El Filibusterismo Kabanata 25 Buod, Mga Tauhan, at Aral

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng El Filibusterismo Kabanata 25 – Tawanan at Iyakan. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang mga mahahalagang aral na mapupulot mo rito.


Buod ng El Filibusterismo Kabanata 25 – Tawanan at Iyakan

Idinaos ng mga mag-aaral ang isang piging sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing-apat silang lahat kabilang si Sandoval. Matatalim magsalita ang mga estudyante, at ramdam pa rin ang kanilang hinanakit kahit nagtatawanan sila. Dumating din si Isagani, ngunit wala si Pelaez. Sana daw ay si Basilio na lang ang inimbitahan kaysa kay Juanito, ani Tadeo. Malalasing pa daw sana nila si Basilio at baka sakaling mapaamin ang lihim tungkol sa nawawalang bata at sa isang mongha.

Naghandog ang mga mag-aaral ng iba’t ibang pagkain sa mga kilalang tao. Si Don Custodio ay binigyan ng pansit lang-lang, si Padre Irene ng lumpiang intsik, at ang mga prayle ng torta. Tumutol si Isagani sa paghahambing ng mga pari sa alimasag, sinang-ayunan naman ito ni Tadeo. Inukol naman ang pansit gisado sa pamahalaan at sa bayan, ayon kay Makaraig.

Nagtalumpati sina Tadeo at Pecson kung saan inatake ang mga pari. Binanggit ni Pecson na mula sa kamusmusan hanggang sa libingan ay mga pari ang kasama natin. Nahuli nila ang isang utusan ni Padre Sibyla, biserektor sa Unibersidad, na sumakay sa karwahe ni Simoun. Nagmamanman pala ito sa mga mag-aaral, na ikinagalit ni Makaraig.

Mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 25

Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-25 Kabanata ng El Filibusterismo:

  • Sandoval
  • Isagani
  • Pelaez
  • Basilio
  • Don Custodio
  • Padre Irene
  • Mga prayle
  • Tadeo
  • Pecson
  • Padre Sibyla
  • Simoun

Mga Aral sa El Filibusterismo Kabanata 25

Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 25 ng El Filibusterismo:

  • Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga mag-aaral na handang tumindig at ipahayag ang kanilang saloobin sa mga nangyayari sa kanilang lipunan. Naging daan ang piging upang mailabas ang kanilang hinanakit laban sa mga prayle at sa pamahalaan. Ipinapakita rin dito ang kahalagahan ng pagkakaisa at tapang ng kabataan sa pagpapahayag ng kanilang mga paniniwala at opinyon.
  • Isang aral na maaaring makuha sa kabanatang ito ay ang kahalagahan ng pagiging matapang, may paninindigan, at pagpapahayag ng saloobin, lalo na kung ito ay para sa ikabubuti ng nakararami. Ang pagkakaisa at pagtutulungan ay mahalaga rin upang makamit ang tunay na pagbabago sa lipunan.

At dito nagtatapos ang El Filibusterismo Kabanata 25 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa unang kabanata ng nobelang ito.

Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.

Mga kaugnay na aralin

El Filibusterismo Kabanata 26 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 27 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 28 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 29 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 30 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 24 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 23 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 22 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 21 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 20 Buod, mga Tauhan, at Aral

  • Save
16 Shares
16 Shares
Share via
Copy link