Tatalakin natin sa pahinang ito kung ano ang pang-abay na panggaano. Gumawa din kami ng sampung halimbawa ng pang-abay na panggaano upang mas maintindihan mo ng mabilis kung paano ito gamitin sa pangungusap.
Ano ang Pang-abay na Panggaano?
Ang pang-abay na panggaano na kilala rin sa tawag na pang-abay na pampanukat ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat ng bagay na pinag-uusapan sa pangungusap.
Ito ay sumasagot sa tanong na gaano o magkano.
Halimbawa ng Pang-abay na Panggaano
Narito ang sampung halimbawa ng pang-abay na panggaano sa pangunguasap.
- Nadagdagan ang aking timbang ng limang kilo.
- Limampung piso ang kilo ng binili kong bigas kahapon.
- Bumili ka ng limang pirasong sibuyas.
- Walong basong tubig ang inumin mo araw-araw.
- Dalawang oras na akong naghihintay sa’yo.
- Limang kilometro ang layo ng bahay namin mula dito.
- Pitong takal ng bigas ang hiniram ni Goryo.
- Inabot ng mahigit dalawang oras ang nilakad namin.
- Kunin mo ang tatlong kilong baboy sa palengke.
- Kumain ka ng sampung pirasong ubas sa umaga.
Kung natagpuan mong kapaki-pakinabang ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila rin ay matuto.
I-click ang share button na makikita sa screen para ibahagi ito sa iyong mga social media account. Maraming salamat!
Mga kaugnay na aralin
Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.
Ano ang Pang-abay na Kusatibo at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Pananggi at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Panang-ayon at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Ingklitik at mga Halimbawa nito
Ano ang Pang-abay na Panlunan at mga Halimbawa nito