Ibong Adarna Kabanata 15 – Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.

Sa artikulong ito, tatalakin natin ang maikling buod ng Ibong Adarna Kabanata 15: Ang Muling Paglisan ni Don Juan. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang aral at mahahalagang kaisipan na mapupulot mo rito.

Buod ng Ibong Adarna Kabanata 15: Ang Muling Paglisan ni Don Juan

Madaling araw pa lang ay umalis na si Don Juan upang tumakas sa kaniyang ama. Batid niyang kailangan niyang magtago dahil sa pagpapabaya sa Ibong Adarna.

Paggising ng hari ay agad itong nagtungo sa silid na kinaroroonan ng ibon. Nagulat at nagalit ito nang matagpuang wala na ang ibon sa hawla. Nang ipinatawag ng hari ang kaniyang mga anak, dalawa lamang ang humarap sa kaniya.

Nagtangkang magsinungaling muli sina Don Pedro at Don Diego ngunit hindi sila agad pinaniwalaan ng hari. Ipinahanap ni Don Fernando si Don Juan ngunit sawi itong matagpuan.

Ayon sa dalawang prinsipe ay nagtaksil si Don Juan at handa silang umalis upang hanapin ang nagtatagong bunsong kapatid.

Naglakbay sila kung saan-saan ngunit hindi nila natagpuan si Don Juan. Paglaon ay narating nila ang kabundukan ng Armenya kung saan naroon si Don Juan.

See also: Ibong Adarna Buod ng Bawat Kabanata 1-46 with Talasalitaan

Mga Mahahalagang Pangyayari

  1. Madaling araw pa lamang ay umalis na si Don Juan upang magtago mula sa kanyang ama dahil sa takot na masisi sa pagpapabaya sa Ibong Adarna.
  2. Paggising ng hari, nagtungo ito sa hawla ng Ibong Adarna at natuklasan niyang wala na ang ibon, na labis niyang ikinagalit.
  3. Ipinatawag ng hari ang kanyang mga anak, ngunit tanging sina Don Pedro at Don Diego lamang ang humarap sa kanya, samantalang si Don Juan ay wala.
  4. Nagtangka muling magsinungaling sina Don Pedro at Don Diego, ngunit hindi sila pinaniwalaan ng hari. Ipinag-utos niyang hanapin si Don Juan, ngunit nabigo silang matagpuan ito.
  5. Naglakbay sina Don Pedro at Don Diego at nakarating sa kabundukan ng Armenya, kung saan naroon si Don Juan.

Mga Tauhan sa Ibong Adarna Kabanata 15

  • Don Juan – Ang bunsong prinsipe na tumakas dahil sa takot na masisi sa pagkawala ng Ibong Adarna. Siya ang pangunahing tauhan na hinahanap ng kanyang mga kapatid.
  • Don Pedro at Don Diego – Mga nakatatandang kapatid ni Don Juan na nagtangka muling magsinungaling sa kanilang ama. Nagprisinta silang hanapin si Don Juan.
  • Haring Fernando – Ang ama ng tatlong prinsipe na nagalit sa pagkawala ng Ibong Adarna at ipinag-utos na hanapin si Don Juan.
  • Ibong Adarna – Ang mahiwagang ibon na nawawala sa hawla nang bumangon ang hari.

See also: Ibong Adarna Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa

Tagpuan

Ang tagpuan ay sa loob ng kaharian ng Berbanya, partikular kung saan binabantayan ng magkakapatid ang ibon, at sa mga lugar na dinaanan nina Don Pedro at Don Diego upang hanapin si Don Juan.

Talasalitaan

  • Kinaurali – Nakipagsabwatan.
  • Magbulaaan – Magsinungaling; hindi magsabi ng totoo.
  • Matuwid – Tama, ayon sa batas o katarungan.
  • Mitak – Ang pagliwanag o pagsikat ng araw.
  • Namamansing – Nanghuhuli ng isda gamit ang pamingwit.
  • Nanlilisik – Nag-aapoy ang mata sa galit; nag-aalab ang tingin.
  • Sinisipat – Tinitingnan o sinusuri nang mabuti.
  • Sinalugsog – Siniyasat o hinanap nang masinsinan.
  • Yumao – Pumanaw o namatay.

Mga Aral at Mensahe sa Ibong Adarna Kabanata 15

  1. Ang takot sa responsibilidad ay maaaring magdulot ng mas malaking problema, kaya’t mahalagang harapin ang anumang kasalanan o pagkakamali.
  2. Ang kasinungalingan ay hindi maaaring magtagumpay laban sa katotohanan, at ang pagsisinungaling ay laging may kapalit na parusa.
  3. Ang paghahanap ng katarungan at katotohanan ay nangangailangan ng pagtitiyaga, lalo na kung ang mga kasinungalingan ay paulit-ulit na ginagawa.

See also: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

At ‘yan ang Ibong Adarna Kabanata 15 Buod, mga Tauhan, at Aral. Kung naging kapaki-pakinabang sa iyo ang araling ito, ibahagi mo ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila din ay matuto sa bahaging ito ng korido.

Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.

Share this: