El Filibusterismo Kabanata 15 Buod, Mga Tauhan, at Aral

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng El Filibusterismo Kabanata 15 – Ginoong Pasta. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang mga mahahalagang aral na mapupulot mo rito.


Buod ng El Filibusterismo Kabanata 15 – Ginoong Pasta

Dinalaw ni Isagani si Ginoong Pasta, isang kilalang abogado at tagapayo ng mga pari sa Maynila, sa kanyang opisina. Layon niyang hilingin ang tulong ni Ginoong Pasta upang maimpluwensiyahan si Don Custodio na suportahan ang kanilang balak.

Inilahad ni Isagani kay Ginoong Pasta ang kanilang adhikain tungkol sa pagtatag ng isang akademya ng Wikang Kastila. Bagama’t nakikinig si Ginoong Pasta, tila wala siyang interes sa mga sinasabi ni Isagani. Samantala, sinusubukan naman ni Isagani na malaman ang reaksyon ng abogado sa kanyang mga sinasabi.

Subalit nabigo si Isagani sa kanyang layunin dahil ipinasya ni Ginoong Pasta na huwag makialam sa usapin dahil sa sensitibo nitong kalikasan. Ayon sa kanya, mas mainam na hayaan na lamang ang gobyerno na kumilos sa ganitong mga bagay.

Mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 15

Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-15 Kabanata ng El Filibusterismo:

  • Ginoong Pasta
  • Isagani
  • Don Custodio

Mga Aral sa El Filibusterismo Kabanata 15

Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 15 ng El Filibusterismo:

  • Sa kabanatang ito, ipinapakita ang pagiging mapagkumbaba at determinado ni Isagani na matupad ang kanilang mithiin. Gayunpaman, ipinakita rin ng kabanata ang realidad na may mga tao na natatakot sa pagbabago dahil sa takot sa mga posibleng kahihinatnan nito.
  • Ang aral na maaring makuha mula rito ay ang pagpupursige sa kabila ng mga pagkabigo at pagtanggap sa realidad na hindi lahat ng tao ay may kaparehong pananaw o interes sa isang adhikain. Sa ganitong mga pagkakataon, mahalaga ang pagiging handa sa mga pagsubok at pagpapatuloy ng laban para sa paniniwala.

At dito nagtatapos ang El Filibusterismo Kabanata 15 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa unang kabanata ng nobelang ito.

Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.

Mga kaugnay na aralin

El Filibusterismo Kabanata 16 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 17 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 18 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 19 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 20 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 14 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 13 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 12 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 11 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 10 Buod, mga Tauhan, at Aral

  • Save
23 Shares
23 Shares
Share via
Copy link