Noli Me Tangere Kabanata 23 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.

Tatalakayin natin sa post na ito ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 23 – Ang Piknik. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito, ang tagpuan, mga mahahalagang pangyayari, talasalitaan, pati na rin ang aral at mahahalagang kaisipan na mapupulot mo rito.

Related: Noli Me Tangere Buod ng Buong Kwento (Maikling Buod)

See also: Noli Me Tangere Kabanata 22 Buod, mga Tauhan, Tagpuan, Mahahalagang Pangyayari, Talasalitaan, at Aral

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 23 – Ang Piknik

Masiglang naghanda ang mga kababaihan at kalalakihan para sa kanilang piknik. Maagang nagtipon ang lahat, at naglakad patungo sa lugar ng piknik. Ang mga kababaihan, kasama sina Maria Clara, Iday, Victorina, Neneng, at Sinang, ay magkakasamang sumakay sa isang bangka. Sa kabila ng masayang kwentuhan at tawanan ng mga dalaga, pinatahimik sila ni Tiya Isabel.

Samantala, ang bangka ng mga kalalakihan ay nagkaroon ng butas, kaya’t napilitan silang lumipat sa bangka ng mga dalaga, na nagdulot ng pagkailang at katahimikan. Patuloy ang pagsagwan ni Elias habang umaawit ng kundiman si Maria Clara upang aliwin ang kanilang grupo.

Pagdating nila sa baklad na pagmamay-ari ni Kapitan Tiago, nagkaroon ng problema sa pangingisda dahil walang nahuhuling isda sa lambat. Nang siyasatin ni Leon, nalaman nilang may buwaya sa sa ilog. Nagdesisyon si Elias, ang piloto, na bumaba upang hulihin ang buwaya. Matagumpay niyang natalian ang leeg ng buwaya, ngunit dahil sa malakas na paggalaw nito, natangay siya at nahulog sa tubig. Agad namang tumalon si Ibarra para iligtas ang piloto, at sa tulong ng iba pa, napaslang nila ang buwaya.

Nagbunyi ang lahat, lalo na si Maria Clara na labis na nabahala sa kaligtasan ni Ibarra. Napansin ni Maria Clara ang piloto na malungkot kahit siya ang naging bayani ng pangyayari. Nagpatuloy sila sa paglalayag at sa kanilang piknik sa kakahuyan, kung saan muli silang nagkantahan at nagsaya habang tinatamasa ang masarap na umaga.

See also: Noli Me Tangere Buod ng Bawat Kabanata 1-64 with Talasalitaan

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 23

Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-23 Kabanata ng Noli Me Tangere:

Maria Clara

Ang pangunahing babae sa kwento na kasama sa piknik. Umawit siya ng kundiman upang aliwin ang kanilang grupo habang naglalayag.

Iday, Victorina, Neneng, at Sinang

Mga kaibigan ni Maria Clara na kasama sa piknik. Sila ay nakisalo sa kwentuhan at tawanan sa bangka.

Mga kalalakihan

Mga kasama din sa piknik.

Elias

Ang bangkero na sumagwan para sa grupo. Nang lumitaw ang buwaya, siya ang unang humarap dito at nakipaglaban para protektahan ang grupo.

Ibarra

Isa pang lalaki na tumalon sa ilog para tulungan si Elias sa pakikipaglaban sa buwaya. Siya ang kasintahan ni Maria Clara.

Tiya Isabel

Ang nakatatandang kasama ni Maria Clara na nagbabantay sa grupo ng mga kababaihan at sumaway sa kanilang kasiyahan sa bangka.

Read more: Noli Me Tangere Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa

Tagpuan sa Noli Me Tangere Kabanata 23

Ang tagpuan ng kabanata ay sa isang ilog, kung saan nagpunta ang mga tauhan para magpiknik.

Mahahalagang Pangyayari sa Noli Me Tangere Kabanata 23

  1. Masayang naghanda ang mga kababaihan at kalalakihan para sa kanilang piknik.
  2. Lumipat ang mga kalalakihan sa bangka ng mga kababaihan dahil sa butas sa kanilang bangka, na nagdulot ng pagkailang sa mga dalaga.
  3. May lumitaw na buwaya sa ilog na nagdulot ng takot sa grupo.
  4. Nilabanan ni Elias sa buwaya at tinulungan siya ni Ibarra upang mapatay ang hayop.
  5. Naging masaya ang salu-salo ng grupo matapos nilang mapatay ang buwaya at makahuli ng isda.

Talasalitaan sa Noli Me Tangere Kabanata 23

  • Kawaksi – mga kasama o kasapi sa isang grupo o samahan.
  • Mahinhin – mapagkumbaba, tahimik o mapagtimpi.
  • Silong – sa ilalim o ibaba ng isang bagay o lugar.
  • Kundiman – tradisyonal na awit na Pilipino na may malalim na damdamin ng pag-ibig at pasasalamat.
  • Bangkero – Taong nagsasagwan o nagmamaneho ng bangka.
  • Piknik – Isang gawain kung saan ang mga tao ay nagsasama-sama upang kumain sa labas, karaniwan sa tabi ng ilog o kalikasan; picnic sa wikang Ingles.

Mga Aral, Mensahe, at Implikasyon sa Noli Me Tangere Kabanata 23

Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 23 ng Noli Me Tangere:

  1. Ang pagtutulungan ay mahalaga sa pagharap sa mga hamon at panganib sa buhay. Ipinakita nina Elias at Ibarra ang kanilang katapangan at pagkakaisa upang mapagtagumpayan ang buwaya.
  2. Ang kaligayahan at kasiyahan ay maaaring biglang mapalitan ng takot at pangamba. Ang buhay ay puno ng hindi inaasahang pangyayari, kaya’t mahalaga ang pagiging handa sa anumang sitwasyon.
  3. Ang pagkakaroon ng tiwala sa isa’t isa ay nagpapalakas ng loob, tulad ng pagtitiwala ni Elias kay Ibarra na tumulong sa kanya laban sa buwaya.
  4. Ang kalikasan ay may mga panganib na dapat nating kilalanin at igalang. Ang paglitaw ng buwaya ay isang paalala na may mga elemento sa kalikasan na dapat tayong mag-ingat.
  5. Ang kagalakan sa simpleng pamumuhay, tulad ng pagsasalo sa ilalim ng puno, ay nagbibigay ng kaligayahan at pagkakaisa sa mga tao. Ang piknik ay isang simbolo ng pagkakaibigan at pagtutulungan sa gitna ng mga pagsubok.

At ‘yan ang Noli Me Tangere Kabanata 23 Buod, mga Tauhan, tagpuan, mahahalagang pangyayari, talasalitaan, at Aral. Kung naging kapaki-pakinabang sa iyo ang araling ito, ibahagi mo ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila din ay matuto sa bahaging ito ng nobela.

Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen. Para sa karagdagang mga tanong tungkol sa ating aralin, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba.

See also: Noli Me Tangere Kabanata 24 Buod, mga Tauhan, Tagpuan, Mahahalagang Pangyayari, Talasalitaan, at Aral

Share this: