El Filibusterismo Kabanata 5 Buod, Mga Tauhan, at Aral

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng El Filibusterismo Kabanata 5 – Ang Noche Buena ng Isang Kutsero. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang mga mahahalagang aral na mapupulot mo rito.


Buod ng El Filibusterismo Kabanata 5 – Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Sa gabi ng Noche Buena, kasabay ng pag-uwi ni Basilio sa San Diego ay ang prusisyon. Naparusahan ang kutserong si Sinong dahil nakalimutan niya ang kanyang sedula at wala siyang ilaw sa kalesa. Sa kanilang pagdaan, napag-usapan nila ang mga imahen sa prusisyon tulad ni Metusalem, tatlong Haring Mago, at ang birheng Maria na tila malungkot.

Tinanong ni Sinong si Basilio tungkol sa alamat ni Bernardo Carpio na pinaniniwalaang magiging tagapagligtas ng bayan. Habang naglalakad, napansin ni Basilio na wala masyadong parol ang mga bahay maliban kay Kapitan Basilio na puno ng kasiyahan kasama ang alperes, kura, at si Simoun.

Nakarating si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago at nalaman niya mula sa mga katiwala ang mga nangyari sa bukid at ang pagkakadakip kay Kabesang Tales, ama ng kanyang nobya na si Juli.

Mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 5

Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-5 Kabanata ng El Filibusterismo:

  • Basilio
  • Kutserong Sinong
  • Metusalem
  • Tatlong Haring Mago
  • Birheng Maria
  • Bernardo Carpio
  • Kapitan Basilio
  • Alperes
  • Kura
  • Simoun
  • Kapitan Tiago
  • Kabesang Tales
  • Juli

Mga Aral sa El Filibusterismo Kabanata 5

Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 5 ng El Filibusterismo:

  • Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng pagkakaiba sa lipunan na kung saan may mga taong nagdiriwang at nagkakasiyahan, samantalang ang iba ay dumaranas ng hirap at pagdurusa. Ipinapakita din ng kabanata ang paghihigpit ng awtoridad at ang pagpaparusa sa mga taong hindi sumusunod sa mga alituntunin.
  • Isa pang mahalagang mensahe ng kabanata ay ang pagkakaroon ng pananampalataya sa mga alamat tulad ni Bernardo Carpio, na kung saan ang mga tao ay umaasa sa isang tagapagligtas upang mabago ang kanilang kalagayan sa buhay. Ipinapakita rin dito ang paghahangad ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan at hustisya sa kanilang bayan.

At dito nagtatapos ang El Filibusterismo Kabanata 5 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa unang kabanata ng nobelang ito.

Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.

Mga kaugnay na aralin

El Filibusterismo Kabanata 7 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 8 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 9 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 10 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 11 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 6 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 4 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 3 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 2 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 1 Buod, mga Tauhan, at Aral

  • Save
32 Shares
32 Shares
Share via
Copy link