
Ang sumama sa kalabaw na may putik ay mapuputikan din.
Ang taksil na kaibigan ay higit na masama kaysa kaaway.
Kaibigang tangi, mahigpit pa sa may-ari.
Mabuti pa ang nag-iisa kaysa may mga masamang kasama.
Sa tunay na kaibigan wala nang maraming kabulaanan.
Talik ng kaibiga’y maaaring kataksilan.
Ang pilak mo man ay isang kaban,
ang ginto mo man ay isang tapayan,
kung wala ka namang kaibigan
ay wala ka ring kabuluhan.
Ang malinis na kuwenta ay mahabang pagsasama.
Ang mapagkanulo sa kanyang kapwa,
sa sarling bitag napapanganyaya.
Ang mabuting aklat, kaibigang laging tapat.
Salawikain Tungkol sa Pag-ibig
Ang pili nang pili,
natapatan ay bungi.
Pag kahaba-haba man ng prusisyon,
sa simbahan din ang tuloy.
Ang pag-aasawa ay hindi biro,
‘Di tulad ng kanin iluluwa kung mapaso.
Ang pag-ibig sa kaaway siyang katapangang tunay.
Pagsasama ng tapat,
pagsasama ng maluwat.
Walang matiyagang lalaki,
sa pihikang babae.
Madaling pumitas ng bunga,
kung dadaan ka sa sanga.
Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.
Isang sumamang babae, na sa bisyo ay mawili;
ay hindi mapaiigi ng kahit sampung lalaking uliran sa dilang buti.
Ngunit ang sampung pusakal na lalaki sa kasamaan;
napapagbagong buhay sa taimtim na pangaral ng isang babaeng banal.
Huwag kang mangahas umibig sa hindi mo kakilatis.
Kung datnan ka ng panganib, siya’y di mo magagamit.
Ang tunay na pag-ibig hanggang sa huli matamis.
Ang totoong minamahal, siyang pinahihirapan.
Kinakailangan pa munang magkasugat itong puso,
bago maging maligaya sa larangan ng pagsuyo.
Ang pitasin mo ay hinog, huwag masiyahan sa bubot.
Kung masama man ang bubot, lalong masama ang laos.
Batang puso,
madaling marahuyo.
Dahan-dahan diwata,
baka ang talas mo’y sa bato tumama.
Ang babaeng salawahan,
hindi dapat pagpaguran.
Sa apoy huwag kang maglaro, kung ayaw mong mapaso.
Salawikain Tungkol sa Katapatan
Ang hindi tumupad sa sinabi,
walang pagpapahalaga sa sarili.
Ang iyong hiniram,
isauli o palitan.
Upang sa susunod,
hindi ka makadalaan.
Ang lalaking tunay na matapang,
hindi natatakot sa pana-panaan.
Ang mabuting gawa kinalulugdan ng madla.
Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluwat.
Ang buhay ay gayon lamang sa ugali’t kalakaran;
Ganti-ganti katwiran: Magbayad ang may utang sa pinagkakautangan.
Ang tunay mong pagkatao,
nakikilala sa gawa mo.
Ang utang ay utang,
hindi dapat kalimutan.
Kapag bukas ang kaban,
nagkakasala sinuman.
Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.
Nasa taong matapat ang huling halakhak.
Sa taong may tunay na hiya,
ang salita ay panunumpa.
Bulang tubig ang kapara
nawawala kapagdaka.
Kung sino ang bantay ay siyang sasalakay.
Ang ahas mang luno na ‘yong kupkupin,
ahas ding paglakas ika’y tutukain.
Nang makakita ka ng damit na payong, ang pobreng anahaw iyong itinapon.
Ang lahat ng uri ng hayop ay napapaamo,
ngunit ang dila ng tao’y hindi kailanman.
Di lahat ng kumikinang ay tunay na gintong lantay.
Kung giginhawa nga’t tungong naninimdim,
mabuti pa’y dukha na taas ang tingin.
Ang mandaraya hindi nagdadalang pala.
Magsabi na sa matanda
huwag lamang sa bata.
Ang pangako kung maliban,
tupdin man ay walang linamnam.
Huwag kang magpautang sa sinumang manunugal,
kapag kayo’y nagsingilan, wala ka nang katwiran.
Bakit anya iintindihin ang utang, di paris ng uutangin pa?
Salawikain Tungkol sa Paggalang
Ang magalang na sagot,
ay nakakapawi ng poot.
Ang magandang asal ay kaban ng yaman.
Mabisa ang pakiusap na malumanay,
kaysa sa utos na pabulyaw.
Kapag masakit ang biro, nagpaparugo ng puso.
Ang mapuputing buhok ay tanda ng kabatiran,
at ito’y lalong pinagaganda ng ating paggalang.
Salawikain Tungkol sa Kabataan
Tumatanda ang kalabaw, tumutulis ang sungay.
Ang mahinhing dalaga, sa kilos nakikilala.
Kung aling binata ang pinagmumura,
karahila’y siyang bubugbug sa kanya.
Ang gawa sa pagkabata,
dala hanggang pagtanda.
Salawikain Tungkol sa Edukasyon
Marami man at wala sa bilang,
daig ng isang may laman.
Batang mapagtanong maagang marunong.
Ang isip ay parang itak, sa hasa ay tumatalas.
Araw ang karunungan, ulap ang kamangmangan.
Mabuti pa ang bulsang walang laman
kaysa ulong walang talino’t karunungan.
Magdamit man ng hari kung talagang hangal, mahahalata rin sa kilos at asal.
Ang karununga’y sa pag-aaral;
ang kabaita’y sa katandaan.
Diwa’t isip ng tao ay balaraw man din,
kung hindi ihasa ay hindi tatalim.
Ang taong may karunungan,
di basta-basta malalamangan.
Kung ibig ng karunungan, habang bata ay mag-aral;
Kung tumanda, mag-aral man, mahirap nang makaalam.
Pang bakas ng karanasan,
Ang tanda ng kaalaman.
Hindi sa lahat ng panahon ang tao’y marunong.
Salawikain Tungkol sa Wika
Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malansang isda.
Huwag sukat maniwala sa mga sabi at wika –
patag na patag man ang lupa sa ilalim ay may lungga.
Salawikain Tungkol sa Tagumpay
Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan.
Ang lakas ay daig ng paraan.
Ang umaayaw ay di nagwawagi,
ang nagwawagi ay di umaayaw.
Huli man daw at magaling,
naihahabol din.
Kung may hirap ay may ginhawa.
Kuwarta na,
naging bato pa.
Kung walang tiyaga, walang nilaga.
Marami ang matapang sa bilang,
ngunit ang buo ang loob ay kulang.
Sa maliliit na dampa nagmumula ang dakila.
Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.
Kapag lipos na ang kahirapan
tandaang malapit na ang kaginhawahan.
Kapag pinangatawanan,
sapilitang makakamtan.
Pagtatanim ay sa pagkabata
pag-aani ay sa pagtanda.
Sa ininut-inot na pagsira ng anay, nagigiba rin ang malaking bahay.
Lahat tayo sa mundong ibabaw, may kani-kaniyang araw.
Ang tulin ng bangka ay hindi malalaman,
kundi ang dalawa’y magkakaagapay.
Sa taong walang takot,
walang mataas na bakod.
Ang tulin ng bangka’y di sa kahoy galing
kundi sa piloto at hihip ng hangin.
Ang batong buhay ay nauukit sa pinatak-patak ng tubig.
Ang batong buhay man pilit maaagnas
kung ang tubig na tutulo’y walang tigil sa pagpatak.
Batong buhay ka man na sakdal ng tigas,
sa patak ng tubig tiyak maaagnas.
Huwag kang mangahas bumuhat ng siyam na bato,
kung manghihinayang madurog ang buto.
Kung ibig mong gumaling,
sa katawan mo manggaling.
Walang umaani ng tuwa na di sa hirap nagmula.
Walang humipo ng palayok na hindi naulingan.
Makakakuha naman ng lutong ulam
,bakit malasado ang pagtitiisan?
Magaling man ang masipag ay lalo na ang maagap.
Ang anumang agwat ay di mararating kung
titingnan lamang at di lalakarin.
Pag may hirap, may ginhawa.
Salawikain Tungkol sa Kayamanan
Ang tao na walang pilak,
parang ibong walang pakpak.
Kung mangusap ang salapi nauumid ang labi.
Ang salapi ay may pakpak, kahit nasa bulsa’y nakalilipad.
Ang magpanggap na mayaman,
lalong kahirap-hirapan.
Maililihim ang yaman, ngunit hindi ang kahirapan.
Ang di-marunong magbigay hindi marapat pagbigyan.
Kayamanang galing sa kasamaan,
hindi magbubunga ng kabutihan.
Ang salapi ay mabuting alipin at utusan,
ngunit kapag naging hari ay malupit at makamkam.
Kayamanang di pinaghirapan,
madaling mapaparam.
Ang kitang sa hangin galing, nauuwi rin sa hangin.
Ang madaling kita, madali ring nagagasta.
Ang sa bula hanap, sa bula rin nawawaldas.
Ang hanap sa bula, sa bula rin nawawala.
Bulang tubig ang kapara, nawawala kapagdaka.
Kapag ang tao’y matipid,
maraming maililigpit.
Kapag may isinuksok,
may madudukot.
Salawikain Tungkol sa Kalikasan
Ang araw bago sumikat,
nakikita muna’y banaag.
Matutuyo na ang sapa nguni’t hindi ang balita.
Ang ulang tikatik ang siyang malakas magpaputik
Mainam na ang pipit na nasa kamay kaysa lawing lumilipad.
May tainga ang lupa,
may pakpak ang balita.
Kapag ang ilog ay maingay,
asahan mo at mababaw.
Kapag ang ilog ay matahimik,
asahan mo at malalim.
Ang asong makangkang kung mangagat ay madalang.
Tikatik man kung panay ang ulan,
malalim mang ilog ay mapapaapaw.
Ang dagat ay binubuo ng mga patak ng tubig,
at ang bundok ay ng batong maliliit.
Ang hinahawakang kayraming dalag,
karaniwang ito’y nakawawalang lahat.
Hipong tulog tinatangay ng agos.
Ibong pipit kung humuni,
di marinig ng marami;
gayon din ang dukha’t salat,
di marinig kung mangusap.
Kapag nalagas ang dahon, atas na ng panahon.
Ang kahoy ay latok man,
nagmumukha ring mainam,
kapag napalamutian.
Ang ningas ng apoy, nasa uri ng kahoy.
Ang kahoy na naging baga pariktan ma’y madali na.
Ang kahoy na liko’t baluktot,
hutukin hanggang malambot,
kung lumaki at tumayog,
mahirap na ang paghutok.
Hindi maihahapay ang kahoy na puputulin,
kung iaamba nang iaamba at di tuluyang tatagain.
Salawikain Tungkol sa Kalusugan
Ang sakit ng kalingkingan,
dama ng buong katawan.
Gaano man ang iyon lakas,
daig ka ng munting lagnat.
Salawikain Tungkol sa Diyos
Magtayo ka man ng lungga,
mamamatay rin kung palad.
Mabuti pa ay lumantad,
at sa Diyos ka tumawag.
Sa Diyos ka manalig
nang hindi manganib.
Tumutulong ang Diyos sa tumutulong sa kanyang sarili.
May talaga rin ang Diyos, sa nasisirang paragos.
Masiyahan ka sa kaloob ng Diyos,
at ang ligaya mo ay magiging lubos.
Magbalot ka man sa baklad, mamamatay din kung palad;
Mahanga pa’y ang tumanyag at sa Diyos ka tumawag.
Walang sa Diyos nanalig, na sumasapanganib.
Iba pang mga Halimbawa ng Salawikain
Ang ampalaya kahit anong pait,
sa nagkakagusto’y matamis.
Ang anumang kasulatan dapat ay lalagdaan.
Ang bungang hinog sa sanga,
matamis ang lasa.
Ang bungang hinog sa pilit,
kung kainin ay mapait.
Ang butong tinangay ng aso,
walang salang nalawayan ito.
Ang langaw na dumapo sa kalabaw,
mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.
Hindi kilala ang bayani sa salita,
Kundi sa kanyang kilos at gawa.
Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan.
Balat man at malinamnam,
hindi mo matitikman.
Bibig na natatakpan,
hindi papasukin ng langaw.
Buhay-alamang,
paglukso ay patay.
Buntot mo, hila mo.
Hindi sasama ang pari,
kundi sa kapwa pari.
Ibong sa hawla’y ikinulong nang mahigpit,
kapag nakawala’y hindi na babalik.
Kahit saang gubat ay mayroong ahas.
Kahoy mang babad sa tubig,
sa apoy huwag ilapit.
‘Pag ito’y nadarang sa init,
sapilitang magdirikit.
Kapag apaw na ang takalan,
kailangan kalusan.
Kasama sa gayak,
di kasama sa lakad.
Kung ano ang sukat ng ohales,
iyon ding ang laki ng butones.
Kung hindi ukol,
hindi bubukol.
Kung nasaan ang asukal,
naroon ang langgam.
Kung takot sa ahas,
iwasan mo ang gubat.
Mabuti’t masamang ginto sa urian natatanto.
Malakas ang bulong kaysa sigaw.
Malaking puno,
ngunit walang lilim.
Matabang man ang paninda,
matamis naman ang anyaya.
Matalino man ang matsing,
napaglalalangan din.
Naghangad ng kagitna,
isang salop ang nawala.
Nakikita ang butas ng karayom,
hindi nakikita ang butas ng palakol.
Ang katotohana’y kahit na ibaon,
lilitaw pagdating ng takdang panahon.
Walang lumura sa langi,
na di sa kanyang mukha nagbalik.
Walang mapait na tutong,
sa taong nagugutom.
Walang palayok na walang kasukat na tungtong.
Ayaw ng patulak, gusto’y laging pakabig.
kung baga sa manok kahig lang nang kahig.
Ang anumang gawang dinali-dali malimit mangyari ay hindi mayari.
Ang naglulunoy sa tubig, pilit na mangangaligkig
Kung talagang tubo, matamis hanggang dulo.
Pagpatak ng ulan tutubo ang labong,
makikilala mo ang gagawing bumbong.
Nauna ang kulog na malakas, bagkus walang ulang nalagpak!
Pag ang buhay ang inutang buhay rin ang kabayaran.
Ang mga balita’y bihira ang tapat,
magkatotoo ma’y marami ang dagdag.
Ang pahirap sa tindahan ay ang makulit mangutang.
Ang masama sa utang ay kung paiyakan.
Kaya matibay ang walis, palibhasa’y nakabigkis.
Ang ikinatatalo ng sino’t alinman
ay ang guniguning takot sa kalaban.
Ang tunay na katapangan
ay nakikita sa larangan.
Ang naititik na’y naititik na,
di na maaaring maiba pa.
Walang masamang pluma sa mabuting sumulat.
Walang mailap na pugo, sa matiyagang manilo.
Mabuti ang isang buhay na pulubi kaysa sa nakalibing na hari.
Ang kahoy hanggang mura’y naitutuwid mong parang kandila;
kung lumaki at tumanda, tuwirin mo’t masisira.
Ang kahoy kung liko’t baluktot,
hutukin hanggang malambot;
Kung lumaki at tumayog, mahirap na ang paghutok.
Kung anong bukang-bibig,
ay siyang nilalaman ng dibdib.
Ang kahoy, hangga’t sariwa, may dumadaloy na dagta.
Baging akong kalatkat, kaya ako tumaas sa punungkahoy yumakap nakinabang ng lakas.
Kung saan ang hilig ng kahoy, doon ang buwal.
Kapag wala ang pusa naglalaro ang mga daga.
Masira na sa pilak, huwag lang sa pangungusap.
Pag ang sakit ay malaki, pangako’y marami;
Kung gumaling na’t umigi Diyos ma’y di masabi.
Taong nanunuyo,
dala-dala’y bukayo.
May dalahirang banayad, may mahinhing talipandas.
May mahinhing kalibitin, may makarang di masupil.
Ang sa patalim nabubuhay sa patalim din namamatay.
Aanhin ko ang kumain sa pinggang ginto,
kung pasusukahin naman ako ng dugo.
Pintong hindi nakapinid, labas-pasukin ng may-ibig.
Sa isang pintong masarhan ay sampu ang mabubuksan.
Ang palayok kahit anong tibay,
huwag ibabangga sa tapayan.
Sumala ang sandok sa palayok,
iba ang nadukot.
Sasala ba ang sandok sa palayok?
Walang palayok na di may kasukat na tungtong.
Ang sandaling may kabuluhan,
daig ang sangtaong walang kasaysayan.
Ang bago’y nagniningning,
ang luma’y nagkukulimlim
Nang nasa laot ng hidwa ang pangako’y kandila;
nang dumating sa gilid, kandila’y di na nasambit.
May tawang nakagagalak;
May tawang nakalilibak.
Aanhin ang sarong ginto,
na nakatutuyo ng dugo,
mahanga’y sarong tabo,
na makapananariwa ng puso.
Itong may uling sa mukha
uwak ang kahalimbawa
uwak uwak kung mag-wika
bago uwak din sa kapwa.
Walang naninira sa bakal,
kundi sariling kalawang.
Nagsasabi ang matatanda ng kanilang nakita,
at ang mga bata naman ng mga narinig nila.
Sa tinipak-tipak ng munting palakol,
nakabubuwal din ng malaking kahoy.
Ang palay ay hindi lalapit sa manok.
Walang unang sisi na di sa huli nangyari.
Kung dinaramdam mo ang sa ibang hirap,
iya’y hirap ding iyong dinaranas.
Ang taong mapagdalita,
sasapit sa madlang tuwa.
Walang hindi madadaig ng hinhin at pagtitiis.
Walang taong sakdal-timpi sa masakit na aglahi.
Ang bangko mo’y huwag ipayag na sarili ang bumuhat.
Namumulot man at laglag mabuti na ang umaakyat.
Sa dulaan: ang upuang walang nagmamay-ari, ang balana’y bumabati.
Ang parating inaambil, ang pangadyi’t panalangin.
Ang salitang mataimtim, sa minsana’y tumitiim.
Hindi ngayo’t pumapasok sa simbahan,
ituturing mo nang nagpapakabanal.
Ang dalanging ino-oras-oras kadalasa’y hindi wagas:
Buti pa ang minsang mataimtim, tumataos sa damdamin.
Pag ikaw ay nagparaan, pararaanin ka naman.
Tumulong at nang tulungan sa panahon ng kagipitan.
Walang mayama’t ginhawa na di nanghingi sa iba.
Ang sinasabi ko ang gawin mo at hindi ang ginagawa ko.
Minsan kunsinti,
di naman parati.
Masarap amuyin,
mapait lasahin.
Makinis ang labas, ang loob ay hungkag.
Ang magbigay ay mabuti pa kaysa sa tumanggap ka.
Aanhin pa ang damo,
kung patay na ang kabayo.
Ang taong walang hunos-dili at sakim sa pag-uugali,
ay tanging mapapalungi, at sa kasawian ay nalalagi.
Pag nakakatulung-tulong ay makakalamun-lamon.
Ang matsing damtan man ng sutla, matsing din ang mukha.
Kung ang matsing ma’y marunong,
lalo’t higit ang isang pagong.
Tinatawanan ng matsing ang buntot ng baka,
bago’y hindi alam na may buntot din siya.
Ang huni ng kilyawan sa itaas ng katuray,
kapag ang lalaki’y pinaglililuhan,
kwelyo ng baro niya’y nagiging maluwang.
Ang huni ng karpintero sa itaas ng mabulo,
kulang palad si Alejo, nilagyan ng agiw sa ulo!
Bayu-bayo kumare, bayu-bayo kumpare;
higit na masarap sa atay ng page
ay atay ng aking mahal na kumare.
Ang sinungaling at bulaan ay kapatid ng magnanakaw
Magpala ka sa magnanakaw,
ikaw ay mananakawan.
Malayo sa paningin;
Malayo sa damdamin.
Ang mangmang bagama’t dilat ay di nakaaaninag.
Pag ang puno’y mangmang,
ang bayan ay hangal.
Mabuti sa kahig, sa bitaw pa-lintik.
Sa kahig matapang, natakbo sa bitaw.
Walang manok na tumatanggi sa palay.
Ang apat na mata,
matalas kaysa sa dalawa.
Sa mata ng nauuhaw,
lahat ng tubig ay malinaw.
Ano man ang iyong lakas, daig ka ng munting lagnat.
Ang lason mang nakamamatay,
nagiging lunas din kung minsan.
Kapag aali-aligid ang lawin,
tangkang may daragitin.
Ang leon ay leon din,
kahit ang kuko’y gupitin
at ang balat ay ahitan;
at ang aso ay aso rin
kahit ang kuko’y pahabain
at gumamit ng gintong kolyar.
Kung mahulog ka’y doon sa tayugan
huwag sa mababa nang di ka tawanan.
Masisi na sa agap, huwag lamang sa kupad.
Habang maiksi pa ang kumot, magtiis na mamaluktot;
Kung humaba na at lumapad saka na mag-unat-unat.
Huwag kang makipaglaro sa kuting, nang hindi ka kalmutin.
Kapag maghilamos ang kuting,
may panauhing darating.
Saan kakain ang kuto, kundi sa ulo?
Walang masamang kabayo sa mabuting mangutsero.
Nakikilala sa labi, ang palanganga’t hindi.
Matitiis ang hapdi, ang kati ay hindi.
Ang kawaling lupa kahit malamig man,
pag-init ay higit sa kawaling bakal.
Ang kawayan habang tumutubo langit na mataas ang itinuturo,
pag ito’y lumaki at saka lumago, sa lupang mababa doon yumuyuko.
Ang taong nasa pagitan ng dalawang manananggol,
ay parang isda na nasa pagitan ng dalawang pusa.
Kung mga puna’y hindi mo matanggap,
ang maging sikat huwag ka nang mangarap.
Kung ibig mong ikaw’y kilalanin
sarili mong bangko huwag bubuhatin
Ang kapalaran ko di man hanapin,
dudulog lalapit kung talagang akin.
Di man magsabi’t magbadya, sa anyo makikilala.
Huwag kang humagis, nang di ka hagisin.
Ang masama sa iyo, sa iba’y gayon din.
Huwag kang mahiyang magbigay ng kaunti,
pagka’t lalong masama kung di ka magbigay ng anuman.
Kung ikaw ay napakalambot ay mapipilipit ka agad,
at kung ikaw nama’y tuyot ay mababakli kaagad.
Laking kahidwaan! Kung alin pa ang kapos ay siyang nagpuputol,
kung alin ang mahaba’y siyang nagdurugtong.
Mahanga’y iwa ng bakal,
ang sa aki’y makamatay,
Huwag ang wikang mahalay,
Puri’t buhay ay karamay.
Naghahanap ng pangaral,
kutya ang natagpuan.
Walang sagana sa batid
na sa gawa’y di nalihis.
Kung sino ang unang pumutak,
siya ang nanganak.
Ang kabayo’y tumataba, sa mata ng nag-aalaga.
Ang kabayo’y bigyan mo man ng asukal at tinapay,
iya’y hindi rin titikman, at ang ibig di’y ang kumpay.
Ang kabayong tumatakbo, huwag mong pigili’t di iyo.
Ang kabayo mo’y matuli’t pagkainam-inam
habang wala pang kapareha at hindi pa nalalaban.
Ang sumakay sa kabayo, kabayo na pati;
sa tulin ng takbo’y damay ang sarili.
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?
Kung saan nakasuga ang kabayo, doon ito kakain ng damo.
Walang simarong kabayo sa mabuting mangutsero.
Ang tumatawid nang walang panunuluyan ay isang
kapangahasan, ang bunga’y tagumpay o kapariwaraan.
Kung saan ang hilig, doon ang buwal.
Ugali’t salita, bulaklak ng dila
ang paa na ang madulas,
ang dila lamang ang huwag.
Ang daliri man ng tao ay di pare-pareho.
Mabaho man ang daliri mo di mo maipalamon sa aso.
Ang palainom ng alak ay lubhang nakahahabag,
pag lasing na’y ama’t ina’y binababag.
Bituing ibig nang maglabo, paglipas ng dilim maganda pang lalo.
Ang inaamo ng bulo ay sa pinuyo-puyo.
Bulo mang anong ilap, umaamo rin sa himas.
Huwag mong asahan sa iyo’y magbalik,
ang wikang sinabi’t batong inihagis.
Matisod sa bato, huwag sa damo.
Ang bibig na walang imik,
sa sino ma’y di babanggit.
Ang nakatikom ang bibig sinuma’y walang nababanggit.
Sa nakatikom na bibig, langaw man di masisilid.
Tuso man daw ang matsing ay napaglalalangan din.
Wala nang bingi dito sa mundo gaya ng ayaw makinig.
Batong madalas ipatisod,
hindi paniniktan ng lumot.
Sa mahal magbili, barat ang mamimili.
Ang bihasa sa hubad, pag namaro ay aliswag.
Ang mahaba ay putulan, ang kapos ay dugtungan.
Ang mahabang baro’y dapat na magputol,
ang maikli nama’y dapat na magdugtong.
Ang sa batis nalalapit, nakikinabang ng lamig.
Malaki man at kalog, daig ng munting batibot.
Naroon na sa banig, lumipat pa sa sahig.
Umalis sa banig, natulog sa sahig.
Humukay ka ng balon bago ka mauhaw.
Kung sino ang malapit sa balon,
siyang laging nakaiinom.
Ang babaing gala nang gala ay walang nahihita.
Kapag di pinuna ang isang kiri,
Ang isang iyan ay darami.
Umilag sa baga, sa ningas nasugba.
Nang ang bagyo’y makaraan, saka pa mandin nagsuhay.
Ang hirati sa bahag, magsalawal ma’y aliswag.
Ang asong bahag ang buntot, buto man sa daan ay hindi mapulot.
Ang tamad na aso, di makakasumpong ng buto.
Pag ang aso’y natutuwa, pati buntot ay nauuga.
Araw mo ngayo’y sisikat, ang sa iba nama’y bukas.
Ang aral na walang timyas, walang malugod lumasap.
Kapag hangin ang itinanim, bagyo ang aanihin.
Ang namamali’y aralan, huwag pag-upasalaan.
Sa aral na liko’t bukto’t, umilag at huwag palamuyot.
Aani ka ba ng santol kung ang itinanim mo ay mabulo?
Saan mang gubat ay may ahas.
Sa lahat ng ahas na makamandag, walang mabuti ni isa man.
Sa talagang masasama, mayroon kayang isang banal?
Ang inaahit na balbas ay ang nag-ungos lamang sa balat.
Ang dinami-dami ng paa ng alupihan,
ang siyang ikinaialaglag nito mula sa bubungan.
Dahong ampalaya kahit anong pait, daig ang arnibal sa nakaiibig.
Sumalunga nga sa bundok, ngunit nagdausdos,
at walang kukong ikamot.
Ang tuyong igulong sa abo, hindi paniniktan.
Pag malakas ang agos
sumasalunga sa bundok.
Kung mahirap man sa maralita,
ang maging mariwasa,
lalong mahirap at masaklap,
sa mayaman ang maghirap.
Kung magagawa at di gawin, di na magagawa kung ibigin.
Kung tamis ang unang nalasap,
bahagya mang asim ay lalong matingkad.
Kung ang nabasaga’y hindi nanghinayang,
gasino akong nakabasag lamang.
Hindi kakamot sa ulo ang babaing walang kuto.
Hirap man ang katawan,
huwag lang sa kalooban
Ibig man ng isa’t ang isa’y aayaw,
lisya sa matuwid, kapangyarihan man.
Kapag aali-aligid ang lawin,
tangkang may daragitin.
Umaasa kami na natuto ka sa mga salawikaing iyong nabasa. Maaari mo ring ibahagi ang mga salawikain sa pahinang ito upang maging ang iyong mga kaibigan ay matuto rin ng mga kapaki-pakinabang na aral sa buhay.