Uri ng Pandiwa: Dalawang Uri ng Pandiwa at mga Halimbawa nito

Sa post na ito, tatalakayin at ituturo namin sa iyo ang tungkol sa dalawang uri ng pandiwa. Bibigyan ka rin namin ng sampung halimbawa ng bawat uri upang matulungan kang mas maunawaan ang araling ito.

Dalawang Uri ng Pandiwa

Ang pandiwa ay isang salita o bahagi ng pananalita na nagpapakita ng kilos o galaw. Ito ay verb kung tawagin sa wikang Ingles.

Mayroong dalawang uri ng pandiwa. Ito ay ang palipat at katawanin.

1. Palipat

Ang pandiwang palipat o transitive verb sa wikang Ingles ay isang uri ng pandiwa na may tuwirang layon na tumatanggap ng kilos. Ang layon ay karaniwang kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng mga salitang nangmgasasa mgakay, o kina.

Mga Halimbawa ng Pandiwang Palipat

Narito ang sampung halimbawa ng pandiwang palipat sa pangungusap.

  1. Ang mga bata ay tumakbo ng mabilis.
  2. Kumain ng saging ang aking alaga.
  3. Nagpunta kina Berto ang mga tanod.
  4. Sumama kay Lito ang kanyang bunso.
  5. Niyakap ng mahigpit ni Rudy ang kanyang ina.
  6. Bumili ng gitara sa Quiapo si Mandy.
  7. Si Mang Lino ay lumilok ng estatwa.
  8. Tinahian ng bestida ni Aling Percy ang kanyang anak.
  9. Umawit sa entablado ang mga kalahok sa paligsahan.
  10. Sumama sa mga pulis ang suspek.
Mga Halimbawa ng Pandiwang Palipat

2. Katawanin

Ang pandiwang katawanin o intransitive verb ay isang uri ng pandiwa na hindi nangangailangan ng direktang layon para makatanggap ng kilos o galaw dahil kumpleto ang kahulugang ipinahahayag at kayang tumayo sa sarili.

Mga Halimbawa ng Pandiwang Katawanin

Narito ang sampung halimbawa ng pandiwang katawanin sa pangungusap.

  1. Sina Lino at Lina ay ikinasal.
  2. Tumangis si Tina.
  3. Nakasalubong ni Pedro si Juan.
  4. Si nanay ay naglalaba.
  5. Ang mga mag-aaral ay umaawit.
  6. Bibigyan ako ni tatay ng laruan.
  7. Ako ay matutulog.
  8. Si Ana na umiiyak.
  9. Nagdarasal ang mag-anak.
  10. Sumasayaw ang bata.
Mga Halimbawa ng Pandiwang Katawanin

At dito na nagtatapos ang ating pagtalakay sa dalawang uri ng pandiwa. Kung natagpuan mong kapaki-pakinabang ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang matuto rin sila.

I-click lang ang share button na lalabas sa screen para ibahagi ito sa iyong mga social media account.

Mga kaugnay na aralin

PANDIWA: Halimbawa ng Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Pokus, Uri, Atbp.

PANG-URI: Halimbawa ng Pang-uri, Uri ng Pang-uri, Antas, Atbp.

PANG-ABAY: Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.

PANGHALIP: Uri ng Panghalip, Halimbawa ng Panghalip, Gamit, Atbp.

PANGATNIG: Ano ang Pangatnig, Halimbawa ng Pangatnig, Uri, Atbp.

Share this: