El Filibusterismo Kabanata 9 Buod, Mga Tauhan, at Aral

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng El Filibusterismo Kabanata 9 – Si Pilato. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang mga mahahalagang aral na mapupulot mo rito.


Buod ng El Filibusterismo Kabanata 9 – Si Pilato

Napag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo. Marami sa mga tao ay hindi nagbigay-pansin dito, habang ang iba ay nagsitsismisan tungkol sa matanda. May mga nagsabi na kung hindi umalis si Kabaesang Tales, hindi sana nangyari ang mga ito kay Tandang Selo. Nagtalo-talo sila kung sino ang may kasalanan sa trahedya ni Tandang Selo.

Si Hermana Penchang ay sinisi si Tandang Selo dahil sa di umano’y kulang sa panalangin at hindi maayos na pagtuturo kay Juli. Nang malaman ni Hermana na tutubusin ni Basilio si Juli, ipinahayag niyang si Basilio ay demonyo na nagkukunwaring estudyante na gustong magpahamak sa kaluluwa ni Juli.

Sa tulong ng perang kinita sa mga alahas ni Juli, nakauwi na si Kabesang Tales. Nalaman niya na nagpaalipin si Juli, ang kanyang lupa ay nasa kamay na ng iba, at ang kanyang ama ay napipi. Pinapalayas na rin siya sa kanilang bahay ng hukuman, binigyan siya ng tatlong araw para magligpit ng kanilang mga gamit. Nagalak ang mga pari at ang bagong may-ari ng kanilang lupa.

Mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 9

Ito ang mga tauhang nabanggit sa ika-9 Kabanata ng El Filibusterismo:

  • Tandang Selo
  • Kabaesang Tales
  • Hermana Penchang
  • Juli
  • Basilio

Mga Aral sa El Filibusterismo Kabanata 9

Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na maaaring mapulot sa Kabanata 9 ng El Filibusterismo:

  • Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng kawalan ng pagkakaisa at pagkamapagmahal ng mga tao sa bayan. Imbes na tumulong at magbigay ng simpatiya, pinili pa ng iba na magsitsismisan at manisi ng iba.
  • Ang nobela ay nagtuturo rin ng kahalagahan ng pagtitiwala sa isa’t isa at pagsuporta sa panahon ng pagsubok. Ang pagiging mapanghusga at mapanira ng ibang tao ay nagdudulot ng mas malalim na sakit at pasakit sa mga taong nasa paligid.
  • Ang kabanata ay nagbibigay-diin na tayo ay dapat maging handa upang tumulong sa kapwa at huwag hayaang maging biktima ng mapanirang tsismis at kawalang-pagkakaisa.

At dito nagtatapos ang El Filibusterismo Kabanata 9 Buod, mga Tauhan, at Aral. Naging kapaki-pakinabang ba sa iyo ang araling ito? Kung oo ang iyong sagot, ibahagi mo din ito sa iyong mga kaklase at kaibigan para sila din ay matuto sa unang kabanata ng nobelang ito.

Samantala, maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media account. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.

Mga kaugnay na aralin

El Filibusterismo Kabanata 6 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 7 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 8 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 10 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 11 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 5 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 4 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 3 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 2 Buod, mga Tauhan, at Aral

El Filibusterismo Kabanata 1 Buod, mga Tauhan, at Aral

  • Save
20 Shares
20 Shares
Share via
Copy link