Matututunan mo sa pahinang ito kung ano ang pang-abay na pananggi. Mayroon din kaming ginawang mga halimbawa ng pang-abay na pananggi upang mas lalo mong maintindihan ang paksang ito.
Ano ang Pang-abay na Pananggi?
Ang pang-abay na pananggi ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi, pagtutol, o pagsalungat sa kilos na ipinapahayag ng pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay sa isang pangungusap.
Ginagamitan ito ng mga salitang hindi, di, ayaw, o huwag. Sa wikang Ingles, ito ay tinatawag na adverb of negation.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pananggi
Narito ang sampung halimbawa ng pang-abay na pananggi sa pangungusap.
- Huwag tularan ang mali niyang ginawa.
- Hindi mabuti ang pagtatapon ng basura kung saan-saan.
- Ayaw niyang sumagot sa mga chat ko.
- Hindi maganda ang panahon ngayon.
- Ayaw kausapin ni Bea si Andrew.
- Hindi mabuti ang pakiramdam ni Gng. Ramos.
- Ayaw tumigil sa paninigarilyo si Mang Ramon.
- Huwag kang sumama sa taong hindi mo kilala.
- Ayaw sumama ni Weng sa kanyang Tiya Lina.
- ‘Di tama ang pagsagot ng pabarang sa magulang.

Kung natagpuan mong kapaki-pakinabang ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila rin ay matuto.
I-click ang share button na makikita sa screen para ibahagi ito sa iyong mga social media account. Maraming salamat!
Mga kaugnay na aralin
PANG-ABAY: Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.
PANDIWA: Halimbawa ng Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Pokus, Uri, Atbp.
PANG-URI: Halimbawa ng Pang-uri, Uri ng Pang-uri, Antas, Atbp.
PANGHALIP: Uri ng Panghalip, Halimbawa ng Panghalip, Gamit, Atbp.
PANGATNIG: Ano ang Pangatnig, Halimbawa ng Pangatnig, Uri, Atbp.