Pang-abay na Panggaano: Ano ang Pang-abay na Panggaano at mga Halimbawa nito

Tatalakin natin sa pahinang ito kung ano ang pang-abay na panggaano. Gumawa din kami ng sampung halimbawa ng pang-abay na panggaano upang mas maintindihan mo ng mabilis kung paano ito gamitin sa pangungusap.

Ano ang Pang-abay na Panggaano?

Ang pang-abay na panggaano na kilala rin sa tawag na pang-abay na pampanukat ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat ng bagay na pinag-uusapan sa pangungusap.

Ito ay sumasagot sa tanong na gaano o magkano.

Ano ang Pang-abay na Panggaano?

Halimbawa ng Pang-abay na Panggaano

Narito ang sampung halimbawa ng pang-abay na panggaano sa pangunguasap.

  1. Nadagdagan ang aking timbang ng limang kilo.
  2. Limampung piso ang kilo ng binili kong bigas kahapon.
  3. Bumili ka ng limang pirasong sibuyas.
  4. Walong basong tubig ang inumin mo araw-araw.
  5. Dalawang oras na akong naghihintay sa’yo.
  6. Limang kilometro ang layo ng bahay namin mula dito.
  7. Pitong takal ng bigas ang hiniram ni Goryo.
  8. Inabot ng mahigit dalawang oras ang nilakad namin.
  9. Kunin mo ang tatlong kilong baboy sa palengke.
  10. Kumain ka ng sampung pirasong ubas sa umaga.
Halimbawa ng Pang-abay na Panggaano

Kung natagpuan mong kapaki-pakinabang ang araling ito, mangyaring ibahagi ito sa iyong mga kaklase at kaibigan upang sila rin ay matuto.

I-click ang share button na makikita sa screen para ibahagi ito sa iyong mga social media account. Maraming salamat!

Mga kaugnay na aralin

Halimbawa ng Pang-abay, Uri ng Pang-abay, Atbp.

Ano ang Pang-abay na Kusatibo at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Pananggi at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Panang-ayon at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Ingklitik at mga Halimbawa nito

Ano ang Pang-abay na Panlunan at mga Halimbawa nito

Halimbawa ng Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Pokus, Uri, Atbp.

Halimbawa ng Pang-uri, Uri ng Pang-uri, Antas, Atbp.

Share this: