Ang akdang ito ni Francisco Balagtas na Florante at Laura ay kinabibilangan ng maraming mga tauhan.
Bukod kina Florante, Laura, Aladin, at Flerida na mga bida dito, tampok rin sina Adolfo at Sultan Ali-Adab na mga kontra-bida sa obrang ito ni Balagtas.
Para kilalanin ang iba pang mga tauhan na nagbigay kulay sa Florante at Laura, narito ang aming post na pinamagatang “Florante at Laura Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa”.
SEE ALSO: Florante at Laura Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod)
Mga Nilalaman
[lockercat]
Download the PDF version of this post by clicking this link.
[/lockercat]
Mga Pangunahing Tauhan sa Florante at Laura
1. Florante
Dukeng katipan ni Laura; matalino, matapang, at matipunong binata; anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca; isang kristiyano
2. Laura
Prinsesang katipan ni Florante; anak ni Haring Linceo; iniligtas ni Flerida mula kay Adolfo
3. Adolfo
Kondeng kaagaw ni Florante kay Laura; taksil; may lihim na inggit kay Florante; anak ni Konde Sileno; umagaw sa trono ni Haring Linceo ng Albanya
4. Menandro
Kaibigan ni Florante; mabait, matapat, at laging kasama ni Florante sa mga digmaan; madalas iligtas si Florante mula sa binggit ng kamatayan
5. Aladin
Prinsipe ng Persiya; anak ni Sultan Ali-Adab; katipan ni Flerida; nagligtas kay Florante; isang moro
6. Flerida
Katipan ni Aladin; ang babaeng pinag-aagawan ng mag-amang Sultan Ali-Adab at Aladin; nagligtas kay Laura; isang mora
SEE ALSO: Florante at Laura Buod ng Bawat Kabanata 1-30 with Talasalitaan
Iba pang mga Tauhan sa Florante at Laura
1. Duke Briseo
Tagapayo ni Haring Linceo; ama ni Florante; asawa ni Prinsesa Floresca
2. Prinsesa Floresca
Anak ng hari ng Krotona; ina ni Florante; asawa ni Duke Briseo
3. Sultan Ali-Adab
Ama ni Aladin; umiibig kay Flerida
4. Haring Linceo
Hari ng Albanya; ama ni Laura
5. Konde Sileno
Konde ng Albanya; ama ni Adolfo
6. Menalipo
Pinsan ni Florante; ang nagligtas kay Florante mula sa buwitre na muntik nang dumagit sa kanya noong siya’y sanggol pa lamang
7. Osmalik
Heneral na Persiyano; napatay ni Florante
8. Antenor
Mabait na guro sa Atenas; amain ni Menandro
9. Miramolin
Heneral na turko; lumusob sa Albanya
SEE ALSO: