Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang maikling buod ng Ibong Adarna Kabanata 35: Ang Nawawalang Singsing. Bukod pa d’yan, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito pati na rin ang aral at mahahalagang kaisipan na mapupulot mo rito.
Mga Nilalaman
Buod ng Ibong Adarna Kabanata 35: Ang Nawawalang Singsing
Nagpatuloy ang pagsusumikap ni Don Juan na matugunan ang hiling ng Haring Salermo na mahanap ang kanyang nawawalang diyamanteng singsing. Sinabihan ni Haring Salermo si Don Juan na ang singsing ay matatagpuan sa gitna ng dagat at pagnakita ay ilagay ito sa ilalim ng kanyang unan.
Sa ikasiyam na gabi, nagkita sina Don Juan at Maria Blanca sa banyong paliguan at nagtungo sila sa dagat. Sinabi ni Maria Blanca kay Don Juan na tadtarin siya ng pinung-pino at ihagis sa tubig. Hindi dapat matapon ang kahit anong piraso ng kanyang laman, at dapat gising si Don Juan sa buong oras ng kanilang paghihintay. Lilitaw ang kamay ng prinsesa na may hawak na singsing na dapat makuha ni Don Juan.
Pero sa kabila ng mga sinabi ni Maria Blanca, hindi pa rin nakayanan ni Don Juan na manatiling gising. Ilan beses nang lumitaw ang kamay ng prinsesa na may hawak na singsing, pero hindi ito nakuha ni Don Juan dahil siya’y nakatulog. Pagod na pagod na umahon si Maria Blanca at nagalit ito ngunit hindi naman kayang tiisin ang prinsipe.
Sa pangalawang pagkakataon, muling tinadtad ni Don Juan si Maria Blanca at inihagis sa karagatan, pero sa kasamaang palad, tumalsik ang isang parte ng daliri ng prinsesa. Lumitaw ang kamay ng prinsesa na may hawak na singsing, ngunit wala ang kanyang hintuturo. Sinabi ni Maria Blanca kay Don Juan na gawing tanda ng kanyang pagkakakakilanlan ang kanyang kamay na kulang ng isang daliri.
Nang dumating ang umaga, natagpuan ni Haring Salermo ang nawawalang singsing sa ilalim ng kanyang unan, at hindi maipaliwanag ang kanyang pagkamangha.
See also: Ibong Adarna Buod ng Bawat Kabanata 1-46 with Talasalitaan
Mga Mahahalagang Pangyayari
- Inatasan si Don Juan ni Haring Salermo na hanapin ang nawawalang diyamanteng singsing sa gitna ng dagat at ilagay ito sa ilalim ng kanyang unan.
- Nagkita sina Don Juan at Maria Blanca sa banyong paliguan bago nagtungo sa dagat upang isagawa ang paghahanap ng singsing.
- Sinabihan ni Maria Blanca si Don Juan na tadtarin siya ng pinung-pino at ihagis sa tubig upang lumitaw ang kamay ng prinsesa na may hawak na singsing.
- Hindi nakayanan ni Don Juan na manatiling gising, kaya hindi niya nakuha ang singsing sa unang pagtatangka.
- Sa pangalawang pagtatangka, tumalsik ang isang parte ng daliri ni Maria Blanca, ngunit nakuha nila ang singsing. Ginawang palatandaan ng kanyang pagkakakilanlan ang nawawalang hintuturo ng prinsesa.
Mga Tauhan sa Ibong Adarna Kabanata 35
- Don Juan – Ang prinsipe na inatasan ni Haring Salermo na hanapin ang nawawalang dyamanteng singsing.
- Haring Salermo – Ang hari na may hamon kay Don Juan na hanapin ang kanyang nawawalang singsing.
- Maria Blanca – Ang prinsesang tumulong kay Don Juan upang mahanap ang singsing.
See also: Ibong Adarna Tauhan at mga Katangian ng Bawat Isa
Tagpuan
Ang tagpuan ng kabanata ay sa karagatan kung saan hinanap ang nawawalang dyamanteng singsing ni Haring Salermo.
Talasalitaan
- Hiyas – Mahalagang bato o alahas.
- Lihim – Bagay na hindi dapat ipaalam sa iba; sikreto.
- Nalingat – Natanggal ang pansin.
- Natigmak – Nababad.
- Pagal – Pagod o labis na napagod.
- Pag-uyam – Pambabatikos o pangungutya.
Mga Aral at Mensahe sa Ibong Adarna Kabanata 35
- Ang pagtitiis at sakripisyo para sa mahal ay maaaring magdulot ng tagumpay, tulad ng ginawa ni Maria Blanca para kay Don Juan.
- Mahalaga ang pagiging alerto at mapagmasid sa bawat sitwasyon upang hindi mapalampas ang pagkakataon, gaya ng nangyari kay Don Juan sa kanyang unang pagkabigo.
- Ang pagtitiwala sa tulong ng iba ay hindi nangangahulugang mawawala ang sariling responsibilidad; kailangan pa rin ang sariling pagsisikap upang makamit ang layunin.
See also: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
At ‘yan ang Ibong Adarna Kabanata 35 Buod, mga Tauhan, at Aral. Kung naging kapaki-pakinabang sa iyo ang araling ito, ibahagi mo ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila din ay matuto sa bahaging ito ng korido.
Maaari mo din itong i-share sa iyong mga social media profile. I-click lamang ang share button na makikita sa iyong screen.
Mga kaugnay na aralin
Ibong Adarna Kabanata 40 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 39 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 38 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 37 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 36 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 34 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 33 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.
Ibong Adarna Kabanata 32 Buod, Mga Tauhan, Aral, atbp.