Ang Filipino ay isang mayamang wika na may iba’t ibang bahagi at kaalaman na dapat malaman ng bawat nagsasalita, nagsusulat, at gumagamit nito. Isa sa mga importanteng aspeto ng ating wika ay ang salitang-ugat. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang kahulugan at ilang mga halimbawa nito upang mas lalong maunawaan at maging mas mahusay sa pang-araw-araw na pagsusulat at pakikipag-usap gamit ang mga ito.
Ano ang Salitang-ugat?
Ang salitang-ugat o root word sa wikang Ingles ay ang pinakasimpleng anyo ng isang salita na hindi pa nababago o hindi pa napapalitan ng mga panlapi. Ito ay ang batayan ng iba’t ibang salita sa Filipino. Mula rito, maaari nating buuin ang iba’t ibang anyo ng salita sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga panlapi.
Mga Halimbawa ng Salitang-ugat
- aral
- araw
- awit
- ayos
- bahay
- bait
- basa
- bilis
- buti
- ganda
- gawa
- halaman
- hasa
- himbing
- hina
- hinga
- husay
- isda
- itak
- kain
- kamot
- laba
- lakas
- lapit
- laro
- libro
- lundag
- lungkot
- mahal
- mais
- pinto
- sabi
- sayaw
- sigaw
- sulat
- taas
- tagas
- takbo
- talon
- tapang
- tawa
- tawag
- tigas
- tubig
- tulog
- tulong
- ulan
- unawa
- upo
- wika
Sa pag-aaral ng Filipino, napakahalagang maunawaan ang kahulugan at gamit ng mga salitang-ugat. Ito ang pundasyon ng ating wika at ang batayan sa pagbuo ng iba’t ibang anyo ng salita.
Nawa’y nakatulong ang artikulong ito upang mapalawak ang iyong kaalaman at maging mas mahusay pa. Huwag kalimutan na ibahagi ang artikulong ito sa lahat ng iyong mga kaibigan at kakilala upang mas marami pang mga tao ang matuto tungkol sa salitang-ugat.
Mga kaugnay na aralin
PANGUNGUSAP: Mga Halimbawa, Bahagi, Kayarian, Ayos, Uri, Atbp.
TAMBALANG SALITA: Kahulugan, Uri, at Mga Halimbawa
SIMUNO AT PANAGURI: Kahulugan at Mga Halimbawa sa Pangungusap
PANG-UGNAY: Kahulugan, Uri, at Mga Halimbawa ng Pang-Ugnay
PANG-UKOL: Kahulugan, Layon, at Mga Halimbawa ng Pang-Ukol
PANG-ANGKOP: Kahulugan, Uri, at Mga Halimbawa ng Pang-angkop