Noli Me Tangere Kabanata 58 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 58 – Ang Sinumpa. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito, ang tagpuan, mga talasalitaan, pati na rin ang mga mahahalagang aral na mapupulot mo rito.

Related: Noli Me Tangere Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod)

See also: Noli Me Tangere Kabanata 57 Buod, mga Tauhan, Tagpuan, Mahahalagang Pangyayari, Talasalitaan, at Aral

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 58 – Ang Sinumpa

Sa kabanatang ito, ang mga pamilya ng mga bilanggo ay tuliro at balisa at patuloy na hinahanap ang hustisya para sa kanilang mga kaanak. Nasa gitna ng pangamba at pagdurusa ang mga tao dahil wala silang makapitan na malakas para mabigyan ng katarungan ang kanilang mga mahal sa buhay. Isinisisi ng ilan sa kanila ang lahat ng ito kay Ibarra.

Sumapit ang hapon at dinala ang mga bilanggo sa isang kariton na pinalibutan ng mga kawal. Sa lahat ng mga bilanggo ay pangalan lamang ni Ibarra ang walang tumatawag. Sa halip, pinaratangan siyang duwag at sinumpa ng mga tao pati ang kanyang nuno hanggang siya ay tawagin na nilang erehe at dapat mabitay. Pinagbato pa siya ng mga ito habang natatandaan niya ang kwento ni Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nakabitin sa punongkahoy.

Walang gustong dumamay kay Ibarra, kahit si Sinang ay pinagbawalang umiyak ni Kapitan Basilio. Ramdam na ramdam ni Ibarra ang pagkawalay sa inang bayan, pag-ibig, tahanan, kaibigan, at magandang kinabuhasan. Sa huli, umalis si Pilosopo Tasyo at natagpuan siyang nakahandusay sa pintuan ng kanyang bahay kinabukasan.

See also: Noli Me Tangere Buod ng Bawat Kabanata 1-64 with Talasalitaan

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 58

Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-58 Kabanata ng Noli Me Tangere:

Ibarra

Siya ang pangunahing tauhan na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal. Pinagbuntunan siya ng galit ng mga tao at tinawag na erehe, duwag, at dapat mabitay. Nasa kalagitnaan ng pangamba, wala siyang naramdamang suporta mula sa mga tao.

Don Filipo

Isang bilanggo na bagaman nasa kalagitnaan ng mapait na sitwasyon ay nanatiling kalmado at nakuha pang ngumiti at batiin ang kanyang asawa.

Doray

Asawa ni Don Filipo na nagpakita ng pagmamahal at pagkabalisa sa kanyang asawa nang siya ay yakapin ngunit pinigilan ng mga sibil.

Kapitana Tinay

Ina ni Antonio, isa sa mga bilanggo. Lubos siyang nag-aalala at nagdadalamhati para sa kanyang anak.

Antonio

Anak ni Kapitana Tinay, isa sa mga bilanggo.

Kapitana Maria

Ina ng kambal na bilanggo. Nagpakita ng katatagan sa gitna ng pagdurusa at pigil ang mga tao na gumawa ng kilos na makakapagpahirap sa kanilang mga mahal sa buhay.

Alperes

Nagdagdag ng bantay at inutusan ang mga kawal na bantayan ang mga bilanggo.

Kura

May sakit at tumangging makipag-usap kahit kanino.

Andong

Isa pang bilanggo na napaiyak nang makita ang kanyang biyenan.

Biyanan ni Andong

Isang matapang na matanda na ipinangalandakan na bago ang salawal ng kanyang manugang, dahilan kung bakit ito hinuli.

Sinang

Kaibigan ni Ibarra, pinagbawalang umiyak ng kanyang amang si Kapitan Basilio.

Pilosopo Tasyo

Ang matalinong tao na namatay pagkatapos masakisihan ang mga pangyayari.

Guro

Kasama ng mga tao na nag-aalala sa kapalaran ng mga bilanggo.

Nol Juan

Nakadamit pangluksa, ipinahayag ang kanyang pag-aalala at pagdududa sa kaligtasan ni Ibarra.

Kapitan Basilio

Ama ni Sinang, nag-utos na huwag umiyak si Sinang.

Read more: Noli Me Tangere Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa

Tagpuan sa Noli Me Tangere Kabanata 58

Ang tagpuan ng kabanatang ito ay nagaganap sa mga lansangan ng San Diego kung saan ang mga bilanggo ay inilabas mula sa kulungan at isinakay sa kariton.

Mahahalagang Pangyayari sa Noli Me Tangere Kabanata 58

  1. Ang mga pamilya ng mga bilanggo ay tuliro at balisa, patuloy na naghahanap ng hustisya para sa kanilang mga mahal sa buhay habang isinisi ng ilan ang nangyari kay Ibarra.
  2. Nang sumapit ang hapon, dinala ang mga bilanggo sa isang kariton na pinalibutan ng mga kawal. Si Ibarra ang tanging walang tumatawag sa pangalan at sa halip ay pinaratangan siyang duwag at sinumpa ng mga tao.
  3. Tinawag si Ibarra ng mga tao bilang erehe at hinatulang dapat siyang mabitay. Binato siya ng mga tao habang naaalala niya ang kwento ni Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nakabitin sa punongkahoy.
  4. Walang gustong dumamay kay Ibarra; si Sinang ay pinagbawalang umiyak ni Kapitan Basilio. Ramdam ni Ibarra ang matinding kalungkutan dahil sa kanyang pagkawalay sa bayan, pag-ibig, tahanan, kaibigan, at magandang kinabukasan.
  5. Sa huli, umalis si Pilosopo Tasyo at kinabukasan ay natagpuan siyang nakahandusay sa pintuan ng kanyang bahay.

Talasalitaan sa Noli Me Tangere Kabanata 58

  • Tuliro – Naguguluhan o walang kapayapaan ng isip.
  • Kumbento – Tahanan o tirahan ng mga pari.
  • Tribunal – Hukuman o korte.
  • Biyenan – Magulang ng asawa.
  • Gapos – Tali o pagkakakadena.
  • Alperes – Mataas na opisyal ng mga kawal.
  • Nagpupuyos – Nagngingitngit o galit na galit.
  • Erehe – Isang taong itinuturing na lumalabag sa pananampalataya ng simbahan.
  • Bakol – Lalagyan o basket na gawa sa kawayan o iba pang materyales.
  • Balabal – Makapal na damit na nakasuot sa katawan bilang proteksyon sa lamig.

Mga Aral, Mensahe, at Implikasyon sa Noli Me Tangere Kabanata 58

Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 58 ng Noli Me Tangere:

  1. Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng kawalang-katarungan sa lipunan kung saan ang mga walang kapangyarihan ay walang magawa upang ipagtanggol ang kanilang mga mahal sa buhay.
  2. Si Ibarra, kahit hindi pa napatunayang may kasalanan, ay agad na hinatulan ng mga tao, nagpapakita ng mabilisang paghusga na batay lamang sa galit at takot.
  3. Sa gitna ng krisis, ang pagmamahal ng pamilya ang nananatiling matibay, ngunit ito rin ay nasusubok sa harap ng malaking pagsubok.
  4. Ang kabanata ay nagtuturo na ang pananagutan ay dapat itakda sa tamang mga tao, at hindi sa mga inosenteng napagbintangan lamang dahil sa galit ng bayan.

At dito nagtatapos ang Noli Me Tangere Kabanata 58 Buod, mga Tauhan, Tagpuan, Talasalitaan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa ika-58 kabanata ng nobelang ito.

Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen. Para sa karagdagang mga tanong tungkol sa ating aralin, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba.

See also: Noli Me Tangere Kabanata 59 Buod, mga Tauhan, Tagpuan, Mahahalagang Pangyayari, Talasalitaan, at Aral

Share this: