El Filibusterismo Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod)

Ang El Filibusterismo ay kontinwasyon ng nobelang isinulat din ni Gat. Jose Rizal na Noli Me Tangere.

Tumatakbo ang nobelang ito sa paghihimagsik. Ipinapakita dito kung saan aabot ang kakayahan ng isang tao upang makapaghiganti sa mga taong pilit na umaagaw ng kalayaan na dapat ay tinatamasa ng bawat isa.

Para mas lalong maunawaan ang nobelang ito, halina’t basahin ang ginawa naming El Filibusterismo buod ng buong kwento.

See also: Noli Me Tangere Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod) »

Kung buod ng bawat kabanata at mga tauhan ang hanap mo, bisitahin ang pahinang ito: El Filibusterismo Buod ng Bawat Kabanata 1-39 with Talasalitaan at El Filibusterismo Tauhan at Katangian ng Bawat Isa.

Download the PDF version of this post by clicking this link.

El Filibusterismo Buod ng Buong Kwento

Sa liku-likong daan ng Ilog Pasig, may isang Bapor Tabo na naglalakbay. Lulan nito ang maraming taong papunta sa Laguna. Ilan sa mga sakay ng bapor ay sina Simoun, Basilio, Isagani, ilang mga pari, at marami pang iba.

Unang pinuntahan ni Basilio ang puntod ng kaniyang ina nang makarating siya sa San Diego. Doon ay nakita niya ang mag-aalahas na si Simoun. Nang magtanggal ito ng salamin, nakilala niyang iyon si Juan Crisostomo Ibarra.

Tinangkang patayin ni Simoun si Basilio upang hindi lumabas ang lihim nito. Ngunit naisip niyang pareho sila ng kinahinatnan kaya hinimok na lamang niya si Basilio na makiisa sa planong paghihiganti sa Pamahalaang Kastila.

Ngunit ito ay tinanggihan ni Basilio. Naghain ng kahilingan sa Kapitan Heneral ang mga mag-aaral na Pilipino upang makapagtayo ng isang akademya ng wikang Kastila, ngunit hindi ito pinagtibay dahil mga pari ang namamahala dito.

See also: Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo »

Nang muling magkita sina Simoun at Basilio, muli niyang kinumbinsi ang binata na umanib sa gagawing paghihimagsik.

Plano ni Simoun na gumawa ng isang pulutong na sapilitang papasok sa kumbento upang agawin si Maria Clara. Sa kasawiang-palad, hindi ito nangyari dahil binawian ng buhay ang dalaga kinahapunan.

Samantala, nagkaroon ng pagtitipon ang mga mag-aaral sa Panciteria na pagmamay-ari ng Intsik na si Quiroga, dahil sa sama ng kanilang loob dulot ng pagkabigo ng kanilang kahilingan patungkol sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila.

Nalaman ng mga pari ang tahasang pagtuligsa sa kanila ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng talumpatian sa loob ng Panciteria. Kinaumagahan, makikita ang mga paskil sa pinto ng Pamantasan na naglalaman ng mga paghihimagsik.

Pinagbintangan ang mga mag-aaral na kasali sa kapisanan at dinakip ang mga ito kasama si Basilio. Labis ang pagdaramdam ng kasintahan ni Basilio na si Juli.

Hinimok ni Hermana Bali na lapitan ni Juli si Padre Camorra upang humingi ng tulong sa pagpapalaya kay Basilio. Napalaya na kasi ng mga kamag-anak nila ang mga mag-aaral na hinuli, maliban kay Basilio.

Hinalay ni Padre Camorra si Juli, dahilan kung bakit tumalon sa bintana ang dalaga at agad na namatay.

Sa kabilang dako, patuloy pa rin si Simoun sa kanyang plano ng paghihiganti. Upang maisagawa iyon, sumanib siya sa negosyo ni Don Timoteo Pelaez, ama ni Juanito. Ipinagkasundo niyang ipakasal si Paulita Gomez kay Juanito.

Inanyayahan niya sa piging ang mga taong may mataas na posisyon sa pamahalaan. Lumipas ang dalawang buwan, nakalaya na si Basilio sa tulong ni Simoun, dahilan kung bakit tuluyan na siyang nakiisa sa paghihimagsik na balak ni Simoun.

Sinamantala ni Simoun ang mangyayaring piging upang maisagawa ang paghihimagsik. Naghandog siya ng magarang lampara para sa ikakasal.

Di lingid sa kanilang kaalaman, ang lamparang iyon ay may lamang nitrogliserina. Sa oras na itaas ang mitsa ay sasabog ito nang malakas.

Habang nagsasaya ang lahat, palakad-lakad naman si Basilio sa labas. Hindi siya mapakali dahil alam niya ang mangyayaring pagsabog.

Nakita niyang lumabas na rin si Simoun sa bahay dahil sa nalalapit na pagsabog ng lampara. Nakita din niya si Isagani at sinabihang umalis na sa bahay na iyon.

Unti-unti nang lumalamlam ang ilaw ng lampara. Iniutos ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ang mitsa nito, ngunit mabilis itong inagaw ni Isagani at itinapon sa ilog.

Hindi natuloy ang plano ni Simoun kaya tumakas ito at nagtungo sa bahay ni Padre Florentino. Uminom si Simoun ng lason dahil ayaw niyang mahuli siya ng mga gwardiya sibil nang buhay.

Ipinagtapat niya kay Padre Florentino ang kanyang tunay na pagkatao at ang balak niyang paghihiganti.

Noong oras ding iyon ay binawian ng buhay si Simoun.

Tumungo si Padre Florentino sa batong laging inuupuan ni Isagani malapit sa dagat at itinapon ang lahat ng kayamanan ni Simoun.

See also: Noli Me Tangere Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa »

Share this: